May nakatira kaya sa kwarto namin?

22 0 0
                                    

May nakatira kaya sa kwarto namin?

Bagong pagawa lang ang bahay namin, 2yrs na. Bakanteng lote to dati pero marami namang kapitbahay. Yung kwarto ko ako lang mag isa natutulog, may cr din sya.

During pandemic palagi ako nagkakasleep paralysis, lagi ko nakikita babae, minsan nakabukas ang pinto ng cr at may babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, mukhang galit na nakakatakot. Minsan ko na rin mapanaginipan na yung mukha nya nakalutang sa harap ng mukha ko. Minsan nasa bintana ko sya nakalutang, unti unting inililingon ang leeg nya hanggang magkatitigan kami. Minsan naman sinasakal ako ng demonyo, etong panaginip na to, ginising na ako ng kapatid ko kasi mula daw sa kwarto niya naririnig na nya akong sumisigaw.

Lahat ng to dinisregard ko, kasi 1. pandemic, feeling helpless and hopeless ako nung pumasok ang pandemic 2. feeling ko nasa depressive state ako kaya my mind was tricking me.

2021 pumunta na ako sa bansa kung saan nandun asawa ko, kinailangan ko mag quarantine nun for 5 days sa isang hotel, pagpasok pa lang sa hotel room, kakaiba na nararamdaman ko. Sa kwarto at sala, may malalaking salamin. Unang gabi ko pa lang nagka sleep paralysis na ako. Kaya sa sala na ako natulog at gumawa ng makeshift bed. Di ako kumportable dun kasi parang laging may nakatingin sa akin.  After nun, nakatira kami sa malaking bahay na inupahan namin. First few nights, nagkakasleep paralysis pa rin ako. Nagigising na lang ako na pagod na pagod at takot. Sabi ko baka sinundan ako. Posible ba sumunod sila sa sleep paralysis state?

2022 umuwi ako sa Pinas, same kwarto. May isang buwan pa lang yata ang anak ko nun, isang gabi nagising na lang ako kasi may malaking boses ng lalaki na dumighal sa kanang tenga ko, nasa kaliwa ko ang baby ko, natutulog. Paano?

Around 4 months naman yata anak ko, nagising ako isang umaga nasa paanan ko na ang anak ko, nakadapa ng maayos, hindi umiiyak, kalmado. Pero parang imposible syang makarating dun kasi katabi ko sya at konting baliktad nya lang nahulog na sana sya sa kama namin, pero ang ayos talaga ng pagkakadapa nya sa may bandang paanan ko. Paano sya nakarating dun?

Minsan, eto tandang tanda ko, palabas kami ng kwarto at nahulog ang headset ko sa floor. Sabi ko babalikan ko na lang since di ko kaya damputin dahil bitbit ko nga ang anak ko. Kinilabutan ako pagbalik ko, ang headset nasa kama na. Ayaw ba nya ng makalat?

Pandemic time din nun, natutulog ako, isang umaga, narinig ng mama at kapatid ko na may boses ng lalaki na tumatawag sa aso namin. Ang boses galing sa cr ko.

May nakatira kaya? O nilalaro lang ako ng imagination ko?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon