Shadows in the night

82 2 0
                                    

Shadows in the night.

(Friend ko nag sulat ako lang nag share pero kasama nya ako nung nangyare to.)
This story happened when I was 2nd year high school sa isang paaralan sa Sucat Paranaque, dun sa Sucat Hi Way. Alam na ng iba kung saan yun. Haha.
So eto na nga, pag 2nd year high school tayo uso yung isasadula natin yung story ng Florante at Laura. We decided na magpractice sa rooftop ng bahay ng classmate namin. Habang nagpapractice eh nagkakatawanan na din dahil inaasar namin yung main characters ng story, I was acting like the director that time dahil nga magugulo at makukulit din ang mga kasama ko kaya walang mangyayaring maganda samen pag nagkataon. At ayun na nga, nagpahinga muna kami sa pagpractice hanggang sa naisipan namin na akyatin yung water tank nung classmate namin. Kita kasi dun yung school namin. So nagtaka kami alas nwebe na ng gabi pero ang dami pa ring estudyante to think na hanggang 7pm lang ang klase ng panghapon.
Nakabukas pa din yung mga ilaw ng ibang classroom sa 4th Floor. Yung isang room pa nga pabukas-patay pa yung ilaw. May mga ilang estudyante din sa labas na nakatambay tapos may mga palakad-lakad pa. Dahil malayo nga, parang puro shadow na lang yung nakikita namin. Alam mo yung mga tao nun na experimented na sa spykids? Ganon sila magsilakad. Parang tuhod lang ang gamit. Meron pa nga na nagfoform in line dun sa center tapos para silang may hagdan pababa kasi unti-unti silang nawawala. Same commotion pa din sa ibang room, patay-bukas pa din ang ilaw at normal na naglalakad yung iba.
Naghinala na kami that time na hindi siya basta-basta. Kaya bumaba kami at pinuntahan yung school. Nagtanong kami sa guard kung may mga estudyante pang naiwan, sabi naman nung guard wala na na daw, nakalabas na daw lahat. Bigla kaming nagkatinginan. Syempre matic na kung ano yung mga yun. Bumalik ulit kami at umakyat ng water tank, andun pa rin yung mga anino na nakita namin at ang dami pa rin nila.
Dahil sa takot namin, nag-offer kami ng prayer at halos mangiyak ako sa takot habang nakapikit na nagdadasal at di na kami ulit tumingin pa.
Until now, yun pa rin ang unforgettable story ko dun sa school na yun. Anyway, salamat sa pagbabasa. Kaway-kaway dun sa mga kasama ko that time kung mababasa nila tong story na to. Haha. Godbless us all.
Momma Y.



📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon