Madre sa Makati
Nangyari ito sa panganay kong kapatid around 12 years ago when she was still working in a BPO sa Makati. That time, her shift ends around 2am. Nung araw na nangyari ito, she got out of the building around 3am na. She had to walk through a poorly-lit street para makasakay ng jeep.
Antok at pagod na daw siya at gusto na makauwi. Habang naglalakad, nakita nya sa gitna ng street may madre na naglalakad towards her. Beige yung suot ng madre. Habang papalapit sila sa isa’t isa, nag ready na sya na ngitian or batiin yung madre pero hindi ito nakatingin sa kanya. Napansin niya na walang dalang kahit ano yung madre, nagtaka siya bakit naglalakad ng ganung oras sa madilim na kalsada. The exact moment na nagkasalubong sila, diretso pa rin ang tingin nung madre like she wasn’t noticing my sibling. Dun niya na napansin na parang hindi normal na lakad yung galaw nung madre, very smooth lang parang gliding. Tumayo lahat ng balahibo ng kapatid ko, sobrang takot daw naramdaman niya, parang may ibang energy.
Binilisan niya yung lakad pero sobrang takot niya feeling niya daw ang laki ng ulo niya. Nung malapit na siya sa kanto, tinakbo niya na at sumakay agad ng jeep. Hindi niya tiningnan kung nandun yung madre.
She thought the ordeal was done pero mali siya..Madre sa Makati
PART 2Para sa mga hindi pa nababasa ang part 1, ito muna basahin niyo:
https://www.facebook.com/groups/letstakutanpare/permalink/618383326647810/
So nakasakay na ng jeep yung kapatid ko and hindi niya na tiningnan kung nandun pa sa street yung madre sa sobrang takot niya. Pag dating niya sa street namin (sa Manila kami nakatira that time), nasa kanto pa lang siya, umungol na lahat ng aso ng mga kapitbahay. Nung papasok na siya ng gate, may sumabay na paru-paro sa kanya pero sa takot niya nagmadali na siyang pumasok ng bahay.
This is where everything went downhill..
Yung bedroom ng kapatid ko, may double deck and then may mattress din sa floor. My sibling has a son and he was 5 years old when this happened. My nephew, doon siya natutulog sa top bunk. The night after the madre encounter happened, napansin ng kapatid ko na parang nakatayo yung anak nya sa kama. Madilim pero naaaninag niya. So tumayo yung kapatid ko para buksan yung ilaw. When she turned on the lights, nakita nyang nakatayo nga yung anak niya, nakaharap sa pader at nakataas yung mga kamay na parang gagapang paakyat. Nakadilat daw yung anak niya pero nakailang tawag at tapik bago nahimasmasan. After nun, nilipat na nila yung anak nila sa baba ng double deck at silang mag asawa sa mattress sa foor.
The next night, patay na ang ilaw, since walang night light, madilim sobra sa room. Naririnig niya sobrang likot ng anak niya so kinuha ng kapatid ko yung cellphone niya para ilawan at tingnan yung pamangkin ko. Muntik nya na mahampas ng phone yung anak niya kasi pagtapat na pagtapat niya ng ilaw, nakatingin sa kanya yung bata as in malapit sa mukha niya. Nakatitig lang. Nung kinausap niya at tinanong kung anong ginagawa, tumalikod lang yung bata at natulog.
The next night, ganun pa rin, something weird is happening to my nephew. Naglilikot pa rin and pagtapat niya ng ilaw nakatingin lang sa taas ng uluhan yung anak niya. E wala naman space between bed and the wall so directly sa wall nakatingin yung pamangkin ko. The next morning, nakita nila na parang may nafoform na figure sa wall kung saan nakatitig yung pamangkin ko the previous night. The figure is like a head tapos hanggang shoulders lang. Dark siya na parang shadow.
When they saw that, sinabihan na siya ng asawa niya na dadalhin siya sa simbahan para mapaalis yung madre kasi feeling nila, sumama sa kanya pauwi yung madre. Sinama na din nila yung pamangkin ko. After nila pumunta sa simbahan, nawala na yung weird things na nangyayari sa pamangkin ko and unti unti na rin nawala yung nag form sa wall.
I’m not religious. I don’t believe in the paranormal and I like looking for scientific explanations about things but this has been a very popular happening in our family and I don’t know how to explain everything that happened.
I have other stories to share and will post them as soon as possible.
#ltapreal
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.