ANG BRACELET | FINALE
https://youtu.be/bYnHHcNO3u4
Napaisip ako ng mahigit dalawang taon kung sino ang gustong manakit sa akin. Halos lahat ng taong malapit sa akin naisip ko baka isa sakanila. Pati mga kapatid ko at si mama nadamay pa.
Nagiguilty nga ako tuwing naalala ko, katulad ngayon. At hindi pa rin nawawala yung sakit sa puso ko nang malaman at mapatunayan ko kung sino ang taong yun. Sya lang ang nag-iisa bukod kay tatay na hindi ko pinag-isipan ng masama.
Akala ko rin hindi ko na malalaman pa kung sino sya at habang buhay na akong matatakot para sa kaligtasan ko. Nag-offer naman ng tulong si Talita at Tanya, yung dalawang ate ni taylor.
Kaya lang kasi napanghinaan ako ng loob dahil sabi nila, yung paraang naiisip nila, dapat kaharap namin yung taong yun. Kaso nga wala akong ideya kung sino.
Hanggang sa alukin na ako ng kasal ni taylor. Tapos nabanggit sakanya ni Ellis, si Ellis yung bestfriend ng nanay ko, nang tungkol sa tradisyon nating mga pilipino na pamamanhikan.
Dahil sobrang rumespeto ni taylor, sinabi nyang gagawin namin yung tradisyon ng pamamanhikan at yung kasal sa simbahan ay dyan sa pilipinas gaganapin.
Nauna akong umuwi dyan. Syempre may dala akong ilang pirasong protection bracelet. Payo na rin yun nila Talita. Pagdating ko, sinabi ko na agad kay mama at sa apat kong kapatid na ikakasal na ako. Iyakan kami buong gabi. Pero sabi naman nila masaya sila para sa akin.
So pagdating nila taylor, kinagabihan, pinapunta ko mga kamaganak namin sa bahay. At doon na nga namin inannounced na ikakasal na kami. Pati yung plano sa kasal sinabi na namin. Tapos si mama dahil may dalawa syang kapatid na babae, sabi nya tulungan nila kaming magprepare, kasi sure sya na kung buhay pa si tatay, yun din ang gusto nito.
So habang nag uusap, napatingin ako kay Talita at Tanya na katabi ng mga pinsan ko. Nanayo balahibo ko nung makita na may hawak silang magkapatid na tig isang papel. Yung parang paperdoll pero walang mata ganyan. As is na papel lang.
Hindi ko man naririnig, nakikita ko na gumagalaw labi nilang dalawa. Basta talagang kinikilabutan ako. Tapos nagpilas ng maliit na piraso sa paper doll si Talita. Biglang napasigaw si papa, napatayo pa nga habang nakahawak sa balikat.
Humigpit hawak ko sa kamay ni taylor tapos parang lumulubo ulo ko. Hanggang si tanya naman ang pumilas ng maliit sa hawak nyang paper doll. Napaaray na naman si papa. Tapos kinuyumos na nila talita yung papel saka tumingin sa akin.
Pinigil ko talagang umiyak. Ang sakit sakit tuloy ng dibdib ko. Pagkatapos nung pag uusap nagkulong lang ako sa kwarto. Wala akong kinakausap kahit si taylor.
Naiintindihan naman nya ako hindi nya ako kinulit. Dahil alam na nya, sinabi na kasi ng dalawang ate nya sakanya, sya na yung personal na naghahanda ng pagkain ko. Ang hinala kasi nilang magkakapatid kaya lagi akong sinisikmura noon dahil sa hinahalo sa pagkain ko. Yun lang naman kasi ang lagi kong sakit noong kabataan ko. Yung sakit ng tyan.
Dapat hindi ko na itutuloy na ikasal dyan. Mabuti na lang nung dumating si ellis, isang linggo bago ang kasal, nakumbinse nya ako na ituloy. Pero nahalata ko non na mas naging hands on sya sa kasal. Mejo nagtampo pa nga si mama non kasi laging yung gusto ni ellis ang pinapaboran ko.
Sa araw din ng kasal, si mama at ellis ang naghatid sa akin sa altar. Si papa kasi nalate ng gising. Tingin ko sila taylor ang dalhilan bakit yun nangyari. Malaki talaga pasasalamat ko sakanila kasi kung hindi nila yun ginawa? Malamang nagkapanic attack ako sa araw ng kasal. Natatakot na ko kay papa eh.
Hindi na rin kami nagtagal dyan. Tapos nagpalipas ng dalawang buwan si ellis bago nya ko kinausap tungkol kay papa. Sabi nya sa akin mabait naman si papa at naging masaya naman talaga ang nanay ko sakanya. Kumbaga wala syang red flags na nakita kay papa during that time.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.