UNFORGETTABLE CONCERT

21 0 0
                                    

UNFORGETTABLE CONCERT

Maulang araw sa lahat. This is Faith of Pampanga once again.

Month of December- can't remember the year. Mabilis na kumalat ang balita na may magaganap na concert sa araw na yun. Bata pa ako nun.

May isa kasi kaming ka-barangay na naging artista kaya syempre proud kami. Saglit lang siya sa That's Entertainment nun kasi marami na ang alaga ni Kuya Germs dun at kahit paano naman ay tumatak na sa madla ang kanyang pangalan. Siyempre excited ang lahat kahit di pista ay nagpalagay ng mga banderitas. Ang kapitan namin nun ay ninong ng kuya Norbert ko. Bale may pamangkin siyang artista at magsasama daw ng kasamahan. At sina ate Annie ko naman nun nanalo sa pa-contest sa Regional Convention ng choir sa School nila kaya magpe-perform daw sila.

Ang concert na magaganap ay walang passes kaya pwedeng pumasok ang lahat. Ang artistang tinutukoy ko ay singer din. Siya si Mariz Camurungan o kilala sa tawag na Mariz. At ngayon ay asawa ng action star-director.

Sila ang may pinaka-malaki at magandang bahay dun sa aming barangay. Mababait ang mga kamag-anak nya at mapag-kawang gawa. Yung pare ni tatay na tinutukoy kong naghatid samin sa doktor sa kwento kong hika ay Tito nya yun, kapatid din ng Tatay nya. Halos lahat sila ay may kaya na nun sa buhay bago pa pumasok sa showbiz ito.

December 30- Araw ng Concert, 7pm palang ay nandoon na kami, at madami ng tao. Kaso wala pa daw ang mga artista. Inip na inip na ang lahat, ang sabi ay 7pm magsi-simula. Mga bandang 9pm ay may mga sasakyan ng  dumating at nagkagulo ang lahat. May mga nag-cover  naman sa mga artista para makapasok sila. Yung mga brgy councils. Tapos pinakain muna at pinag-pahinga then nagbihis. Diyos ko po napipikit na mga mata namin ng mga barkada ko, sina Rona at Daisy tsaka Jerome and Alfred. Hanggang nainip na sina Jerome at Alfred at uuwi na raw kasi ina-antok na talaga  Sige sabi namin kami manonood pa.

Bandang 10:30 ng may marinig kaming magsalita sa stage. Sigawan mga tao at tulakan. Hanggang sa tinawag si Mariz at kinanta ang kanyang first single. Kasalanan ba? Palakpakan ang mga tao, hiyawan. May mga back-up dancers din siya.  Tapos may mga nagsayaw na mga babae na maiiksi mga damit. Lalo nagsigawan mga tao at lalo namang ginanahan ang mga artista na mag-perform.

Sa loob naman nung time pala na yun na nagkakagulo ay lumapit daw ang mga kababaryo namin na magpe-perform mamaya dun sa mga artistang nasa loob, isa na ang ate. Mga suplado at suplada daw ang iba. Siyempre kasama ni Mariz si bf, alam naman natin na di siya palangiti. Isa lang ang ngumiti sa kanila at nagpa- unlak din sa ate ko na magpa picture. Sabi niya daw nya kay ER (George Estregan Jr- mabait siya) can i have photo with you? Ngumiti daw ito at lumapit tapos bigla siyang binuhat. Na shokt ang ate ko kaya ng makuhanan sila ng pic ay nakanganga siya at ang kasama nya ay ang guwapo. Para silang bagong kasal sa picture nila.

Kami naman pagkatapos kumanta ni Mariz ulit nagyayaya ng umuwi si Rona antok na daw talaga.
"Ang layo-layo ng nilakad natin para makarating lang dito tapos kainis magyayaya to", sabi ni Daisy. Hanggang pumayag na kami na umuwi nalang nga.

Ang lalakarin namin mula sa kanila ay mga nasa 15 kilometers hangang school yun tapos malayo pa nun. Mula school hanggang samin ay nasa 10 kilometers. Ang layo. Maliwanag naman ang buwan. Bale kami lang nun kasi ang iba dahil madalang lang makapanood ng artista samin kaya naman gusto nilang tapusin. Kwentuhan kami habang naglalakad 

Nasa may kabahayan na kami, malapit sa school ng may marinig kaming mga boses ng mga lalaki. At maiingay sila habang tumatakbo. Mga lima katao sila. Tapos kami naman ay kinabahan nun kasi nung time na yun ay may batang nagahasa sa amin. Kaya naghawak-kamay kaming tatlo. Tapos nagsalita ang isa sabi nya, "mga bata may nakita ba kayong tumatakbo dito?"
Sumagot naman si Daisy, "opo kayo."
"Hindi maliban sa amin," sabi ng mama.
"Ahh kayo lang po at kakadating lang namin dito," sagot ko.
"Ahh sige may hinahabol kasi kaming tao", sabi ng isa.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon