WHO ARE YOU II

25 0 0
                                    

WHO ARE YOU II

Hi ka sigaw,  Chum again. Para po sa nag aask if yung babae sa Dream about you at yung sa kwento ko sa part 1 nito ay iisa ba? YES PO. And dun naman sa nag aask if pinsan ko ba yung sender ng DREAM ABOUT YOU? YES din po.

Gaya nyo hindi din ako kumbinsido na may split personality lang yung si camille.  Alam ko na hindi ako kagandahan pero di ko alam bakit ayaw na ayaw nya sa akin. As in maramdaman nya palang presensya ko di na maitago yung galit nya.

Till one night nag aya si L na mag hang out kami so expected ko na kasama nya si camille. Kaya sinama ko nadin si cha para malaman ko ano ba talaga yung meron kay Camille. Knowing na si cha ay nagwowork sa isang mental health facility at weirdo syang likas haha may ability kasi sya pero di ko matawag kung ano.

Nasa venue na kame that time at nakita ko yung gulat ni camille nung makita na may kasama ko. Mas tumindi yung pagiging balisa nya na di ko maintindihan, nanlilisik yung mga mata nya na tumingin sa akin. Naupo si cha sa tabi mismo ni camille, habang inaatay namin yung pag kain nagkwento bigla si cha about sa baboy. Sabi nya noon daw naging kasangkapan ang baboy ng mga demonyo. Sinapian daw kasi ito ng diablo. Hindi ko maintindihan bakit nya yon nakwento. Kaya may ilan na ayaw ng baboy kasi para sakanila madumi ito. Habang nagkwekwento sya biglang tumayo si camille at nanlilisik ang mata kay cha na parang gusto nyang pumatay pero si cha kalmado padin. Nagpumilit si camille na umuwi na sila kaya walang nagawa si L kundi ihatid na. Nang maka alis sila nagsalita si cha.

C- hindi basta may mental disorder sya. Merong nasa loob nya.
A- ano? Demon ba?
C- oo. Natatalo sya ng demon na nasa loob nya. Kasi hinayaan niya yon na nasa kanya. 
A-pero may sakit ba talaga sya?
C- given na may multiple identity disorder sya. Pero hindi yun sapat para makagawa sya ng mga bagay beyond sa ability ng isang ordinaryong tao. At yung mga alter na meron sya most of them ay harmless.
A- paano natin sya mailalayo kay L?
C- hindi natin sya ilalayo. We will help her. Sa pamamagitan mismo ng pinsan mo. Need natin mabuild ng mas matibay ang faith natin kay God. Tuturuan natin si camille magkaroon ng pananampalataya kay God. Yun kasi ang wala sya. 

Mahirap pero kakayanin yan yung motto namin.  Kinagabihan tinawagan ko pinsan ko pero ewan ko ba bakit imbes na magkwento kinamusta ko nalang sya.  Andun na naman kasi yung pakiramdam na may mali.  Kahit sa bahay natulog si cha, hindi kame nakatulog ng maayos. Kasi andyan yung pakiramdam na may mali at may mangyayari. Ramdam ko kasi na may nagmamasid sa amin dalawa. 
Kaya puyat na puyat kame. Nakatulog lang kame nung nasa bahay na kami nila J.
Till next time ka sigaw.

-chum

More from Chum:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=575756543165953&id=218238752251069




📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon