Communicate with Nature (Part 1)
Nung bata pa lang ako mahilig na ako sa mga hayop, sa mga halaman. May time pa nun na ulam namin ay munggo, naawa ako sa munggo na binili ng mama ko habang tinitignan ko kung pano niya hugasan yun para lutuin. Nung nag CR mama ko dinakot ko yung munggo, marami akong nakuha tapos tinanim ko yun sa malaking lata. Nagtaka mama ko bat daw nangonte sabi ko ginapangan kasi ng ipis kaya tnapon ko yung nagapangan na parte. Tas nung tumubo na yung munggo may namamahay na na tipaklong and im so happy with that. Intro lang yun sa pagkamahilig ko sa nature. So mag sisimula na ako.
Nasa probinsya kami ng pamilya ko, hindi ko na maalala kung ilang taon ako nun 17 na kasi ako ngayon sguro mga 6yrs old ako nun. Gumagala ako sa bukirin ng lolo ko, sa surigao yung probinsya namin tapat ng pacific ocean yung bahay namin mga ilang layo lang ang pagitan. Sobrang saya ko habang nag lalakad kasi napapalibutan ako ng mga halaman, yung mga manok na pagala gala sa lupain ng lolo ko tuwang tuwa pa ako kasi sinusundan nila ako. That time kasi hindi ako aware na marami palang ahas sa mga damuhan na yun since bata pa nga ako at first time ko nun sa probinsya. Habang palayo ng palayo yung lakad ko lahat ng nadadaanan kong hayop sumusunod sakin at eto pa yung nagpataka sakin kasi yung behavior ng manok lalo na yung inahing manok nagiging matapang, yung tipong nakataas balahibo niya at nakataas yung leeg parang manunuka na manunugod tapos yung isang aso na nadaanan kong may galis nag ge-grrrr siya habang amoy ng amoy sa mga dadaanan ko. Btw yung pwesto ng aso nauuna sa paglakad ko habang yung mga manok pakalat kalat sa paligid ko. So kahit ganon yung nangyayari sa paligid ko syempre tuwang tuwa ako feeling ko boss ako ng mga hayop bata pa kasi ako nun e iba mag isip. Yung aso na amoy ng amoy sa mga dadaanan ko tumahol tapos yung mga manok sa paligid ko nagtaasan yung balahibo pati leeg nagpuntahan sila sa kinaroroonan ng aso habang nag titilaok tilaok ng pagalit. Since dun din naman ako papunta sa kinaroroonan ng aso, tinignan ko na kung anong meron dun at nakakita ko ng sawa tinataboy ng aso at ng mga manok. Natakot ako nun first time ko makakita ng sawa ang sabi kasi ng kuya ko na isang taon lang lamang sakin mabilis daw gumapang yung ahas mabilis pa sa cheetah(favorite animal ko) kaya natakot ako nun tarantang taranta ako dagdag pa yung napakaingay na mga hayop sa paligid ko na masakit sa tenga. Habang tumatakbo ako actually hindi takbo nagawa ko nun eh malalaking hakbang lang kasi matataas yung damo, walang sumasagi sa isip ko na kahit ano kundi makalayo lang sa pinaroroonan ng sawa. Maling daan na pala yung tinatahak ko papunta ng bahay and there was a bird na napakaganda ng kulay niya, hindi ko alam kung anong tawag dun sa ibon na yun basta palipad lipad siya sa itaas ko sinisigawan ako ng twit! (Imagine the voice of an eagle pero maliit lang at walang echo) eh wala akong paki sa kaniya nun kasi nga tarantang taranta ako hanggang sa humarang siya sa daan ko at pinagkakalmot yung mukha ko that caused to change my direction which is the right path pauwi. Hanggang sa makauwi ako ng bahay punta agad ako sa kwarto sabay takip ng unan sa mukha mga ilang minuto rin akong nakaganon ng posisyon walang pumapasok sa isip ko blangko utak ko. Ilang minuto makalipas tinignan ko yung mukha ko mga pula pula lang na pahaba ang bakas ng kalmot ng ibon. Hindi ko kinwento yun sa magulang ko kasi ang isip ko nun baka pagalitan ako. Syempre as a kid takot mapagalitan kapag napapahamak kaya d na sinasabi sa magulang. Alam kong malapit ang puso ko sa nature pero hindi ko inaasahang ganon katindi ang pagmamahal ng kalikasan din sa akin. Habang lumalaki ako nakaka encounter ako ng mga pambihirang pangyayari sa buhay ko na may kinalaman sa nature. May time na pumunta ako sa bahay ng best friend ko which is malapit sa school na pinapasukan ko. After ng class dumeretso ako sa bahay ng best friend ko para maglaro ng mga laruan niyang pambabae at kumanta kanta. Ayos lang naman yung dumeretso ako sa bahay nila after class pang umaga naman kasi ako nun atska tapat lang ng school bahay namin. Meron silang aso na labrador malaki siya kulay itim naka-kadena sa may gate nila so madadaanan ko yun bago pumasok ng bahay nila. Sinalubong kami ng kuya niya na binata para harangin ang aso nila kasi wild yung ugali ng aso nila lalo na naka-kadena. Nung madadaanan ko na yung malaking aso papasok sa gate nila nakatitig lang yung aso sakin at nakakaawa ang mga titig niya. Sabi ng kuya ng kaklase ko sa aso nila "Aba good boy ah di ka nangangagat ah". Habang nag lalaro kami mga ilang minuto na ang nakalipas sabi ko na may titignan lang ako sa garden(which is kinaroroonan ng aso) nila sabi ng best friend ko "wag ka lalapit sa aso namin ah nangangagat yan" hindi naman ako napansin ng kuya niya kasi naglalaro sa computer naka headset pa. Paglabas ko ng pinto sa bahay nila which is garden na nila tumayo agad ang aso nila mula sa pagkakahiga nito.
Tinititigan ako ng aso nila habang palakad lakad ako sa harapan niya hindi ko siya tinitignan nun baka kasi tumahol pagalitan ako. Palakad lakad lang ako sa kaniya ng mga ilang segundo hanggang sa naisipan kong tignan na siya. Nagkatitigan kami, nakatayo ako nun at dahan dahang kinilos ko ang katawan ko paupo. Nagtititigan parin kami habang nakaupo ako, sa pagtitig ko sa kaniya nakukuha ko ang tiwala niya, napaparating ko sa kaniya na he can trust me and I can comfort him gamit ang puso. Kumbaga yung sa mata ko pinapadaan yung nararamdaman ng puso ko sa kaniya para malaman niya na hindi ko siya sasaktan. Hindi ko alam kung san ko natutuhan ang paraan na yun pero ganun lagi ginagawa ko kung gusto ko makuha ang tiwala ng isang hayop and it always works. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at hinimas ang ulo niya. Sa paghihimas ko ng ulo niya alam kong may hindi tama sa kaniya, hinimas ko bibig niya, likod, tiyan at paa. Nalaman ko na may pilay pala yung paa niya, hinawakan ko ang paa niya na may pilay at yung bibig niya nilapit niya sa kamay ko at binuksan niya ito, kinagat niya ang kamay ko yung tipong hindi masakit, binuhat niya lang yung kamay ko gamit yung bibig niya para ilayo at d mahawakan ang paa niyang may pilay pero sabi ko "its okay" and I kissed his head. Habang hinahawakan ko yung paa niyang may pilay nararamdaman ko ang init ng palad ko at parang naglalabas ng enerhiya. Matapos kong hawakan ang paa niyang may pilay hinawakan ko ang dalawa niyang tenga at nilapit ko yung mukha niya sa mukha ko habang nilalambing at tinititigan siya. Bigla akong nalungkot! I feel his loneliness, anger, pagka-stress. I know na he was suffering from anxiety! Gusto niyang ikiss ko yung ulo niya kasi nilalapit niya to sa mukha ko eh ako naman hindi ako pumapayag kase amoy ilang linggo na siyang d nakakaligo pero I was wrong gusto niya palang idikit yung ulo niya sa mukha ko not to kiss him but for me to know the darkest part of his life. Nagkadikit yung noo ko sa ulo niya sa lakas ng pwersa niya at sumakit yung ulo ko nun kasi I feel something strange... nacurious ako kung ano yung naramdaman ko nung nagdikit iyon kaya sinubukan ko ulit. Hinawakan ko ang dalawang tenga niya at niyuko ko sya at idinikit ko sa aking noo... May nakita akong clips na pangyayari sa buhay niya, alam niyo yung mga video clips? Ganun yung mga nakikita ko habang nakapikit pero mga 3sec lang sa scene kung saan binabato bato siya ng mga bata sa labas at mga 3sec sa scene kung saan hinampas siya ng matandang lalaki ng kahoy sa paa nung nasa kalye siya, andun pa yung tipong tahol siya ng tahol para pakainin siya sa sobrang gutom pero hindi siya pinapansin. Alam ko yung reason ng pagtahol niya because I can feel him that time! WE WERE CONNECTED WITH EACH OTHER! Nakita ko yung mga clips na yun na black and white at may mga kulay kaunti pero majority ang black and white. Im not sure if 3sec talaga ang tinagal ng bawat scene na yun estimated time ko kasi yun. After that, dumilat ako at tumingin ako sa kaniya, nakita ko sa mga mata niya na ang mga luhang gusto niyang ipatak. Namamasa ang mga mata niya. Yung aso pala na to sa harapan ko ng mga oras na yun ay nag iinda ng labis na lungkot at galit! ITONG MATAPANG AT MALAKING ASO PALA NA ITO AY WALANG TAKOT KUNG SAKTAN NG MGA TAONG KAGAYA NATIN! ITONG MAPAGMAHAL NA ASO PALA NA ITO NA MARUNONG MAG MAHAL NG AMO AY SIYANG BINABALIWALA NG KANIYANG AMO! Malaki nga siya kung tignan pero kung ikukumpara mo siya sa mga kalahi niya, malalaman mong hindi siya malusog. I kissed him once again at tumayo na ako sabay punas ng mata ko kasi naiiyak na ako nun. Pumasok ako sa loob at wala ang gana ko nun makipag usap nakatulala lang ako. Sabi ng best friend ko, "uyy ano na kawawa naman yung alaga mo (yung manika) di mo pinapakain" sabi ko sa kaniya... "kawawa naman yung aso niyo, anlaki laki ng garden niyo pero bakit niyo siya kinakadena? Sabi niya "nangangagat kasi yan eh salbahe yan" sabi ko "hindi naman magiging salbahe ang hayop kung hindi natin sila sinasalbahe" sabi niya "edi sabihin mo kay mommy!" Mukhang irita pa siya nun. After namin maglaro pauwi na ako nun nag paalam na ako sa kuya nila at sa kaniya... yung kuya niya hinarangan ulit yung aso para d ako makagat. Nag babye ako sa aso nila at winawagayway niya yung buntot niya sakin habang naka bukas ang bibig. I know naka smile siya sakin. Sabi ng kuya niya "HUY WAG MALIKOT!" kasi tumatayo siya parang gusto niya akong abutin and then I noticed his legs, yung paa niya na may pilay naitatapak na niya sa lupa normal na ulit :') Hindi talaga mawala sa isip ko yung matanda na naghampas sa paa niya! Wag po nating saktan ang mga hayop oh ano mang nilalang dito sa mundo kasi TAHANAN NATIN TO! Pinakamalaki o maliit man yan, kasama natin sila dito sa TIRAHAN NATIN! Matuto tayong rumespeto sa likha ng Diyos! Matuto tayong magmahalan ng sa gayon ay pagmamahal din ang ating matanggap! Habang lumalaki ako alam ko na mas nag e-enhance by itself pa itong ability/ies ko.
Sa next confession ko po isasaad ko sa inyo kung ano pang uri ng kalikasan ang nagagawa kong makipag communicate o malaman ang mensahe nilang nais na iparating. Btw hindi po ako girl Bi po ako. I'm a boy 🙂 baka malito kayo sa part ng manika. God bless everyone.
Polaris
-Quezon City📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.