Apartment Sa Hilaga 5 (the story)
I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=520618032013138&id=218238752251069
II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=530494451025496&id=218238752251069
III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=533602734048001&id=218238752251069
IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=534313623976912&id=218238752251069
Before akong umuwi ng novaliches, nagtext sakin si kuya sherwin na kung pwede daw magkita kami, sinabi ko saknya na 3 days from that day ay uuwi na ko sa novaliches, tapos pinilit nya parin na we need na magkita kasi ,its about daw don sa apartment yung pag uusapan namin. since dun na lilipat yung kapatid ko para my kasama sila anne, pumayag ako. Martes non, pumunta ako, thursday ang alis ko. Dinala ko na lahat ng gamit ko nun, tas dun ako sa boarding nila kuya sherwin nag stay. After namin mag dinner, my pinakita sya saking mga pictures sa phone nya, dalawang babae tapos isang lalake, yung isa don na babae ay bata. I asked him kung sino yung mga yon, instead na sagutin nya ako, tinanong nya sakin kung nakikilala ko daw ba mga yon, sabi ko hindi, tas sabi nya kahit sa suot lang daw, sabi ko hindi pa din, tinuro nya yung bata "isipin mong mabuti kung namumukhaan mo sya, o kahit sa damit lang nya, basta isipin mo alalahanin mo" pilit nya pa rin na sinasabi sakin, sabi ko bakit ba ? Ano bang meron sa mga pictures na yon, tas tinanong nya sakin kung may susi ba ako don sa apartment, sabi ko wala na, na kay anne na , tapos tinanong nya kung pwede ko daw kunin, sabi ko diko alam kasi baka nasa town namin sya, sige2 itry mo tapos pag wala sya dito sa ***** ,puntahan natin yung may ari nung apartment tapos hiramin natin yung susi, magdadahilan nalang tayo, sabi nya. Pumayag nalang din ako saknya, tinawagan ko si anne, luckily na kila Josh pala sya, sinabi ko saknya about sa susi pero diko sinabi yung agenda namin kung bakit gusto naming pumunta sa apartment, basta sinabi ko nalang na we really need it, tas sabi nya sge. Dinaanan namin kila josh yung susi, malapit lang naman yung kila kuya sherwin.
Kaming dalawa lang pumunta ni kuya sherwin sa apartment, mukhang wala sila uncle sa 2nd door kasi wala yung sasakyan nila tapos wala silang ilaw sa labas. Nag park si kuya sherwin sa my tapat ng 2nd door (dekutsi rk eh), kinuha nya sakin yung susi ng door 3, tapos tinanong ko ano ba gagawin namin don, sabi nya lang basta my ipapakita ako sayo, umayaw ako kasi natatakot ako, buntis pa naman ako non, sabi nya aalalayan nya ako at ginaguarantee nyang walang mangyayaring masama sakin. Nasa likuran lang ako ni kuya sherwin non, naka hawak ako sa braso nya. Pag open nya nung pintuan, pumasok kami sa napakadilim ng door 3 non, gamit mga flash lights ng phone namin, hinanap namin yung switch ng ilaw, nung nahanap na namin ,ayon na, lumiwanag na, tas sabi ni kuya sherwin, bitawan ko daw sya, bumitaw ako pero nasa tabi padin nya ako, sinabihan nya kong wag na wag ko daw sya ng hahawakan hanggat hindi nya daw sinasabi. sinindihan nya yung dala naming isang kandila, tas tinirik nya yun sa lapag, tapos sya naupo sa harap nong kandila, tas yung upo nya parang nagmemeditate, tapos my binubulong bulong sya, ako naman ang likot ng mga mata ko non, kinakabahan ako sa pinaggagawa nya, then tumayo sya tapos hindi ko alam kung abo ba yon or ewan ko basta pinaikutan nya yung pwesto namin ng ganon. sobrang kapal, kaya pala mejo mabigat yung pinahawak nya saking bag kasi yun pala yung laman non tas may asin pa sya ng hawak na nasa garapon ng stick o, tinanong ko sya kung para san yon, basta wag daw akong lalabas sa ginuhitan nya tapos dun lang daw ako sa tabi nya , dun lang kami sa pabilog na yon, natutunaw na yung kandila , sabi nya di daw pwedeng matunaw yung kandila, so sya kumuha ulit sa hawak nyang bag ng kandila. Sinindihan nya ulit yon, tinanong ko ulit sya para san yon, manahimik nalang daw ako kasi bumibigat na daw yung presence don, tas kinabahan na ko non, hahawakan ko sana sya kaso umiwas sya, sabi nya na wag ko daw sya ng hahawakan hanggat hindi nya sinasabi, takot na ko nun, yung apoy sa my kandila non mejo nagssway sway na kahit wala namang hangin, tas napasigaw ako nong namatay yung ilaw, si kuya sherwin non bumubulong bulong na naman, sinabihan ko sya Ano na naman ba binubulong mo, umalis na tayo dito kuya sherwin, shookit naman dito eh sabi ko, tas sabi nya wag na wag daw akong aalis o lalabas sa minarkahan nya, tas wag ko daw sya ng hahawakan, tas si kuya sherwin nagulat ako kasi bigla ba namang nag salita na yung boses e parang naka loud speaker, nakatingin sya sa my hagdan non tas sa pintuan ng cr "ANONG GINAGWA NYO DITO?" tanong nya, tas ako naman naiiyak na sa takot. tinatanong ko sya kung sinong kausap nya, di nya ako pinapansin, di na ako nakatiis hinawakan ko na sya sa kamay nya, nagulat sya non ,napatingin sya sakin, kumunot lalo yung noo nya, tas ako bigla akong nanlamig kasi nakita ko yung tinitignan nya yung matandang babae tapos yung bata, mas lalong humigpit hawak ko sa kamay nya non, hindi na sa kamay kundi sa braso na, nanginginig na din ako sa takot non, tapos yung tipong my nagsalita pero ni isa sakanila walang bumuka, juskooh para nakong magtuturn into liquid non sa takot "DITO KAMI NAKATIRA, KAYO ANG DAPAT NAMING TANUNGIN, BAKIT KAYO NANDITO SA TIRAHAN NAMIN " sabi nung boses matandang babae. " HINDI NYO PAG AARI ANG TAHANANG ITO DAHIL MGA PATAY NA KAYO!" sagot ni kuya sherwin non, tapos sabi sakin ni kuya sherwin titigan ko daw mabuti yung dalawa. Yun nga ang ginawa ko, yung bata kamukha nya yung picture na pinakita sakin ni kuya sherwin pati yung babaeng matanda , tapos habang tinititigan ko sila parang nag iiba yung anyo nila ,parang my mali sabi ko kay kuya sherwin, tas sabi nya sige lang titigan mo lang sila hanggang sa makita mo kung ano talaga sila. Tinititigan ko naman ,tas sabi nya ipapakita nya daw sakin kung ano talaga sila, tapos nag pray si kuya sherwin ng Latin ata yon ,basta diko maintindihan, tas ako nakatitig lang dun sa dalawa , parang nag iiba yung image nila, parang nagiging blurry na sobrang itim basta maitim diko nga alam kung maitim o madilim kasi black tlg sya, tapos yung parang my pangil pangil ,tapos yung mukha kahit maitim mapapansin mo tlg yung parang na disfigured ,yung kagaya pag naaksidente ka tas sa mukha yung my injury ganon, tapos yung mga mata nila diko malaman kung dilaw or orange yon. sinabi ko yon kay kuya sherwin, tapos ngumiti lang sya, my inabot syang libro sakn ,maliit lang naman pero makapal ,tas binuklat nya yon , tas sabi nya sabayan ko daw sya, binasa ko yung nakasulat dun, basta sinunod ko nalang yung mga nakasulat don, kahit diko maintidihan yung nakasulat don ,binasa ko padin, napatingin ako dun sa dalawa,andun padn sila , tapos my naririnig ako na voice, very familiar sakin yung voice, tinignan ko yung dalawa, naiyak ako non, kasi mukha na ni Jay yung isa tapos yung isa naman mukha na ng tita ko. tinigil ko yung pagbabasa ko tapos parang gusto ko silang lapitan para yakapin, sinita ako ni kuya sherwin ,wag daw akong maniniwala sa pinapakita nila.
Nililinlang lang daw nila ako, ayaw ko sanang sundin si kuya sherwin non kasi namimis ko na yung bestfriend ko pati tita ko, gusto ko pa silang tignan, pero pinilit padin ako ni kuya sherwin, sinabi nya para daw sa kapatid ko, tapos ayun na nga , tinignan ko sila for the last time tapos pumikit ,tas narinig ko na naman yung voice ni Jay "tol , halika yakapin mo ko namimiss na kita" sabi nung boses, nilabanan ko yun sa isip ko. isiniksik ko na nananahimik na sila at mas lalong hindi sila demonyo, sinabayan ko ulit si kuya sherwin sa pagbabasa, hanggang sa matapos yung binabasa namin ,pero si kuya sherwin inuulit ulit nya pading binibigkas yung huling stanza, tapos my kinuha sya sa bag nya, parang alcohol yung style nung lagayan, tapos winisikan nya yung dalawa, tas dun na nag iba tlaga yung anyo nila , makikita mong nagagalit sila, tapos napatili ako nung lumapit sila samin, pero hindi sila totally makalapit hanggang sa my labas lang sila nung namarkahan ni kuya sherwin, tas sinabuyan sila ni kuya sherwin ng asin, nakakapit lang ako sa braso nya non ,tas my binigkas si kuya sherwin na parang prayer pero in Latin ata, diko kasi maintindihan eh, tapos nagulat ako kasi bigla nag open yung pintuan ng door sa cr tapos makikita mo lang sa loob e purong black ,pero yung black na yon parang humihigop dun sa dalawa, sobrang lakas nung energy non ,ramdam namin yun ni kuya sherwin kasi parang pati kami e hinihigop nadin, tas sabi nya wag ko na daw tignan , nakayakap na sya sakin non, tapos hanggang sa nilamon na nung dilim yung dalawa,tapos nagclose yung pintuan ng cr, tapos nag on ulit yung ilaw, dali dali naming inayos yung mga gamit namin tsaka kami umalis.Kinaumagahan non , 8am na ata non nung ginising ako ni kuya sherwin kasi nsa sala daw nila si anne, yung susi daw. Nag cr muna ako tapos morning routine ko, tsaka ko hinarap si anne tapos binigay yung susi, tas sibat nadin sila non. Habang kumakain kami ni kuya sherwin, pinagkwento ko sya about dun sa nalaman nya don sa apartment at bakit o pano nya nalaman about yung sa matanda at bata don, at sino yung lalake sa picture na pinakita nya sakin non
" alam mo yung matanda ? Namatay yun doon mismo sa kinatatayuan ng apartment nyo , sa mismong door 3, kasi dati my mga puno jan, sabi sabi nung mga napagtanungan ko, namatay daw yun dahil sa atake sa puso, nagmula daw non nakakrinig na sila ng iyak jan, tapos yung batang babae naman, ginahasa tapos pinatay dun din isinagawa tapos dun nadin inilibing" kwento nya. tapos naalala ko yung ichura nila "eh kuya bakit nag iba ichura nila" tanong ko kay kuya sherwin,ngumiti sya tapos "yun kasi yung totoo chin, db sinabi ko na sayo dati pa na hindi totoo ang multo, db my nakita ka ding iba ? Si lolo nga at si lola ginaya nila eh, alam ko na tempt ka din kasi nilinlang ka din " kwento nya. "hala, oo naalala ko ,nakita ko din si jay at tita ko" sabi ko saknya "yun na nga eh, kasi hindi naman talaga sila yon, mga demonyo tlaga yun na ginagaya yung mga taong namayapa na, nililinlang nila tayong mga tao, para maniwala na pagka namatay ang isang tao ay pwede pang manatili sa mundong ibabaw, hindi chin ,hindi yun ganon, demonyo sila chin na gumagaya sa mga namaalam na nating mga mahal sa buhay ,lagi mong tatandaan yan chin, wala kang ibang pupuntahan pag namatay ka kundi babalik ka sa pagiging buhangin" sabi ni kuya sherwin. "yung sa cr nyo don ?. My puno ng mangga don dati, don yung parang naging portal nila para makapasok sa mundo natin" dagdag pa nya, sobrang naguguluhan ako sa mga sinabi niya sakin pero kahit ganun ,nagpasalamat padin ako saknya kasi wala ng mang gugulo sa apartment na yon, nung tapos na kaming kumain, tatayo na sana sya kaso naupo ulit sya tas "chin, sinabi sakin ni zar about dun sa nakita nya sa isang kwarto daw na anino, tingin ko chin, engkanto yon, kasi hindi ko sya nakita don kagabi eh, baka sya yung nagbabantay sa inuupahan nyo, tapos yung lalake sa picture na pinakita ko sayo ?, sabi nila sya daw yung dating may ari nung compound na kinatitirikan nung apartment don,hindi ko dn sya nakita kagabi " sabi ni kuya sherwin sakin , napaisip ako don, pero nagkibit balikat nadin , pagkatapos kong makapag ayos,hinatid ako ni kuya sherwin sa sakayan pauwi samin.--chin
📜Sigaw
▪︎2019▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.