THE BUS STATION
(THAILAND TOUR)Hello, mga mahal kong Ka-Spookifies.
Ang larawan pong nakikita nyo ay ang aktuwal na letrato ng bus station sa kwentong ito. Kuha ito ng mister kosa kanyang action cam bago kami matulog. Mahilig kasi siyang mag video at take photos dahil blogger siya. Libangan nya.
Ang ibabahagi ko ngayon sa inyo ay nangayari nung March 2018. Summer bonding naming mag-asawa. Mahilig kaming mag-travel,di naman kasi kami mahilig mag-mall at siya wala namang bisyo. Kaya yun ang pinaka-bonding namin. Bale ang trip na ito ay isang promo ticket. Phils to Ho Chi Minh o mas kilala sa tawag na Saigon. Tsaka Cambodia pauwi ng Pilinpinas. So nagtanong ako pano kami makakapunta ng Vietnam to Cambodia, ang sabi nya ay magba-bus kami para maiba naman. Kasi pag plane wala kang masyadong makikita. Eto ang isa sa mga adventures namin na di ko makakalimutan.
Second Stop over na namin, kagagaling lang namin mula sa 24 hours na bus ride mula sa Hanoi Vietnam. Ang mga bus na ito ay tinatawag na mga sleeper bus. Imbes na upuan, ay higaan ang nandoon sa loob ng bus dahil nga sa malalayong biyahe. Ang ruta pala namin ay mula sa Vietnam papuntang Cambodia. Kaya ang dadaanan namin ay ang bansang Lao. Nag-enjoy naman kami sa pamamasyal ng 5 days sa Veitnam ( Hanoi and Ho Chi Minh). Napakalinis ng kanilang bansa at napakasarap ng kanilang mga pagkain. Bukod pa dito, mababait ang mga tao dun. Ang challenge nga lang ay konti lang ang marunong mag-english kaya naghanda kami ng google translator para makiusap sa kanila.
Isa pa palang nakakatuwang naalala ko ay nagpapalit ng pera ang husband ko, worth 10,000 pesos ng nasa Ho Chi Minh airport na kami. Nabigla kaming dalawa HAHA kasi ang laki ng kapalit- 8million DONG. (Yun ang tawag sa pera ng Vietnam). Sabi sakin ng asawa ko dun nalang kami tumira kasi milyonaryo pala tayo dito. Pero ng pagsakay namin ng Taxi, siningil kami ng 200,000 DONG. Ayy, malaki rin pala ang gastos. Tapos bumili ako ng coke mismo kasi uhaw nako, wow 15,000. Madali rin palang maubos ang milyones sa Vietnam.
Balik tayo sa Stop over sa Lao. Kumain kami dito ng tanghalian. Pagkatapos ay kinausap kami ng konduktor ng bus na dito na raw kami sasakay ng bus papuntang Thailand. So nagbalik kami sa bus at kinuha namin ang aming mga gamit. Mabuti nalang may mga Vietnamese na nag-aabang din ng bus. At nakipag-kwentuhan kami sa kanila. Buti nalang ang isa sa kanila ay galing sa Saudi kaya marunong mag-English.
Habang nag-aabang kami ng bus napansin namin na walang tao sa mga kalsada. Ang mga bahay dun ay parang walang tao. Ang creepy. Di namin alam kung nasa trabaho sila o ano. Napakatahimik ng lugar na yun,ang haba ng biyahe ni isang tao wala kaming nakita.
Sa wakas dumating na ang bus na hinihintay namin kung saan dadalhin kami mula sa Lao papunta sa boarder ng Thailand. Wala na pala kaming Vietnamese Dong kaya dollars ang binayad namin sa kundoktor. Buti nalang ay tinanggap niya ito.
Mag-aalas singko na ng hapon ng makarating kami sa boarder ng Thailand. Ang sabi ng kundoktor ihahatid kami sa isang bus station. Dun daw kami sasakay para ihatid sa boarder at dun daw pag magko-cross country sa Thailand. Kaya ibinaba nya kami sa sakayan ng Tuktok, yun ang tawag sa public transportation nila na parang jeep na maliit. Sa state yun ng Savannaketh papunta sa terminal ng Laos-Mukdahan Bus Sation. Sakto namam may bus na naghihintay kadalasan ay mga lokal na taga Laos ang nakasakay dun na kadalasan ay nagta-trabaho sa Thailand. Tapos narating namin ang boarder ng Laos at 5:30pm. Kailangang matatakan ng exit ang mga passport namin sa Laos. Ang nagbabantay nun ay babae ang immigration officer. Sinabi nya samin na kailangan naming magbayad ng 4$ kasi hanggang 5pm lang ang office nila. Bale sinisingil nya kami ng overtime pay. So binigyan namin siya ng 20$ tiningnan nya ang kanyang mga kahon at siyay ngumiti at ibinalik nalang sa amin ang 20$. Dahil di siya marunong mag-english sumenyas nalang siya ng no change and never mind. At kanyang tinatakan ang aming mga passport ng EXIT (sa Laos). Nagpasalamat kami kasi naka-save kami ng 8$, biruin mo yun. Sumakay na kami uli sa bus at binagtas namin ang napakahabang tulay. Ito ang Laos-Thailand Friendship Bridge. Pagdating namin sa boarder ng Thailand ay bumaba uli kami para magpatatak sa passport ng ENTRY. Nung makita ng mgaimmigration officers ang aming mga passport, sabi nya, Filipinos? Yes sir sabi namin ng asawa ko. At binigyan kami ng upuan para mag-fill up ng immigration entry card. Wala silang siningil sa amin kahit na singko. Sinabi ng isang opisyal na pag dalawang beses na kaming pumasok sa Thailand ng naka-bus ay kailangan na namin ng Visa. Kasi back door pala ang aming pinasukan. Talagang kami ay namangha at na-appreciate namin kung paano kami tinrato ng maayos ng mga Thai Officials bilang Filipino. Sumakay uli kami sa bus papunta naman ng bus station ng Mukdahan. Duon kami sasakay papuntang Cambodia. Ang target namin ay makarating kami ng 4pm pero dahil ang dami naming dinaanan na Check point and Boarders ay halos alas sais ng gabi na kami nakarating dun.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.