Plus 1 and the gang

15 1 0
                                    

Plus 1 and the gang #LTaPReal

Share ko lang din experience namin ng mga kaibigan ko sa isang hotel sa Davao City. Di ko maalala yung name ng hotel😅

Magtatake kami nun that time ng exam at sa Davao City yung pinili naming testing site para rin makagala kami. Ako yung nagbook ng hotel at sinadya ko na malapit lang sa testing site as in walking distance lang para di kami malate.
Formal makitungo yung receptionist at staffs,
very affordable at mukhang desente naman yung hotel na nakuha namin, yan ang inaakala namin.

Around lunch time na kami nakapag checked in, nagpahinga muna kami sa room kasi galing kami sa 5 hrs na travel. 5 kami sa isang room at malapit sa cr yung nakuha kong area.
Habang may hinahanap ako sa bag ko bigla akong napatingin sa pintoan ng cr na dahandahang sinasara, tiningnan ko mga kasama ko kung may pumasok ba sa cr, pero lahat sila nakahiga at finifeel yung lamig ng aircon, in short ako lang yung nakapansin. Pumunta ako sa cr para ifeel kung may hangin ba sa loob para magtulak ito ng pinto pero walang hangin or bintana para daanan ng hangin. At napagtanto ko na kung may hangin man ay hindi ganon kabagal masara ang pinto. Next naman ay tinry kung e-open ng kunti yung pintuan at hintayin magclose, baka lang may something mechanics sa pinto kaya nagsasara ito ng dahandahan. Pero di naman gumalaw yung pinto kaya nakutoban na ako na baka may iba kaming roommate na di nakikita at lowkey akong naexcite, dagdag na naman to sa experience ko.  Nagtaka ang mga kasama ko bakit nilalaro ko yung pintuan pero patay malisya muna ako.

So ayun after namin magpahinga, naglakwatsa na kami at gabi na nakabalik sa hotel. Sakto rin ang pagdating ng iba naming mga kasama pero sa kabilang room yung kanila. Nauna kaming pumasok ng isa kong kaibigan while nakikichikahan sa labas yung tatlo sa kararating lang na mga kasama namin.
Dumiretso ako sa table para ilagay yung mga pagkain na pangdinner namin, syempre mga student pa kmi that time kaya tipid tipid muna kami, yung isa kong kasama pinaandar nya yung aircon at yung tv para manuod ng Cardo (jk lang haha), walang load yung cignal kaya inoff nalang nya yung tv. Saktong pagka-off ng tv, bigla nalang nagclose yung pinto ng cr, malakas ang magkakaclose kaya nagulat kami ng kasama ko. Tiningnan ko yung pinto at iniisip na baka nagpapansin yung plus 1 namin na roommate, saktong nagkatinginan kami ng kasama ko, tagal naming tumitig sa isa't isa, at unti unti namomoo yung smile ko habang sya halatang natatakot na. Saamin kasi na magkakaibigan ako lang yung hindi natatakot sa mga ganito, sa dami ba naman ng experience ko sinong hindi maiimmune? Hindi naman sila nananakit, nagpaparamdam lang. Yan ang palagi kong mindset. Kaya tinatawanan ko nalang minsan. At alam ng mga kasama ko hindi ako matatakutin.

Sa ayun na nga papalapit na ako sa kaibigan ko nung biglang natumba yung mineral sa sahig. Jan na napasigaw yung kasama ko at lumabas sa kwarto, ako naman natawa nalang sa ginawa nya at hinabol sya. Nagulat yung mga nagchichikahan sa labas bakit sumigaw yung kasama ko, agad kong hinablot yung kamay ng kasama ko at kinausap sa tabi.

Me: wag mo sabihin sa iba natin mga kasama. Alam mo naman na mas matatatakutin yan sila at ignore muna natin yung nagpaparamdam kasi mas magpaparamdam yan sila.

Friend 1: Alam mo na meron talagang something?

Me: Actually pang 2nd time na nagclose yung cr na walang nakahawak. Di ko lang sinabi sainyo. Act normal lang tayo ha?

Tumabi na kami sa mga kasama namin na curious bakit sumigaw yung kasama ko sabi ko lang na kinukulit ko si Friend 1. Di nagtagal pumasok na kami sa sarili namin room at magdidinner na kami. We did our thing, typical girl's night, chikahan, card games ng kunti, walang review review for tomorrows bidyow matalino kasi kami chor. Nung nakaramdam na ng antok yung mga kasama ko, gusto na nila matulog. Pinagtabitabi namin yung bed at tabi tabi kami matutulog. Nakaoff na lahat ng ilaw. Paidlip na sana ako nang biglang nakarinig kami ng sigaw sa kabilang room at malalakas na yapak ng mga footsteps. Bumangon yung mga kasama ko, pina-on nila yung ilaw at agad sila lumabas, ako lang yung nagpaiwan sa higaan at pinanuod nalang yung commotion sa labas sa nakaopen na pintoan, tinatamad ako makichika kasi hinala ko lumipat sa kabilang room si plus 1 atsaka sayang yung aircon, namnamin ko habang meron haha.
At di nagtagal pumasok na yung mga kasama ko kasi pinapasok sila ng staff ng hotel, nadidisturbo daw yung ibang guest dahil sa ingay sa hallway.

Kinwento ng mga kasama ko anong nangyari. Biglang nagsara daw yung cr at nakarinig daw sila ng tumatawa sa cr. Grabe yung takot ng mga kasama ko kaya grabe dikit nila sa isat isa sa paghiga. Ako naman feel na feel ko yung solo na bed pero tumabi lang din ako kalaunan ng konti sa kanila para di ako maging kj haha. Nag dim nalang kami ng ilaw at balak matulog ulit. Di na nagtagal bigla akong nakaramdam ng paghawak saaking paa, inignore ko nalang at matutulog ulit. Akala ko ako lang yung nakaramdam kasi walang nagreact sa mga kasama ko, ilang minutes na naman may humawak ulit sa paa ko, this time ang lamig ng humawak saakin. Naiinis na ako kasi kanina ko lang gusto matulog pero maraming nangyayari.
Biglang bumolong yung isa naming kasama

Friend 2: guys? Tulog pa kayo?
Friend 3: ramdam nyo yun?
Friend 1: kayo rinn???
Friend 2: may naramdam kayo?
Friend 4: ha? Ang alin?
Friend 1: m..may humawak ba sa paa nyo??

Lahat pala sila gising at naramdaman ng 3 yung naramdaman ko.
At don sabay nagtakip ng bunganga yung tatlo at tumili. At poof biglang nag on yung tv at umandar yung tubig sa cr.
Malala na tong si plus 1, may mga back up pala. Marami pala sila na nagpaparamdam at jan ko napagtanto na baka alam ng mga staff na may kababalaghan dito sa hotel dati pa kasi wala man lang silang pakialam nung nagka-commotion kanina sa hallway, di nila inaddress yung nangyari sa kabilang room at pinapasok lang nila yung mga tao sa hallway. Tila ba parang normal na ito sa kanila. Minus 1 sa rating ang hotel jk.
Bumangon na ako sa higaan para ioff yung tv, kasi ramdam na ramdam ko yung takot ng mga kasama ko, kusa nag-off yung tv, kaya biglang pagpipigil na tumili yung apat. Pumunta nalang ako sa cr at ioff yung tubig at hinayaan ko nang nakaopen yung ilaw sa cr.
Sabi ko nalang sa mga kaibigan ko na magpatugtug nalang ng prayers sa phone at ignore nalang natin kahit natatakot sila. Tayo lang din ang malulugi kasi kulang sa tulog at baka di makasagot sa exam bukas. Nakatulog naman mga kasama ko pero halatang bangag pagkagising.

At dito ko na po tatapusin ang kwento. Sana natakot din kayo haha jk. Hindi po ako pyscho at hindi nakakaramdam ng takot ah? Natakot din ako ng very slight pero di ko nalang pinapahalata sa mga kaibigan ko baka mas lumala yung mararamdaman nila kung lahat kami takot. Atska maliit lang to compare sa mga naexpereince ko sa probinsya.
Thank u sa pagbabasa😊


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon