Magic Aparador, Unang Prediksyon
I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=516969739044634&id=218238752251069Unahin ko muna laman nung sulat sakin ng future self ko. Yung una nyang tawagin na lang nating prediction. Medyo magiging mahaba ito so bear with me po. Sinubukan ko kasing ikwento ng isang bagsakan kaya lang sobrang haba. Liliwanagin ko lang po na nangyari ang lahat ng ito, 3 years ago. Yung phone na binigat sakin ni self is nawala nung ibigay sakin ni papa yung dating phone nya na matagal ko ng hinihingi sakanya, katulad na katulad nung binigay sakin ni self, kahit yung sa mga dents sa likod. So here it goes...
Dear self, sasabihin ko pa rin sayo ito kahit masakit. Masakit kasi wala kang magagawa. Isang taon mula ngayon mamamatay si tara. Magsusuicide sya self. Depressed. Kahit anong gawin mo hindi mo sya maliligtas. Ginawa ko lahat self pero wala akong nagawa. Tinuloy pa rin nya. Si tara ang magiging inspirasyon mong makagraduate
Si tara ay pinsan ko. Besties din kami. Nasa iisang barangay lang kami kaya nung mabasa ko yun kahit in doubt pa rin ako, nagpaalam ako kay mama (out of respect) na dun muna ko kila tara. Alam nyo yung base sa nakikita okay sya? Nakangiti, palatawa, in fact mas masiyahin sya sakin. Pag tinatanong ko sya kung may problema ba sya na pwede syang magsabi sakin sinasabi nya lang sakin, okay lang ako para kang timang. Ilang buwan akong nangulit sakanya tapos nagsawa na rin ako and sabay na naging busy ang schedule ko sa school kaya umuwi na ko samin. So ayun kami na lang ni mama at kapatid ko sa bahay. Siguro mga tatlong araw na kong sa bahay umuuwi, kalaro ko kapatid ko nung yung backdoor biglang bumukas ng kusa. Which is impossible kasi bakal yun, gate na maliit. That time walang hangin na malakas. Binuhat ko kapatid ko, sumilip kami sa labas pero walang tao. Sinara ko na lang. So pagsara ko, biglang nagbukas sara yung pinto naman sa sala. Takbo ako dun, kapatid ko naman nakayakap ng mahigpit sakin. Mama ako nang mama kaya lang wala si mama nag-go-grocery. Nilocked ko na rin pinto sa sala. Punta akong kusina nagbalat akong apple, balik kami sa sala tapos ini-on ko tv, naaliw na kapatid ko na kumakain habang nanonood ng chuchu tv. Kaya lang biglang namatay tv. Napayakap sya sakin kasi nakita nya yung nasa likod namin. Hindi ako lumingon. Niyakap ko ng mahigpit kapatid ko na tete nang tete sakin. Pano ko ba idedescribe. Para syang tao. Jelly na tao. Ang haba ng mga braso at binti, bibig lang meron sya. Nakatwist yung balakang nya todo sa likod and yung leeg nya sobrang haba na umaabot na sa sahig yung ulo nya, laylay. Papalapit sya samin. Pumikit ako nung naramdaman ko na yung hininga nya sa batok ko. Tapos kapatid ko naman biglang umiyak. Pagmulat ko ng mata, hinahaplos sya sa ulo gamit kuko. Dumudugo na ulo ng kapatid ko. Mahal ko kapatid ko kaya nawala ng konti yung takot ko tapos sumigaw ako humarap ako dun sa halimaw na yun. Kaya lang sinigawan nya rin kami. Para kaming nakaharap sa industrial fan sa lakas ng sigaw nya. Pag mulat ko ng mata, sila tita nakita ko. Hinanap ko kapatid ko pero di nila ko pinatayo agad. Yun pala nasa ospital ako. Si mama bigla akong niyakap na nasa tabi ko pala. Hawak ng isa kong tita kapatid ko. Tulog. Naiyak na lang ako bigla. Sabi ni tita, naabutan kami ni mama na walang malay sa sala. Wasak yung pinto sa sala, yupi yung gate sa likod, nalaglag mga picture frames. Sabi nila magnanakaw, pero walang nawala. Nung hinayaan na nila akong tumayo, kinuha ko kapatid ko tapos niyakap ko sya. Dun ko nakita sa bumbunan nya yung parang ekis na sugat. Parang s na magkatalikuran. Iyak ako nang iyak habang paulit ulit ko syang hinahalikan. Si papa nun tumawag, sinabihan nya kami na kila tara na muna magstay. So dun kami nila mama kasama si tara sa room nya. First night, wala pang kababalaghan sa isang linggo namin dun. One time, nagising ako kasi natatae ako. Around 2 in the morning yun. So kabisado ko naman na yung bahay nila tara kaya kapa kapa na lang ako di ko na sinindi ilaw. Kaya lang may tao sa loob ng cr. Upo muna ako sa upuan. Tapos nagtayuan mga buhok ko, batok, braso kahit nga sa ulo eh nanlaki kasi ulo ko. Then nasabi ko na lang bigla, parang may mali? Hindi ko mapinpoint kung ano yung mali. Basta may mali. And then nakarinig ako ng parang napunit na papel. Dahan dahan akong napatayo nung makita ko sa pader ng cr, lumalabas dun yung jellyman. Yun nga lang hindi sya solid. Para syang multo kasi tagos yung tingin ko sa katawan nya unlike sa first encounter namin tapos parang di nya ko nakita tuloy tuloy sya sa bintana. Paglabas nya ng bintana, bumukas pinto ng cr. Si tara. May hawak syang maliit na bagay. Nilapitan ko sya, nagulat sya sakin, binulsa nya agad yung hawak nya. Patakbo syang bumalik ng kwarto. Ilang araw ko syang kinulit kung anong nangyari sa loob ng banyo tapos nasigawan nya ko, tigilan ko na raw sya. Nagsorry naman sya agad sabi nya pressured lang sya sa school. Sagot ko naman, okay lang basta kung may problema sya o kahit gusto nya lang ng makikinig sa mga rants nya, sabihin nya lang. Bumalik na rin kaming bahay, yung dalwang pinsan kong lalaki kasama na namin, hiling ni papa, para daw hindi kami lang nila mama. Katatapos ng exams, nag aya mga kaibigan ko na gumala. Kaya lang kasi mas gusto kong humilata at manood kaya sabi ko tambahay na lang kami. Sakto biglang umulan kaya yung plano ko ang nasunod. Sa boarding house nila clarity kami tumambay. So yung ground floor, para sa may ari ng boarding house. Yung 2nd at 3rd floor para sa mga boarders, halo ang babae at lalaki pero hindi sa rooms pero pwedeng magstay mga boys (friends namin) basta ang sabi nung landlord, di lang pwedeng matulog. Nagsibili yung mga boys ng makakain namin, kami naman namili ng mapapanood. Then wala kaming mapili kasi gusto nila clarity, patayan. Lumabas sya ng room tapos may tinawag sya. Lalaki. Ka university din namin pero senior samin. Nagtanong sya ng movie. Tapos napatingin sakin yung lalaki. Sabi nya wait lang. Pagbalik nya tinanong nya si clarity kung pwedeng pumasok, patingin tingin sya sakin. Hindi naman ako asyumera pero mga kaibigan ko super. Tadtad na ko ng kurot lalo nung tumabi sya sakin. Hindi lang flashdrive ang dala nya, laptop na rin. Sinakmal ako ng kaba nung tanungin nya ko, pinsan mo si tara diba? Napatango ako sabay unat ng upo. Nanlalamig na ko bigla. Working student ako, sa library ako naka assign, nakita ko lang ito doon sabi nya. Sinalpak na nya flashdrive then bigla syang natigilan. Pwedeng ikaw lang muna makakita? Si tara ito eh, sabi nya ulit. Mga kaibigan ko ayaw mag adjust, kaya ang ginawa namin ako na yung pumunta ng room nya. Nasa pinakadulo yung bed nya, kinonek nya rin yung headset pinasuot nya sakin. Ipi-play na sana nya kaya lang natigilan na naman sya. Wala akong alam dito, kung gusto mo samahan kita sa library ngayon para makita mong totoo ang sinasabi ko. Maniwala ka, sabi nya ulit. Tumango ako tapos plinay na nya. At first wala namang problema sa video. Puro mga students din ng university namin, may ilang babae, then may mga alumni din akong nakita. Narealized ko na kinunan yung video during campus fest. Iniinvite kasi ng university yung ibang alumni para sa mga sports event. Then nacut yung video. Napunta na sa avr. Sa part na yun, puro lalaki na. Sa avr may mini stage. Nandun si tara, halatang lasing na. Kaharap nya yung boyfriend nya. Yung boyfriend nya, may hawak na bote, parang ginawa nyang penis nya tapos pinapasubo nya kay tara. Hiyawan yung mga lalaki. Wow walang gag reflex rinig kong sigaw ng isa. And then na cut ulit. Pero sa avr pa rin. May kausap na babae yung nagvivideo kasi rinig silang dalawa. Then yung nagvivideo sumigaw. Renzo! Sigaw nya, renzo pangalan ng boyfriend ni tara. Hindi ka namin ipapaddle pero gusto namin live show kayo ng girlfriend mo. After nun, kasama ka na, sure na may trabaho ka after graduation, deal? Sabi pa nung nagvivideo. Si tara kahit lasing halatang ayaw nya. Nagdidiskusyon sila ni renzo. Nagsalita ulit yung babaeng kausap nung nagvivideo. Then may binigay na baso may lamang tubig but may nilagay na tableta. Lumapit yung nagvivideo kila tara. Hindi pa ba ko kayo nagsesex? Ang tagal nyo na ah, tanong nya sa dalawa. Sabay na umiling si renzo at tara. Tawanan, kantyawan. Then inabot nya kay tara yung baso. Sabi nya inom muna si tara. Sinisigawan ko si tara kahit alam kong wala yung magagawa. Kasi tapos na. Ayaw kong panoorin pero sabi sakin nung lalaki, nung senior, panoorin ko tiisin ko. Tandaan ko pagmumukha ng mga nasa video. Nanlalabo na mata ko sa luha, akala ko si renzo lang. Rape yun kasi pumapalag si tara. Hinawakan sya nung iba sa kamay at paa kahit nga sa buhok nya. Una papa sinisigaw nya, sunod kuya. Tapos sobrang naiyak na ko nung pangalan ko na. Yung tarantadong renzo proud na proud na pinakita yung dugo. Virgin talaga si tara. Naging wild lahat ng mga tao sa avr. Lahat ng tao na nasa avr, pinilahan sya, lalaki at babae. Para akong nanood ng hardcore porn. After ng lahat lumapit yung nagvivideo kay renzo tapos nakipag kamay. Sunod sunod ng nakipagkamay sakanya lahat. Dun na natapos yung video. Naubos na ata luha ko kasi wala ng lumalabas pero ang sakit pa rin ng dibdib ko. Dapat aalis na ko pero pinigilan ako nung lalaki.
Nv
Maimpluwensya sila. Hindi mo sila kaya. Kayang kaya nilang baliktarin itong nasa video. Maniwala ka sakin, sabi nya
Dun ko naisipang tanungin pangalan nya. Tawagin na lang natin syang tazkie. Nagpaalam akong uuwi na. Sila clarity inis sakin pero wala akong pake sa nararamdaman nila that time. Gusto kong mapag isa na lang muna. Hinatid ako ni tazkie sa bahay tapos sabi nya makinig ako sakanya. Pagpasok kong kwarto ko, tinawagan ko si tara. Di sya sumasagot. Gusto ko syang puntahan pero natatakot ako na baka iyak lang magawa ko. Yung imbes na maging shoulder to cry on nya ko, ako naman yung ngangawa. A week after sobrang lutang ako. Napapansin ni mama, tinanong nya pa ko kung may problema ako. Kahit sila clarity. And then yung pinapantasya kong prof, nagulat ako kasi kinalabit ako habang iniisa isa kong binubura yung inupload na file sa mga computers sa library. Si tazkie lang at ako nun, kasi uwian na. Lumapit samin si tazkie. Turns out, sinabi ni tazkie sakanya. Tawagin na lang natin syang tamahome.
Nv
Member ako ng fraternity na yun. Maraming ng nagbago sa pagdaan ng panahon. Tama si tazkie sa sinabi nyang wag mo silang isusuplong sa kinauukulan. May mga brother kaming nasa kapulisan at nasa media. Pagtatakpan nila yan. Si tazkie na ang bahala sa video para hindi kumalat. Ikaw bahala kay tara, sabi ni tamahome. May nilabas syang mga papel sa bag nya. Nanginginig kong kinuha yun. Printed conversations sa messenger ni renzo at tara. Bumalik sakin yung gabing nakita ko si tara na may dalang kung ano paglabas nya ng banyo. Alam ko na kung ano yun, pt kit, positive. Tarantado si renzo. Hindi raw sya sure kung sya ang ama kaya wag syang kulitin ni tara. Sa next page, may kachat na ibang babae si renzo. Nilalandi na nya agad. Sa sunod na page, kachat nya yung magiging boss nya. Sunod, nasa blocklist na nya si tara.
Suzaku, kausapin mo si tara. Hindi ako pwede. Kausapin mo sya ngayon at bukas ng umaga, magkita tayo dito para pag usapan ang gagawin, utos ni tamahome sakin. Iniwanan ko sila agad pero si tazkie sumunod sakin. Sabi nya sasamahan nya ko. Tawag kaming tricycle. Then tunog phone ko. Si mama. Di ko sinagot. Tawag sya nang tawag. Pinatay ko phone ko. Gusto ko kasi magconcentrate kay tara. Kaya lang pagdating namin kila tara, nasa labas sila tito. Tulala sya. Nung nilapitan ko umiiyak syang tulala. Tinanong ko sya kung anong nangyari. Dami ng nakiki usyoso pero ayokong magtanong sakanila. Tapos parang natauhan si tito. Niyakap nya ko bigla. Umiyak sya nang umiyak. Ang hirap sa totoo lang. Kasi si tito sanay akong matapang, walang inaatrasan. Tapos iiyak sya sakin na parang bata. Bulol bulol syang nagsalita. Patay na si tara. Nagbigti. Buntis si tara. Di ko na alam pano kami napuntang funeraria. Basta nung hawakan ako ni tazkie sa braso andun na kami bigla. Andun sila tita pati si mama. Kinuha ko kapatid ko kay mama sya niyakap ko. Unlike sa ibang nagsuicide, walang suicide letter si tara. Nilibing sya after 2 days. Sa last night nya, pumunta si renzo. Sinadya ko syang tinapunan ng kape, sa mukha. After ng libing nya nagkulong ako sa kwarto. Hindi ako pumasok, hindi ako kumakain. Then nagising ako. Di ko alam kung anong oras na basta madilim. Tapos narealized kong panaginip lang yun kasi nasa sahig ako. Walang kama, unan kahit sapin man lang. May humaplos sa pisngi ko, mahabang kuko.
Verbatim (tandang tanda ko talaga sinabi nung boses sakin)
Dahil sa ginawa ng mamu mo, dahil sa ikaw ang pinakamamahal nya sa lahat, si tara ang sumalo ng dapat paghihirap mo at nadoble pa. Hindi dapat binabago ang dapat mangyari. Hindi ito ang huli
Nung nagising ako, napalikwas ako. May lalaking lumabas sa pinto. Lumingon pa sya sakin bago isara pinto. Takbo ako agad. Nasa sala dalawang pinsan kong lalaki. Tapos yung feeling na may mali naramdaman ko na naman. This time napinpoint ko kung anong mali. Sobrang katahimikan. Yung para akong bingi. Wala akong marinig. Then napatingin ako sa wallclock, nakatigil yun. Out of instinct tnakbo ko yung room nila mama. Pinipilit kong buksan pero ayaw. Alam ko sa sarili ko sumisigaw akong mama pero wala akong marinig na boses. Wala talaga akong marinig. Tapos may humaplos sa likod ko. Dahan dahan akong lumingon. Yung halimaw na nakita ko. Tatlo na kamay nya. Yung isang kamay nya hawak nun yung dulo ng tali, nakatali sa leeg ni tara. Then nakarinig na ko. Nagmumula sa loob ng utak ko. Boses ni tara
Ikaw dapat dito hindi ako
Ikaw dapat dito hindi ako
Ikaw dapat dito hindi ako
IKAW DAPAT DITO HINDI AKOPag mulat ko, sumisigaw ako. Nasa labas ako ng bahay, basang basa ng pawis, nasa basurahan namin ako, yung hinukay tapos dun magsusunog ng basura. Dun ko rin sinunog yung cabinet ni mamu. Yakap ako ng isa kong pinsan na lalaki. Si mama at kapatid ko umiiyak. Pagtingin ko sa suot ko, kung hindi lang ako napigilan ng pinsan ko, baka hinubad ko kahit borles na ko. Suot ko yung suot ni tara'ng bestida nung makita syang nakabigti sa kwarto nya.
Suzaku
📜Sigaw
▪︎2019▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.