SEMANA SANTA
Hello sa lahaaat. Faith once again. Walang magawa kaya magku-kuwento nalang ako sa inyo.
Hello kay Rona Alvarina, yung nagkoment sa Huling araw ng Santa Cruzan sensya na girl kung nagkataong ka-pangalan mo ang childhood best friend ko. Saka sa mga Pinay na ginawang chat box ang comments sa story kong Babaeng pinaanak ang sarili.. Ingat kayo diyan sa ibang bansa. Alam ko mahirap ang malayo sa pamilya, pero tinitiis natin ang lahat ng hirap para sa kanila. Kudos po sa lahat ng OFW. May God give you the desire of your heart.
Sagot sa nagtanong sa post kong Huling araw ng Santa Cruzan kung ano ba ang meron sa bahay ni Jagang. Kay Miss Eloisa Vera A. Legaspi. Here's the reason kung bakit takot ako dumaan sa tapat ng bahay ni Jagang.
Nangyari to ng April, bago ang kwento kong Santa Cruzan. Holy week o semana santa. Sa probinsiya namin ay maraming mga de botong katoliko at talaga namang lahat ay walang pina-palampas na okasyon.
Sa hometown namin ay linggo pa lang bago mag lunes santo ay may mga kumakanta na ng pasyon at talagang ginagayakan ang simbahan. Pagsapit ng lunes ay may mga nagtatayo ng tindahan sa magkabilang daan ng simbahan, unahan sila sa magandang pwesto. Nagtitinda ang mga kadalagahan dahil ang mga kabinataan nun ay gumagala sa gabi at naghahanap ng magagandang dilag at yun tatambay sa simbahan at iinom. Makikipag-bolahan, ganun.
Tapos pagkagabi nun hanggang sa matapos ang holy week na may kumakanta ng pasyon. May mga kabataang nakatoka para maging usherette sa bawat gabi. Sila ang mga nag-a assist sa mga bisita, sa pagpapakain. Kasi dun sa side ng simbahan ay may mahabang mesa at may mga nakalapag na mga pagkain dun. PUNI ang tawag sa kapampangan. Natatandaan kong mga niluluto nun ay sopas, pancit at arrozcaldo. Tapos may mga prutas sa gitna ng mesa.
Ang dalawa kong ate nun na sumunod sa akin ay nagpatayo din ng tindahan sa Kuya namin. Si Ate Pattie ikalawang bunso at Ate Annie matanda sa kanya. Nakuha nila ang pwestong malapit sa simbahan kaya lagi matao sa kanila. Pag umaga nun ay ako ang nagbabantay kasi kailangan nilang matulog pagkatapos namalengke ng mga ititinda naman kinagabihan. Enjoy naman ako habang nagku-kukot ng butung pakwanvpag walang bumubili. Yung Paning's butong pakwan. Sinisipsip ko pa ang balat. Hanggang sabado ay ganun ang routine namin. Pero karamihan sabadi nagtatanggal na ng timdahan.
Martes santo ay simula na ng mga nakasanayang pagpapasan ng krus at paghataw ng kawayan sa likod ng mga nagsisisi daw sa kasalanan nila. Yung mga nagpi-pinitensya. Pero pag nakilala mo daw kung sino ang nagpi-pinitensya at binanggit ang pangalan ay manghihina daw. Mga kasabihan ng matatanda. Tapos da mga dina-daanan may mga nag-bibigay ng inumin sa nagpapasan.
Kami naman ng mga kaibigan kong sina Rona at Daisy, Alfred at Jerome, nanonood din. HAHA the bioman kung tawagin namin ang aming barkada. Wala kaming pina-palampas hanggang sa pagpunta nila sa ilog para maligo ay sumasama kami. Tapos ang ilog nun kulay pula ang umaagos na tubig. Kasi nga puro sugat yung mga nagpasan ng krus sa kakakaladkad ng tao at yung mga naghahampas sa likod ng kawayan. Meron pa dun na kung may galit ang tagahataw talaga namang yun na ang pagkakataon para gumanti sa nagpapasan, which is not right.
Friday ay ginaganap ang senakulo. Yung costume talaga nila ay katulad ng napapanood natin sa Tv. Ang pari ay umarkila pa ng taong gaganap bilang Hesus na talaga naman kamukha ng napapanood sa Tv. Pagsapit ng 3pm, hayun na. Ang part na ipapako sa krus ang gumaganap na Hesus at pinag-sugalan pa ang damit nya.
Marami ang nanonood sa ganun kahit na mainit. Nagtitiis. Takbuhan kami pag sa part na may aksiyon kasi may mga armas nga sila na katulad ng sa tv.
Biyesnes ng gabi, nakatambay pa ako sa tindahan ng ate ko. May bumibili ng halo-halo nun tapos ako ang gumagawa. Ng may dumating na mga binata, manliligaw ng ate Pattie ko. Umupo sila at uminom ng beer. Tapos naririnig ko ang lalaki na bumubulong sa ate ko. Ako naman dumidikit sa ate ko HAHA. Naiinis sakin ang lalaki sama ng tingin nya. Ang lalaking tinutukoy ko na manliligaw nya ay crush ko. Ang ate namin at kuya nya ay mag-asawa. Palagi sinasabihan ng ate namin si ate Pattie na huwag siya paliligaw dun. Tama na daw siya sa pamilya nila. Tapos ang tatay ko naman sinabihan ako na bantayan ko ang mga ate ko at baka makipag-ligawan lang sa tindahan. Yung dalawang ate ko pilit ako pina-pauwi lalo pa nainis kasi nakaupo ate ko sa papag, ang lalaki sa upuan sa gilid ng papag. Ako nahiga sa papag, nag-unan ako sa ate ko. Ang ate ko naiinis na rin kasi ang kulit ko. Sabi ko sa lalaki kwentuhan ako kasi siyempre ganun naman pag crush gusto natin lagi kausap HAHA. Pilit nalang ang ngiti sakin ni kuya hanggang si ate ko kinukurot na ako ng patago at tinitignan ako ng masama. Tapos sabi nya uwi na daw ako kasi baka hinahanap na ako ng mga magulang namin. Nag-second demotion pa ang isa kong ate, oo uwi kana para lumaki ka sabi. Inis na inis ako kaya hinanap ko nalang sa simbahan ang tropa ko. Si Rona nalang ang nakita ko kasi ang Nanay nya ang kumakanta ng pasyon. Naglibot-libot kami hanggang tinawag na si Rona ng Nanay nya uwi na daw. E ako ayoko pang umuwu kaya nanonood nalang ako sa mga tao tapos nakapa ko ang butong pakwan ko sa bulsa ko. Sinipsip ko ang balat at nun ako inaya ng mga bata na mag-habulan. Kakalaro di ko na napansin ang oras. Nakita ko nalang na konti na lang ang mga tao sa simbahan halos sa tindahan nalang ang mga tao. Nagpunta uli ako sa tindahan nina ate. At nabigla silang dalawa ng makita ako kasi kala daw nila umuwi na ako bakit andun pa ako. Sabi ko "iy teng gabi na dito na ako matutulog".
"Ayy di tayo kasya dito uwi kana dun kulit mo talaga." Sabi ni Ate Annie. Ikatlong bunso ako ang bunso.
"Uwi kana nga tapos pati kami mapapagalitan dahil sayo", sabi ni Ate Pattie ko.Naiinis ako ayoko talaga umuwi. Hindi dahil gusto ko maglakwatsa ang totoo takot ako umuwi mag isa. Naiiyak ako habang pauwi. Dalawang kanto ang lalampasan ko tapos tig anim na bahay bawat kanto. Ang dilim. Naririnig ko pa rin ang pagkanta ng pasyon habang papalayo ako sa simbahan. Nakadaan na ako sa isang kanto. Natatakot talaga ako. Eto naaaa. Kini-kilabutan ako pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Nanginginig talaga ako sa takot, sobra. Tatlong bahay nalang malapit na ako sa amin. Kabadong-kabado talaga ako. Kahit natatakot ay patuloy ako sa paglakad. Nasa tapat na ako ng bahay nina Jagang (ang babaeng pinatay at tinapon sa ilog ng bf nya. Isa sa mga kwento ko). Sa harapan nila ay mapuno. May santol na malabong ang dahon at may katabing puno ng buko. May kaimito, kamias, etc. Nasa tapat na ako ng punong santol ng makaramdam ako ng kakaiba. May umihip na hangin at may naramdaman ako na gumalaw sa puno na nasa taas ng ulo ko mismo. DIYOS KO PO! Parang lumalaki ang ulo ko sa pakiramdam ko. Ayokong tingnan kasi baka ano ang makita ko pero parang lalong lumakas ang hangin at akoy napatigil sa aking paghakbang. Yung dibdib ko kumakabog na ng malakas na tila anumang oras ay lalabas ang puso ko. Naririnig ko na ang DUGUDUG ng puso ko. Hindi ko alam bakit pa ako tumingin, gusto ko ring dagukan ang sarili ko nun e HUHU. Pagtaas ng ulo ko para tingnan kung ano yun, MYGAD! May mga paang nakabitin sa puno ng santol na tila ba ang ulo ay nasa taas. Paa ang mga nakalawit! Gumalaw -galaw pa di ko alam kung dahil sa hangin. Hindi ako makakilos at parang hihimatayin na ako sa sobrang takot ko. Nanginginig ang aking baba at umiiyak ako. Gusto kong sumigaw walang lumalabas na boses. Binalak kong humakbang JOSKO di ko maigalaw ang mga paa ko.. Tila ba napako ako sa aking kinatatayuan. Ng pagtingin ko uli tila ba ang baba na ng pwesto ng mga paa JOSKO PO! Sabi ko sa sarili ko sana panaginip lang ito. Napaupo na ako sa takot habang patuloy pa rin sa pag-iyak ng tahimik. Yumuko ako, di ko na alam ang gagawin ko talaga. Tinignan ko uli ang lapit na HUHU na tila ba gusto akong dakmain ng mga paang ito. Anu-ano ng naisip ko baka pilipitin ang leeg ko ng mga paa o baka isama ako paitaas. Tumutulo nalang luha ko at walang boses na lumalabas ng binalak kong sumigaw.
Walang anu-ano'y narinig ko ang aso kong tumahol. Si Gretel. (Pag may aso kami lagi ganyan ang pangalan, hango sa story na hansel and gretel. ) Palabas si Tatay ko. Ng nasa malapit na sila sa akin ay narinig ang pag-iyak ko ni Tatay at nilapitan ako. Agad-agad akong yumakap kay Tatay at tinanong nya kung napano ako. Pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hanggang kinarga nya na ako, lalo lumakas ang atungal ko. Sabi nya uuwi na kami. Tumingala ako. Wala na ang mga paang nakabitin. Dun ako na-relieved. Kinabahan naman ang tatay ko kung napano ba ako, akala yata namolestiya ako. "May umano ba sayo dungdong" sabi nya. Endearment sakin yun ng parents ko, it means love-love . Umiling lang ako. Saka ako yumakap ng mahigpit sa leeg ni Tatay.
Tapos nahiga na kami habang pinipikpik ako. Nakatulog ako na umiiyak nun. Kinabukasan ko na sinabi kina Tatay ang dahilan bakit ako umiiyak ng makita nya ako.
Kaya wag na daw akong mag-gagala kasi baka kunin ako ng mga paang nakabitin.
Dun sa bahay talaga ni Jagang ay maraming nagpa-paramdam. Saka kahit saang part dun, kasi andaming mga puno at hitsura palang ng place creepy na talaga.
Hayy naku kahit kailan talaga walang buting maidudulot pag pasaway ang bata. Di bale sana kung kasama ko ang barkada ko nun. Pag mag-isa ka lang nakakatakot. Yung mga batang nagbabasa dito ah, huwag pasaway.
Faith ♥️
Pampanga📜Spookify
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.