DDC 4TH floor (Dvao)
I am a former student sa school na toh. Famous yung school namin kasi madaming papable at saka mga chikababes. Madaming course na in-offer sa akin sa DDC pero dahil na rin sa kasikatan ng school eh nag desisyon akong mag med course. Nung una, maayos naman kasi kapag first year pa lang, halos lahat ng klase mo ay sa C-building (hi sa mga fans ni sir TALIDs). Yung building na yun bago at saka magaganda yung rooms kaya no problemo pa ako. Pero kala-onan nung mag t-third year na, Doon na kami sa main old building, hindi pa creepy kasi nga puro pa kami mga pabebe sa mga KUYAs at ATEs namin.
Nagbago lahat para sa akin/amin nung nagkaroon kami ng klase na from 6-8:30 pm Sa 4th floor. As in. tas yung room na yun malapit sa old auditorium mas matanda pa sa lola ko. Ang mas creepy lang, sa 4th floor din nakahilata yung mga cadaver na dina disect sa isang room doon.
Pag umaakyat kami sa room namin sumasakay kami sa NAG-IISANG elevator ng school. (Relate kayo dito ddcians) Pero pag may topak yung elevator, WALA. Nag d-death march kami paakyat at pababa.
So ayun, sabay lang ako sa trip dahil gusto ko din naman yung lesson. PERO nung one time sobrang naiihi na me. Kaya nag paalam ako at ang alam ko halos lahat ng classmate ko nasa room namin. Eh yung cr nasa labas tas situated siya in between ng stairs at saka hallway ng 4th flr (sa may cadaver room). Wa pakels ako nun kasi yung pantog ko signal number 3 na. So ayun dirediretso ako sa cr. Nung naka ahon na ako sa pag pipigil ng ihi. Umupo na muna ako sa inidoro. Tatayo na sana ako nang may narinig ako na naglalakad. Hindi naman ako matatakotin pero iba yung naramdaman ko. Ang alam ko eh nasa room yung mga kaklase ko. Nanlamig ako sa inidoro mga bes. hindi ko nga alam paano ako tahimik na nag suot ulit ng pambaba. Pinakiramdaman ko kaya nung wala naman na saka na ako lumabas.
Sabi nila, pag natakot ka mas lalo kang tatakotin kaya nag patay malisya ako patingintingin pa ako sa salamin. So ayun PAGKALABAS ko naauhaw ako sa kaba kaya uminom ako sa fountain of youth ng ddc na nasa labas ng cr sa hallway. Malamig ang tubig kaya medyo tumagal ako sa pag-inom. Nakatali ang buhok ko nun kaya kita ko sa peripheral view ko yung hallway (cadaver area) sa right at saka yung paliko papunta ng classroom sa left.Hindi na ako umiinom pero nanigas ako mga BES. Nakatapak pa yung paa ko sa fountain. Kitang-kita ko na may babaeng nakatayo sa HALLWAY sa may cadaver Area. Naiihi ako ulet kasi nakita kong hindi siya nag lalakad nakatayo lang siya tas nakatingin sa banda sa akin. Malamang sa akin. Mga 30 seconds akong nakanganga lang hindi umiinom. (Mukhang tanga) Hinihintay kong mawala siya. Buti nalang late yung kaklase ko, naginhawaan ako ng tinawag niya ako tas nawala na yung babae sa paningin ko. (MABUHAY ANG MGA LATE COMERS!!)
Simula non, di na ako nag c-cr mag-isa. Tapos bigla kong naalala sa akin yung kwento ng tita Mae (di nya totoong panagalan) na gumraduate sa DDC.
NOTE: kwento niya toh sa akin bago pa ako mag-aral sa ddc. BISAYA ang dialect namin pero tinagalog ko na din
A: ate, nindot sa ddc? (Maganda ba sa ddc?)
M: nindot, hawd mutudlo ang mga maistra. (Magaling mag turo ang mga guro)
A: old naman toh diba, dili ingon hadlok? (Old na yun diba, hindi ba nakakatakot?)
M: hadlok. (Nakakatakot)Nagtaka na ako dito kasi walang deny2. Walang kahit ano. "NAKAKATAKOT" lang ang sagot.
A: ngano? (Bakit?)
M: Dati tung naga disect mi, hapit ko mahulog sa hagdanan nga ako raman unta isa. Nafeel gyud nako na gi tuklod ko. (DATI kasi nung nag d-disect kami, muntik na akong mahulog sa hagdan, ramdam ko eh na may tumulak sa akin. Kasi ako lang naman mag-isa nun)A:atik? Sure oy. ( weh? Sure ka?)
M: OO LAGE. Mao ikaw pag amiping diha.
(OO NGA. Kaya ikaw mag ingat ka.)A: kinsa pud kaha toh? (SINO naman kaya mag tutulak sayo?)
ETO NA ETO NA!!!
M: Ana sa akoa akoang higher year na naa daw nag pakamatay na babae diri sa una. Ni ambak gikan 4th floor. (Sabi sa akin ng higher year ko na may nag pakamatay daw doon sa 4th floor na babae. Tumalon.)
A:ha?! Ngano? (Ha? Bakit?)
M: wa ko kabalo inig tinuod ang sturya pero ana sila na nag pakamatay siya kay nakita niya ang cadaver sa iyang mama. (Hindi ko alam kung totoo pero sabi nila na nakita niya daw ang cadaver ng nanay niya)
SUMMARIZE KO: Dati kasi pag nag d-disect raw eh nakatakip yung mukha. Yung studyante raw na nag pakamatay eh taga malayong probinsya. Kaya wala siya gaanong balita sa pamilya niya. Isang araw daw na nag d-disect sila eh naisipan niyang bigla na tanggalin yung takip sa mukha ng cadaver at ikinagulat niya na nanay niya ito. Hindi niya kinaya kaya raw siya nag pakamatay mismo sa 4th floor.
So, ayun lang. May back story. Madami pang creepy sa DDC. Pero eto lang yung talagang own experience ko. Madami din kasing may alam na nakakakita ako. Please keep me anonymous. Chismishahahah. -Anon2014
📜Spookify
▪︎2017▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.