AT LUMABAS ANG HALIMAW MULA SA LIBRO...
Magandang araw po sa lahat. Namiss ko po kayo, muli si Faith ng Pampanga.
Naniniwala ba kayo na ang mga binabasa nating nilalang ng diyablo ay may kakayahang magka-totoo? YES PO! Let me tell you a story, here it goes.
Katulad ng sabi ko sa huli kong kwento (POSO), si Ruth ay naunang nag-asawa sa amin ni Sarah. Anak sila ng Ate Rose ko (panganay kong kapatid) na nakasabayan kong lumaki at nag-dalaga. Dun sa kwento kong Poso ay naglilihi pa lang si Ruth.
Si Ruth ay mahilig magbasa ng mga libro at kahit magiging nanay na ay mahilig pa rin siyang manood ng cartoons at magbasa ng mga komiks. Isang araw, pumasyal sila sa isa ko pang ate na nakatira sa kabilang barangay, at nakita nya na maraming mga libro sa book shelf nila. Si ate Aubrey na nag-ofw dati sa Hong Kong. Yung ibang books ng alaga nya na ayaw na ay hinihingi nya minsan at inuuwi para sa mga anak nya. Hanggang may isang libro na nakakuha ng atensyon ni Ruth. Ang pamagat nito ay "Magic & Mystery ". Ito ay tungkol sa ibat ibang klase ng maligno at halimaw. Hiningi nya ito sa ate ko.
Nang makauwi na si Ruth ay paulit-ulit nya itong binabasa at dahil magaling siyang mag-drawing ay iginuhit nya ang mga ito. Katabi pa nya sa pagtulog. Araw at gabi nya itong binabasa at tila ba nahulog na ang loob nya sa nga tauhan sa librong ito. Hindi kumpleto ang araw nya kung hindi ito binabasa.
Sumapit ang araw ng kabuwanan nya. Excited kaming lahat noon kasi yung sa ultrasound ay babae, unang apo ng ate ko sa isa nyang anak ay lalaki, 18 ako nun. Hayun e noh, ang bata ko pa lola na naman ako, aisttt.
Araw ng kanyang panganganak ay naging okay naman ang lahat. Sobrang tuwa ng Kuya Jim at ate Rose (mg magulang ni Ruth) ng makita ang napakagandang baby, ang puti-puti na para bang labanos, magaganda ang mga mata at maliit na bibig. Syempre lahat kami agawan. Ang gusto ay kargahin ang baby. Ang pangalan nya ay kinuha sa Bible katulad din ng mga anak at iba pang apo ni ate rose. Tawagin natin siyang Jireh,di tunay na pangalan.
Nakauwi na sila ng bahay noon at sa taas pa rin natutulog sina Ruth, ang ikalawang palapag ng bahay ay gawa sa sawali. Pag natutulog ang bata ay bigla nalang itong iiyak na parang may guma-gambala sa kanya. At pag kinarga naman nila ay parang pinasakan ang bibig, tatahan siya. Hanggang isang araw katatapos lang maligo ni Jireh at agad itong nakatulog, inilagay nya ito sa duyan at walang anu-ano ay bigla nalang itong pumalahaw ng iyak. Ang ate ko nun ay namalengke at si Ruth ay naglalaba. Agad na umakyat si Ruth upang tignan kung napaano ang baby. Nabigla siya nun ng makita ang anak nya na may mga kalmot. Nagtataka dahil kakagupit lang nya ng kuko nito habang pina-patulog kanina. Paano siya nagka-kalmot? Wala naman silang pusa o daga. Isang gabi, masarap na ang tulog ng lahat ng magising sila sa iyak ng baby at nakita nila itong parang winawasiwas ang mga kamay na animoy may ini-iwasan siya. Sabi ni ate baka nananaginip si baby. Kinabukasan pag gising ni Ruth nabigla siya dahil nakita nyang may mga pasa ang baby sa kanyang mga braso at mukha, inalis nya ang damit ng bata maging ang likod niya ay meron din. Umiiyak siyang ginising si Sarah at ang mama nyang si Ate Rose. Natatakot siya baka may sakit ang baby. Imposible namang namantal siya dahil natamaan ko naisip ni Ruth.. Nag-alala na rin si ate nun at nag pray sila. Hinintay si Kuya Jim para pa-check up ang bata.
Pagkahapon noon ay naging bisita nila ang kanilang Pastor, dinadalaw ang bagong panganak. Mabait at makalinga si Pastor sa kanyang mga miyembro. Pagkapasok pa lang ni Pastor ay luminga- linga siya at narinig ni ate ang pagsabi ni Pastor ng "In Jesus Name". Na animo'y nakakaramdam siya ng kakaiba at may bumabagabag na masamang espiritu sa bahay ng ate ko. Pero hindi muna nya ipinaalam sa ate ko. Kasi ang pakay nya ay bisitahin ang mag-ina.
Kinumusta ni Pastor ang mag- ina at natuwa siya ng malaman ang pangalan ng baby. Nabigla si Pastor ng makita ang mga pantal na itim sa maputing balat ng bata. Tinaning nya si Ruth bakit may ganun ang bata. Sabi ni ate nagtataka din sila bakit may ganun ang bata. .Palaisipan talaga bakit may ganya n siya. Hanggang ma-kwento ni Ruth ang paborito nyang aklat. Ikinuwento nya ito kay Pastor, ang pagkahumaling nya sa libro. Pati ang pag guhit nya sa hitsura ng mga nasa libro. Na Araw gabi nya itong binabasa. Ang sabi ni Pastor ay malakas ang evil spirit at marami silang kayang gawin. Ginawa daw lagusan nito ang aklat na paborito ni Ruth. Marahil daw ang mga tauhan sa libro ay nagsi-selos dahil hindi na ito binabasa, iginuguhit at tinitignan ni Ruth. Kaya sinasaktan ang baby kasi nasa kanya na lahat ng oras ni Ruth. Wala na siyang panahon sa libro. Tinanong ni Pastor kung nasaan ba ang libro at titignan nya. Tanda ni Ruth at naipatong nya ito sa devider sa ilalim ng tv. Takang-taka siya bakit wala ito. Kaya hinanap ito ni Ruth sa taas. Ganun nalang ang kanyang pagtataka dahil ito ay nasa itaas ng aparador, dun sa pinakalikod na dulo. Nang kukunin nya ito ay tila ba may humahawak dito at hindi nya ito makuha. Kaya umakyat si ate para kunin ito pero hindi rin nya nakuha. Dun na umakyat si Pastor at ng kukunin nya ay nagpray siya at ang libro daw ay napakabigat.
Sabi ni Pastor dapat daw sunugin na ang libro para tuluyan ng gambalain ang baby. Pinakuha ni ate ang posporo kay Ruth na nasa tabi lang ng stove, nagtataka siya bakit basa ito. Kaya inutusan si Sarah na bumili ito sa labas.
sabi ng nagtitinda.
"oo meron pang isa". Ng tignan ng nagtitinda ay wala na ang posporo. Ganun din sa isa pang tindahan. Kaya ang ginawa nila ay humiram nalang ng lighter sa kapitbahay. Ng sinusunog ito ni Pastor ay nagpi-pray siya at ang sabi ni Ruth may boses daw siyang narinig na nagpapa-saklolo. Binless na rin ni Pastor ang kanilang bahay at ki-nast-out ang lahat ng gawa ng diablo ay walang karapatag manatili sa bahay na yun dahil ang mga nakatira dito ay pag-aari ng DIOS.Ngayon ay malaki na si Jireh at maganda pa rin. Sabi ni ate aubrey ko kahawig daw ni Jireh yung isang character sa libro. Maganda siya na may matigas na puso. Matigas nga ang puso ni Jireh, ng mamatay si Ate Rose at Kuya Jim ay hindi siya naiyak. Pero ako ayoko ng isipin yun kasi ang gusto kong tignan ay kung gaano kaganda ang apo namin.
Lesson: Sa mga salita ng Dios tayo maglaan ng oras. Mag-ingat po tayo sa ating mga binabasa at pinapanood dahil madalas ang medium ay ginagamit ng diyablo. Minsan nga pamilya pa natin e. Hanggang sa muli.
Faith ❤
📜Spookify
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
Kinh dịAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.