Lahat ba dito naniniwala sa after-life!?
Ako ito talaga paniniwala ko, but nung nawala ang mom ko, na-test ang faith ko. I was desperate to the point na sinusunod ko yung meditation videos sa youtube about connecting to deceased loved ones and since parang hindi naman ako maka-connect, feeling ko nung time na yun scam or fake news lang ang after-life. However, kung babalikan ko yung mga signs na nakuha ko, masasabi ko na malaki ang chance na totoo ito. So let me share yung mga na-experience ko non related to my mom:
1. Few hours after she gained her wings, syempre puro kami iyak. Ako lang at ang mga anak ko nasa bahay, yung iba naming kasama inaasikaso ung remains nya. Buhat ko isang anak ko non, then suddenly sa left side ng leeg ko may nafeel akong di ko maexplain kung malamig ba o mainit pero parang more on menthol yung effect sa skin. Dito, naisip ko baka dahil buhat ko lang anak ko (using my right arm) pero sa totoo lang; never ko to naranasan pa bukod sa instance na yon.
2. Ayaw na ayaw ng mom ko na naglalaba ako, kahit may asawa na ako 😂. One night, naglaba ako ng ilang damit lang naman at sa lababo lang ako naglaba. I saw in my peripheral vision na may papalapit/papunta sa kitchen kung nasaan ako. Akala ko asawa ko, until naramdaman ko na parang may lumapit sa akin and napapitlag ako. Alam nyo yung para kang ginulat? Pero walang tao.. less than a week pa lang syang wala dito. Hindi kami mayaman pero growing up, gusto nya talaga lagi akong komportable at focus lang sa school at paglalaro, o sa kahit anong makakapag-pasaya sa akin basta hindi ako mapapahamak. Marami kasi syang pinagdaanang hardships kaya ayaw nya maranasan ko daw yun. Hindi nya talaga matanggan nung nabubuhay pa sya na kailangan ko nang maglaba hahaha!!!
3. Hindi pa din talaga ako convinced sa experiences ko ko sa 1 and 2, hanggang few weeks siguro after nyang mawala, sobrang nagpray ako. I was crying then kinausap ko sya. Sabi ko, kung meron talagang after life please naman, magpakita sya sa akin sa panaginip. Never ko kasi sya napapanaginipan non. Guess what? Hindi ko sya napanaginipan pero I woke up na umiiyak asawa ko and hawak ang kamay ko. Napanaginipan nya daw mom ko and told him na alagaan ako at wag bibitawan ang kamay ko.
4. Kinwento ng asawa ko yung exact na panaginip nya and even yung event na meron sa panaginip nya. Naiyak na naman ako dahil few weeks before this, nagchat pinsan ko and napanginipan nya mom ko sa same event na nakita ng asawa ko sa panaginip nya. Never ko kinwento sa asawa ko yung panaginip ng pinsan ko at di din naman sila nakakapag kwentuhan ng pinsan ko.
5. May week na sobrang down ako. Ito yung panahon na may acceptance na ako and nagmmove forward na. Stressed ako sa work pati sa isang tao. Until nagtext ang pinsan ko at kinakamusta ako. Napanaginipan daw nya mommy ko and sabi daw kamustahin daw ako kasi hindi ako okay. Sa dream nya, pumunta daw sya sa bahay namin para kamustahin ako after sabihin yon ng mom ko pero pagdating daw nya don, tulog ako sa inassume nya okay lang ako. In reality, that time eh madalas nga ako tulog dahil down ako.Hindi pa din solid proof ito siguro, pero for me, naniniwala na ako sa after-life. Nakikinig pa din sila, nagbabantay, nagmamahal. ☺️
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.