GAWAAN NG SANTO

21 2 0
                                    

GAWAAN NG SANTO

nasa kultura na natin pagsapit ng pasko ang bigayan ng regalo. negosyante ako dito sa pampanga at tuwing pasko nagbibigay ako ng mga regalo sa mga kliyente ko. isa sa kanila nag request ng isang rebulto ng santo na gawa sa kahoy, may isang kilalang lugar dito sa amin sa pampanga ang kilala sa paggawa ng mga rebulto ng mga santo yun ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao doon.

kamakailan lang niyaya ko ang aming bagong driver na mamili ng mga regalo, huli sa listahan ang santo na request ng isang kliyente ko. hapon na ng makapunta kami sa mga hilera ng tindahan at gawaan ng mga santo. medyo may halaga dn ang mga ito kaya naman ugali na natin ang maghanap ng mas mura okaya naman makipag tawaran para masagad ang presyo. umikot ikot kami sa lugar para makapag canvas pa ng mura hanggang medyo mag tatakipsilim na. habang binabaybay namin ang daan may nakita akong isang gawaan na nakabukod sa iba. dali-dali kong pinahinto ang sasakyan at ang sabi ko sa driver ko "itabi mo dyan bababa ako" tinignan ako ng driver ko at sinabi nya lang na "ok boss". ako lang ang bumaba at ang driver ko naiwan sa sasakyan. magaganda ang nakita kong mga gawang santo parang realistic talaga life size at maraming mga yaring produkto, nakita ko sa may dulong bahagi ng gawaan isang matandang lalaki nakaupo sya pawang may nilililok naka talikod, tinawag ko at binati para makapag tanong, huminto sya sa kanyang ginagawa ng akmang tatayo na sya, bigla akong hinawakan ng mahigpit sa braso ng driver ko, at hinila ng malakas pabalik ng sasakyan. tanging sabi ng driver ko paulit-ulit "boss! boss! at boss!" lang sinasabi nya parang nagmamadali na mayron kaming tinataguan. sambit ko "teka lang bakit ba tanong ko anong ginagawa mo may kausap ako manlililok ang ganda ng gawa nila", at sinagot ako "boss sumakay ka na umalis tayo dito iba ang nakikita mo sa nakikita ko eh sakay na boss tara dali na po" pag sambit nyang un biglang nanlamig ako doon ko palang naramdaman na may mali doon sa pinuntahan naming lugar. di ko ma wari mukha ng driver ko namamawis sya na takot na takot. nagsimula nadin ako matakot nagtaasan mga balahibo ko tumahimik bigla ang paligid. nung nakaalis na kami kala ko ako lang nakapansin parang iba ang takbo ng sasakyan namin parang ambigat na kargado ang loob. tingin ng tingin driver ko sa likod. may binubulong sya habang hawak ang trianggulong kwintas nya. inalis nya ito at ipinasuot muna sa akin para proteksyon raw. wala ng tanong pa dahil alam ko mayroon mali at kakaiba at anumang oras may posibleng mangyaring masama. sakto malapit na kami sa San Guillermo Church sikat na simbahan dito sa pampanga ipinasok nya doon ang sasakyan saktong mag sisimbang gabi na. doon biglang gumaan pakiramdam naming pareho at doon nakami nakapag usap ng maayos.

"boss ano ba nakita mo doon? akala ko iihi ka lang kaya pinatabi mo sasakyan eh abandonadong gusali ung pinasok mo walang mga santo o anumang gawaan doon kaya nagtaka ako dumiretso ka pa doon sa loob", sambit nya at ung manlililok daw na nakita ko itim na nilalang daw sumabit pa sa likod ng sasakyan kaya pala ang bigat ng arangkada namin sa daan. pinatapos na namin ang misa bago kami umalis, ang driver ko pala manggagamot ang tatay at bukas din ang third eye nya. bago kami umalis sinigurado ng aking driver na wala na at hindi na sasama pa sa amin kung anumang nilalang un na nilinlang ako sa aking mga nakita. dalawang araw pagkatapos ng insidente muli kaming dumaan sa lugar na iyon para kunin ung inorder ko na santo sa kalapit bayan at totoo nga hindi ako makapaniwala isang abandonadong gusali nga ang nandoon, mukhang ilang dekada na itong inabandona luma at ung mga nakita ko na display na santo naging mga naglalakihang damo sa harapan taliwas sa nakita at pinasukan  ko nung una na gawaan at tindahan ng mga santo..

📍Bacolor, Pampanga


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon