Ondoy

56 3 0
                                    

Ondoy

Hi! Naaliw lang ako magbasa ng mga stories dito kaya nainspire rin ako na magshare ng kwentong kilabot. Sana ay mapublish.

Nakatira ako sa Southern Tagalog. Huwag na natin tukuyin ang exact province. Pero nung kasagsagan ng bagyong Ondoy, isa ang community namin sa pinaka nasalanta ng bagyo.

May isang village na malapit samin yung talagang lumubog sa putik. Sabi ng mga kapitbahay (na akala mo eh mga eksperto talaga), talagang lulubog daw yung village na yun sa baha dahil ang landscape nya ay parang mangkok, at nandun ang village sa bottom. Kaya, hindi mabibilang ang dami ng namatay nung bagyo. Marami pa hanggang ngayon ang hindi na nakita. Bata man o matanda.

So, tama na ang introduction.

May tito ako na tricycle driver. Since malapit lang ang bahay namin doon sa sinasabi kong village, minsan ay may naihahatid sya at nasusundong mga pasahero mula sa lugar na yun.

Di pa man fully-recovered ang lugar (as in may putik pa sa dingding ang mga bahay), nagsimula nang mamasada ang tito ko. Madaling araw pa lang, nagsimula na mamasada ang tito ko. Alam niya kasing marami ang pasahero dahil marami ang babalik ng bahay dahil wala ng baha. Nakatyempo agad siya. May inihatid sya dun sa lugar na maglilimas daw ng mga gamit tapos nag abang na siya ng pasahero. Lahat ng madadaan, malulungkot at mapapait ang mga mukha.

Saglit lang, may nakuha na sya agad. Isang pamilya. Putikan ang mga ito dahil siguro ay galing rin sa paglilimas ng gamit o galing doon sa parte ng village na hanggang bewang pa rin ang putik. Isang ginoo, isang ginang, dalawang batang babae at lalake. Yung batang lalake ang pinakamaliit. Tinanong nya kung saan sila magpapahatid. Sumagot naman agad yung lalake na sa may hi-way lang sila. Pumayag naman yung tito ko kahit medyo may kalayuan yung hi-way kasi marami naman sila: 8 pesos ang isa. Kikita agad siya ng 32 pesos.

Yung lalaki, sumakay sa likod nya at yung babae at dalawang bata, sumakay sa loob.

Nung pagbaba, tinanong ng lalaki ang tito ko kung magkano yung bayad:

""32 lang. 30 na lang baka walang barya eh"" sagot ng tito ko. Tinago niya yung awa niya kasi hanap-buhay nya rin yung pagdrive.

""Magkano ho ba isa?"" tanong ulit nung lalaki.

""Otso ho. Eh, apat kayo,"" tito ko.

Nagtinginan yung lalake at babae tapos nagkunutan ng noo sabay tumingin sa tito ko.

""Tatlo lang ho kami manong,"" nakakunot yung noo ng lalaki, nagtataka.

Binilang niya ulit. Yung lalaki, yung babae, yung batang babae. Di niya makita yung batang lalake.

""Nasan yung batang lalake?"" nagtataka na rin ang tito ko.

""Yung mag-ina ko lang po yung nasa loob 'nong."" sagot nung lalake.

""Aba eh sino yung nasa may tuhod ko kanina?"" takang-taka na siya.

Ang tagal na walang umimik sa kanila.

""Baka ho may nakisabay lang sa atin manong. Kawawa naman siguro. Sige ho, bayaran ko na lang. Para makarating sa pupuntahan"" malumanay na sabi ng lalake.

Wala nang nasabi yung tito ko. Pero nung kinekwento nya ito sa akin, sabi niya kilabot na kilabot siya. Lalo na raw nung tiningnan niya yung maliit na upuan na lalagyan niya ng tools na malapit sa binti niya, ang daming putik.

MAY NAKISABAY NGA.

Laiya



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon