Lamay

19 0 0
                                    

"Lamay"

Permission to share again admin, thank you in advance.

Hullo mga readers, just wanna share another experience na hindi ko masabi if paranormal or sadyang weird lang.

Sa call center ako nagtratrabaho at nangyari to one day papasok ako around 3am. Yung pinakamalapit na sakayan sa bahay namin kalahating kilometro yung layo at yung dadaanan mong kalye madilim dahil maraming puno ang humaharang sa liwanag ng streetlight, madalas pa may napupunding ilaw na matagal palitan. Hindi rin matao yung kalye na yun kaya nakaw holdap at trip din pero no choice eh, yun talaga daan ko, lakasan na lang ng loob.

May lalakarin pa akong onti papunta sa kalye na yun at yung kanto nun malaking bakanteng lote na may barungbarong, sila ata yung pinagbabantay sa lupa. Pagliko ko sa street papuntang sakayan nakita ko yung barungbarong na may maliwanag na ilaw, wala kasi silang ilaw sa labas kaya mapupuna mo kaagad. Unang pumasok sa isip ko baka may lamay ulit, mga 2 weeks before that day kasi namatayan sila. Nung nasa tapat na nila ako nakita ko na may lamay nga; may kabaong, may mga ilaw at bulaklak ng patay, may mga monobloc at lamesa. Mukhang normal na lamay maliban sa isang bagay; walang tao. Nakasarado din yung pintuan at bintana ng barungbarong. Nagtaka ako kasi ang alam ko sa paniniwala bawal iwan ang patay ng walang nagbabantay. Naisip ko din pabiro, paano kung nakawin ng Bal-bal yung bangkay at palitan ng troso ng saging lol. Kinilabutan din talaga ako sa nakita ko pero nagtuloy lang sa lakad. Safe naman ako nakarating sa opisina that time at nawala din sa isip ko yung nadaanan ko until pag-uwi ko.

Dun ako dumadaan sa same street pauwi pag nagtitipid ako dahil yung main gate ng subdivision higit 1km sa bahay namin at mahal tricycle dahil laging special byahe. Pagdaan ko sa barungbarong nagulat ako wala na yung kabaong at yung mga gamit pang lamay. Naisip ko baka isang araw lang sila nag-lamay at same day din yung libing. Dumaan muna ako sa parents ko bago umuwi para mag-merienda, magkalapit lang kasi kami ng bahay. Medyo kakwentuhan ng ermats ko yung nakatira dun sa barungbarong kaya natanong ko sya kung alam nya sino yung bagong namatay. Nagulat yung ermats ko kasi ang alam nya wala namang bagong patay, nakakwentuhan pa daw nya that day yung nakatira dun at wala naman nabanggit. So kwinento ko yung experience ko nung madaling araw. Ayaw talaga maniwala ng ermats ko eh haha, akala nya joke lang pero sabi ko meron talaga. Yung mga kapitbahay din nila ermats sa townhouse hindi din daw alam kung may lamay dun kahit na mas malapit sila sa barungbarong kaysa sa amin.

Hindi na namin nalaman kung totoo bang may lamay that day kasi nahiya magtanong ermats ko. Lumipat na din yung nakatira doon dahil pinatayuan na ng  warehouse yung lote. To this day isa yun sa mga weird experiences ko na walang kasagutan; vivid hallucinations ko lang ba yun o may lamay talaga? Ewan hahaha.

-Skeptic Believer



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon