Hula
Una sa lahat, katoliko ako kaya di ko talaga tinatangkilik yang mga hula2x na yan. Dark arts daw yan sabi ng lola ko. sabi pa nya, lahat ng nangyayari sa buhay natin ay bunga ng malaya nating desisyon at kagustuhan ng Diyos. (Rest in peace nay)
Pero eto nga, nangyari sakin tong mga to:
Year 2012. First year college ako nun at first day of classes namin. Late akong pumasok nun sa isang subject ko. Nandun na nun si Maam at nakita ko na nakapagpasa na ng papel mga kaklase ko. Pag pasok ko tinanong ko yung katabi ko kung pangalan lang ba yung isusulat sa papel para makapagpasa narin ako ng akin pero sabi nya mamaya nalang daw kasi hinuhulaan daw sila ni Maam. Based daw sa penmanship nila (dun sa pinasa nilang papel) kaya daw basahin ni Maam yung future nila o malaman yung personality nila. Amazed na amazed mga kaklase ko nun kasi tama yung pag kakadescribe ni Maam sa mga ugali nila kahit na first meeting palang namin nun. Pero may mga kaklase ako na di nya publicly sinabi yung prediction about sa kanila. Private matters daw ata. Nung natapos na lahat silang mahulaan, tinitigan ako ni Maam at kinukuha yung papel ko. Binigay ko kasi attendance namin yun pero sabi ko, ayokong magpahula. (Katoliko e) di nya ako pinilit nung araw na yun pero sa buong semester iba talaga yung titig nya sakin at madalas nya akong tanungin kung ayaw ko ba daw talagang magpahula. Lagi akong tumatanggi.
Sa nagdaang semester ewan ko kung tsumatsamba lang sya pero sabi nung mga kaklase ko nagkatotoo daw mga hula sakanila. Meron pa yung one time na may nawalan ng cp sa klase tapos hinawakan nya lang mga bag namin alam na nya kung sino yung nagnakaw at naibalik yung cp. Tapos diba may mga kaklase ako nun na di nya publicly sinabi yung hula about sakanila nung first day namin? turned out nakita nya kasi na maagang mag aasawa, mag dodrop, magnanakaw, disv*rgin sila etc. LAHAT NG MGA TO TAMA AT NAGKATOTOO.
So eto na nga yung start ng kwento ko. Alam lahat ng mga kaklase ko na masayahin akong tao at marami akong kaibigan. Isa sakanila si Mag(not her real name). Last two meetings na namin nun kay Maam kasi patapos na ang sem. Matamlay nun si Mag sa klase namin, dahil kaibigan ko sya, alam ko kung bakit kaya nung break time namin, kinocomfort namin sya. Lumapit si Maam tapos biglang sabi nya, ""MAG, TOTOO YUNG HINALA MO"" Napatingin kami sakanya. Tapos sobrang kinilabutan ako nung sinabi nyang ""ITS ABOUT YOUR FATHER, RIGHT?"" Nung time kasi na yun ang lakas ng hinala ni Mag na nambababae yung tatay nya. Wala pa syang pinag oopenan nun kundi kami palang na mga kaibigan nya. WTF talaga ang abilities ni Maam. Dahil naamazed ako nun, nung tinanong nya ako kung gusto ko na daw bang magpahula, pumayag na ako. Sabi ko sa sarili ko wala namang mawawala kung susubukan ko. Hinawakan nya yung kamay ko pero sa mata ko sya nakatingin. Umiling iling sya tapos sabi niya ""DI KA MAKAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL NENG"" Di sa pagmamayabang pero isa ako sa pinakamatalino sa batch namin kaya di ko alam kung bakit ganun yung hula sakin. ""Imposible yan maam kasi may pangarap akong tao"" yan yung sabi ko. Pangiti ngiti lang sya tapos sabi nya ""YOU'LL GET SICK. REALLY SICK"" Binawi ko na agad yung kamay ko nun bago pa nya sabihing mamatay ako ng maaga. Para kasing ganun yung pinupunto nya. Ayaw ko sanang magpaapekto pero tuwing naiisip ko na nagkatotoo yung hula nya sa mga kaklase ko, sobrang natatakot ako. Inopen ko sya sa ate ko. Ang bilin ko nun at napagkasunduan di namin, Di dapat malaman ng mama ko yung hula sakin kasi nasa abroad si mama ayaw naming mag alala siya. After a week na naagstart yung 2nd sem, gabi yun, tumawag si mama sakin. Umiiyak. Meron daw matanda na bigla nalang syang hinulaan sa ibang bansa at sinabing dalawa nalang daw yung anak ni mama. TATLO KAMING MAGKAKAPATID READERS. TATLO. Kaya tinawagan kami ni Mama agad para macheck kung may masama bang nangyari samin. Ayaw ko sanang mas lalong mag alala si mama pero sinabi ko sakanya yung hula sakin. Mas lalo syang humagulgol nun. Bakit ko daw tinago sakanya. Umiiyak narin ako nun kasi dalawang magkaibang manghuhula na nasa magkabilang panig ng mundo ang nagsabing mamamatay ako ng maaga. Kinabukasan nagpadala si mama ng pera para ipa check up ako. Physical exam, x-ray, laboratory tests.. lahat ginawa sakin. Sa awa ng Diyos wala namang nadiagnose bukod sa malabo kong mata na madalas pagmulan ng sakit ko sa ulo.
FAST FORWARD. 2nd year college, wala na si Maam sa school. Ang sabi2x tinanggal daw siya nung may-ari. Katoliko kasi yung pamilya ng may ari ng school namin. Nung second year college ako, nagsimula akong tumamlay. From 62 kilos naging 47 lang ako nun. Naging sakitin ako at madalas akong di pumapasok. Muntik na akong tumigil sa pag aaral dahil isang term akong nawala. Buti nalang considerate yung mga teachers ko at tinulungan ako sa klase ng mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na nung third year college yung masamang hula sakin. Naging active ulit ako sa simbahan at sa acads.
FAST FORWARD
2015. Fourth year college na ako nun at nag intern ako sa Manila. Sakitin parin ako pero manageable naman. One time, nagyaya yung dalawang kaklase ko na mamasyal sa luneta. Gabi na nun at nakaupo kami sa grounds. Alam nyo naman sa luneta, maraming mga manghuhula dun na lumalapit sa mga tao at nag aalok ng fortune telling. May isang matandang babae na lumapit samin. Manghuhula daw. Gusto ko syang itaboy nun dahil sa masamang experience ko sa mga hula na yan pero syempre magalang at marespeto akong tao kaya hinayaan ko nalang yung mga kaklse ko na magpahula. Magaling si lola. Alam nya na graduating kami. Alam nya yung gusot sa pamilya nung kaibigan ko. Alam nyang taga probinsya kami. Alam nya na may board exam kami. At madami pang iba (private matters ng mga kaibigan ko). Napatingin si lola sakin. Di ba daw ako magpapahula? Ewan ko kung pano nangyari pero nakita ko nalang yung sarili ko na inaabot yung kamay sakanya. Pagkahawak na pagkahawak nya sa palad ko, binitiwan nya agad. Sabi nya ""KAWAWANG BATA 'TO"" Yung tingin nya sakin parang tingin ng tao sa isang tao na may sakit (alam ko kasi medical student po ako). After ilang seconds, hinawakan nya ulit ako pero this time sa iba na sya nakatingin. Sa likod ko. May binubulong bulong sya nun na di ko maintindihan. Tumataas balahibo ko nun at pati mga kaibigan ko natatakot na sa ginagawa ni lola. Pero after nyang bitawan ulit yung kamay ko,gumaan yung pakiramdam ko. Pero tuwing maaalala ko yung sinabi ni lola after nun, kinikilabutan padin ako. Sabi nya ""YUNG BABAENG NANGHULA SAYO NUN NENG, NANDITO KANINA. NARAMDAMAN NYA NA HINAWAKAN KITA. GUSTO NYANG KUNIN YUNG SPIRITO MO KASI ANAK KA NG ARAW. INUUBOS KA NYA MAGMULA NUNG NAGPAHULA KA SAKANYA""
Tang*na lang guys. Di alam ni lola yung past experience ko sa manghuhula at tang*na ulit dinescribe nya pa yung nanghulang teacher ko sakin nun. Explanation ni lola, masigla daw akong bata at mapayapa yung isip ko kaya gusto daw kunin yung spirito ko. Ang mga mabubuting manghuhula daw di dapat nila sinasabi sa hinuhulaan nila kung may masamang manyayari bagkus dapat pinagdadasal daw ng mga manghuhula na wag magkatotoo yun. Pag daw kasi sinabi nila yun sa tao tendency lulukubin sila ng takot at lungkot at eventually napapabayaan nila sarili nila. Ang panghuhula daw ay regalo din ng spirito santo at dapat gamitin sa mabuti. Sobrang pasalamat ko kay lola. Ni hindi nga sya nagpabayad kahit alukin ko sya ng malaking halaga tapos binigyan nya pa ako ng libreng anting anting pangontra ko daw.
PS. Grumaduate po akong Cum Laude at National Board topnotcher sa board exam.
PSS. NAG- AARAL PO ULIT AKO NGAYON. MAS MAKAPANGYARIHAN ANG ATING DIYOS!God be with you everyone!
ANAK NG ARAWFree-spirit
📜Spookify
▪︎2017▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.