HUWAG MONG BUBUKSAN
PART 1https://youtu.be/9iUEdKjb_pc
Naranasan ko ito noong nangangatulong pa ako. Galing akong bicol tapos ang naging amo ko taga silang cavite.
Tatlo kaming kasambahay. Pare pareho kaming bago sakanila. Katulad kasi namin e kaluluwas lang din nilang maynila. Nauna lang silang tatlong buwan.
Mahigpit ang bilin ng amo naming lalaki, tawagin natin syang kuya eric, na wag bubuksan ang pinto pag may kumatok mula alas dos hanggang alas tres kwarent ng madaling araw.
May digital clock pa talagang nakalagay sa gilid ng pinto para hindi namin makalimutan. Tatlong beses kada araw din kung ibilin nya sa amin yun.
Ako hindi ko talaga nakakalimutan. Bukod sa nakricreepyhan ako sa bilin ni kuya, ayoko rin na magalit sya sa akin. Matindi talaga ang pangangailangan ko kaya ayokong mawalan ng trabaho.
Kaya kahit ilang beses na akong nagigising na may kumakatok, hindi ako bumabangon man lang para sinuhin yun.
Kaya lang yung dalawang kasama ko, napakacurious. Nataon kasing may sipon at ubo ako. Kaya hindi na muna ako ang tumabi sa nanay ni kuya eric na may sakit.
Ayoko kasing mahawaan ang matanda. Hirap na nga sya sa pagkaparalisado ng kalahating bahagi ng katawan nya, mahahawaan ko pa ba sya ng sakit?
Nung sabihin ko yun kay kuya eric e pumayag sya pero sabi nya tignan tignan ko mommy nya kasi ako ang may kabisado sa matanda.
Bale nauna akong mahiga noong gabing yun. Nakaupo na sa gilid ng kama si Andrea, tapos nasa kwarto na ni mama tina yung si Carla.
Nung maalimpungatan ako, napabangon ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko non basta ang lakas ng kutob kong may hindi tama.
Nang tignan ko ang oras sa 3310 kong cellphone, 3:04 na ng madaling araw. Bigla akong binundol ng kaba. Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto.
Pagkakita ko sa nakabukas na pinto sa sala, nanlambot mga tuhod ko. Awtomatikong napatingin ako sa gawi ng kwarto ni mama tina.
Nakasara yung pinto ng kwarto. Kaya tinungo ko na yung pinto sa sala. Pagsilip ko, syang pagdating ni Andrea na kakamot kamot ng ulo.
'Walang tao, Mae' sabi nya.
Hinila ko sya papasok sa bahay at padabog na sinara yung pinto.
'Bakit mo binuksan?' Tanong ko
'Para kang ewan' sagot nya tapos pumasok na sa kwarto namin.
Ako naman doon na hinintay ang umaga sa sala. Nakatulog ako na hindi ko namalayan. Nagising na lang ako nung magsisigaw si kuya eric at si ate Cindy na asawa nya.
Umiiyak si ate cindy habang si kuya eric dinuduro si Andrea at Carla. Umiiyak din si kuya.
Tanong ni kuya sa dalawa, bakit nila binuksan? Yun ang ka isa isang bilin nila pero bakit hindi nila sinunod.
Nang makita ni ate cindy na gising na ako, lumapit sya sa akin. Hinawakan nya ako sa kamay tapos nakiusap na samahan ko buong araw at gabi si mama tina sa ospital.
Nagtataka talaga ako pero hindi na ko nagtanong. Pagpasok ko sa kwarto ni mama tina dahil aayusin ko sana yung mga dadalhin nya sa ospital, napatakip ako ng bibig nung makita sya.
Iisang gabi ko lang syang hindi tinabihan pero nangalumata agad sya. Nung makita nya ko pinilit nyang ngumiti. Ako rin pinilit ko kahit binalot na ng kakatwang kalungkutan puso ko.
Private room ang kinuha ni kuya eric. Bilin nya sa akin dapat lagi yung nakalock. Pag may kumatok tanungin ko raw muna kung sino anong kailangan.
Sinunod ko bilin ni kuya eric. Wala akong pake kahit sinisimangutan na ko nung mga nurse. Lagi rin akong nakahawak sa kamay ni mama tina.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.