ANG BABAENG PINAANAK ANG SARILI
Hello mga ka-Spookifies! This is Faith of Pampanga. Thank you guys for reading my stories. Here's my new story today. May pinsan ako (first cousin) na nagwo-work as DH sa Saudi. Anak siya ng nakababatang kapatid ng Tatay ko si Ate Len, matanda siya sa akin ng 2 years. Bale kuwento nya sa akin to. Here's ate Len's POV.
"Faith, may isang Pinay dito DH siya sa malapit sa amin, galing siya sa Cebu. 38 y/o na siya at maganda. Mukhang dalaga lang kasi ang ganda ng katawan. Siya si Fatima, matagal na rin siya dito sa Saudi at nadatnan ko na siya. (4 yrs na ang ate Len ko dun). Dalawa silang katulong sa bahay ng amo nya, si Lorna ang kasama nyang Maid. Ng time na yun may kasama pa silang dalawa pang Pinay na katulong ng kapatid ng Madam nya kasi nagbakasyon ang mga amo nila. Pinaki-iwan ang maid sa kapatid. So bale 4 silang maid sa bahay.
Isang gabi may mga bisita ang amo nila kaya busy si Fatima at ang mga kasama nya sa pag-aasikaso. Hanggang umalis na ang iba nilang bisita, pero may ilan pang naiwan. Bandang 2am ay napansin na ng mga kasama ni Fatima na hindi siya mapakali hanggang nagpaalam na siyang kung pwedeng aakyat na siya kasi dahil ilan naman ang bisita nun at nandoon naman ang mga kasama nya. Sabi nya masakit daw ang ngipin nya. Napansin nilang mukhang namumutla ito kaya pinabayaan nalang si Fatima para makapag-pahinga na. Baka daw masakit talaga ang pakiramdam. Dali-daling umakyat si Fatima na animo'y hinahabol ng sampung kabayo at napansin daw ng kasama nya talagang kanina pa siya hindi mapakali at tila ba siya isang pusang di mapaanak.
Si Fatima ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at dali-daling pumasok sa store room. Wala kahit na sino man sa mga kasama nya ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ni Fatima. Kasi bawal sa Saudi ang makipag-relasyon, mahigpit itong ipinagbabawal kaya nga ang mga maida nila ay nakatago ang katawan at mukha. Mata lang ang nakalitaw. Bawal din na ipakita ang ibang parte ng mukha.
Pero ito palang si Fatima ay maparaan, pag talagang gusto makakagawa ng solusyon at pag sinumpong ng kati hala, gagawa at gagawa ng paraan kahit bawal. Hayun na nga! Buntis pala siya kasi may boy friend na Pinoy din. At ng araw na yun ay sumasakit na ang kanyang tiyan at nagle-labor na pala. Marahil ang kanyang tiyan ay sinasakal nya sa gilder o ano para hindi ito mahalata. Tsaka dahil naka-unoform na rin ng maluwang kaya wala sinuman ang nakapansin na buntis siya.
Edi yun na nga, sinara ang pinto at humiga na siya. Nagsimula na siyang umire, pigil nyang makagawa ng masyadong ingay, kumagat siya ng tela para mapigilan ang sigaw. Hinahagod nya ang kanyang tiyan pababa, paulit- ulit. Mga ilang oras ding nag-labor. Marahil ay pinigilan rin nya ang sarili na magkakain mg marami noong buntis pa. May naitabi na siyang gunting dun bago pa dumating ang gabing to, maging mga damit na gagawin nyang pamunas. Saglit siyang nagpahinga at umire ng ubod lakas at binigay na lahat ng pwersa. Hanggang naramdaman nyang lumabas na ang ulo ng bata kaya binigay nya na lahat ng lakas. Hanggang tuluyan ng lumabas ang baby.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, umupo siya at pinutol ang pusod ng bata. Lininis nya ang kanyang dumi sa bodega sa itinabi nyang mga basahan. Ang sanggol ay nilagay sa kahon ng sapatos. At itinabi sa sulok. Ang isip nya ay patay ang bata dahil hindi ito umiyak kaninang pagkalabas nya.
At ng mga panahong buntis siya ay umiinom pala ng mga gamot dahil ayaw nya talaga na matuloy ang pagbubuntis. Pero sadyang makapit ang bata.
Natuwa siya ng inakala nyang patay ang bata. Sabi nya okay to at magiging madali ang lahat. Lumabas siya sa bodega ng dahan-dahan na parang walang anumang nangyari. At tumuloy sa kanyang kuwarto para matulog.
Kinabukasan ay nagising siya sa oras na dapat ay gumising siya. Ang sabi nya sa mga kasama nya ay okay na siya kasi napansin na masaya na siya ulit. Wala na daw ang "sakit ng ngipin" nya.
Ng time na yun habang naglilinis nag-iisip na siya ng magandang plano kung ano ang gagawin nya dun sa nilagay nya sa kahon ng sapatos. May naisip na siya. Narinig nya kanina na aalis sina Madam, pupuslit ako sa labas mamaya pag umalis sila para magtapon ng basura. Isasama ko ang "kahon" sa mga basura. Yan ang plano ni Fatima.
Pagkahapon ay gumagayak na nga si Madam at sinabihan siya na aalis daw sila. Siya ang isinasama. Hindi nya ina asahan yun! Putcha pag ako ang sumama paano ko maitatapon ang box sabi ng isip ni Fatima. Nag-dahilan daw ito na kesyo may gagawin pa at iba nalang daw ang isama. Naintindihan naman ni Madam okay na sana e.
Kaso ng palabas na sa pinto nun sina Madam at Lorna ng walang anu-ano'y may narinig silang uha ng baby. Malakas. Nasindak ang magandang mukha ni Madam. Nagka-tinginan ang mga kasama nyang maid naisip siguro baka may multo. Sabi ni Madam saan yun? Ano yun? (tagalugin na lang) Pinahalughog daw ni Madam ang buong bahay at pinahanap kung san nagmumula ang iyak. Dios ko po, si Lorna ang lakas ng kabog ng dibdib nya ng papalapit na sa store room kasi dun nagmumila ang iyak ng baby.
Dahan-dahan siyang lumapit sa bodega at sa bandang dulo sa sulok nakita nya ang isang kahon ng sapatos na nakatakip. Linapitan nya ito at inangat ang takip ng kahon. Ganon na lang ang kanyang pagkabigla, may baby nga na nasa loob ng kahon ng sapatos! Hubot-hubad na sanggol. Marahil ang baby ay gutom na kaya ito umiiyak, ang lakas ng kanyang iyak. Nangitim ito sa kakaiyak. Kinuha ni Lorna ang kahon at bumaba, ipinakita sa lahat ang laman ng box.
Siyempre nabigla ang lahat. Galit na galit si Madam sa nangyari. Si Fatima ay parang pinako sa kanyang kinatatayuan. Tinanong kung kanino ang batang nasa box. Walang gustong magsalita sa mga maid. Agad-agad na nagpatawag ng pulis si Madam parang gusto nyang maloka sa mga pqngyayari ng araw na yun. Nagkaroon ng imbestigayon at nalaman ng lahat kung ano ang totoo.
Si Fatima ay nakakulong ngayon sa Saudi kasama ang kanyang baby. Nabalita ito sa mga Pinay doon para huwag nilang pamarisan. Ang ibang Pinay ay nahihiya sa ginawa ni Fatima. End of Ate Len's story.
Nakakalungkot dahil sa ginawa nya pati baby ay nadamay.
P.S
Yung Part 2 ng Galit na galit ang langit di pa tapos.Faith
Pampanga📜Spookify
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.