Babae sa Panaginip

13 1 0
                                    

Hello, I just want to share this story that my sister and me have experienced.

Simula nung bumalik sister ko sa mnl ako na yung gumamit ng kwarto nya, every time na matutulog ako sa kwarto nya lagi akong na ssleep paralysis and before ako ma sleep paralysis may naririnig ako na tunog ng bell o kaya naman ay malamig na boses ng bata na naglalaro. Hindi ko pinapansin yung mga ganon at hindi rin naman ako nakakaramdam ng takot pero tuwing gabi nahihirapan ako makatulog kung makakatulog man ako lagi akong nagigising ng witching hour. One time na nagising ako ng ganong oras may naririnig ako na whisper na parang nag sasalita ng Latin sa bandang bookshelves ng kwarto.

Naikwento ko yun sa mama ko kaya pinalipat nya ako ng kwarto sa kabilang bahay at ako lang mag isa ang natutulog doon. Yung kwarto sa bahay malapit lang sa sala kaya rinig sa loob ng kwarto kapag may kumakatok. At ayun tuwing gabi may naririnig ako na kumakatok sa pintuan sa sala 2 knocks lang lagi tapos pag madaling araw may naririnig ako na nag lalakad sa labas pabalik balik. Noong may kumatok ulit ng gabi pinag buksan ko kasi akala ko si papa pero pag bukas ko ng pinto walang tao. Kinabukasan sinabi ko yun sa papa ko tapos ang sabi nya sakin wag daw ako mag bukas ng pinto hintayin ko muna na tawagin ako bago ako mag bukas.

Nagka chance ako na mag kwento sa research prof namin na madre nung college about sa mga nang yayari sakin sa bahay. Pinabili nya ako ng St. Benedict medallion after ko mag kwento then sabi nya before ako matulog every night mag dasal ako ng isang Our Father, tatlong Hail Mary at isang Glory be. Pagka uwi ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto na tinutulugan ko. Nilagyan ko ng ribbon na pula yung St. Benedict medallion na binili ko tapos dinikit ko sa mirror na nasa bandang paanan sa right side ng bed ko. Okay naman yung mga ilang gabi na tulog ko not until one night nanaginip ako ng isang babae na umiiyak then pag harap ko sa salamin nakita ko sya nandoon sya sa loob grabe yung iyak nya, punong puno ng dugo yung damit nya pati yung mukha nya humihingi sya ng tulog sakin habang inaabot nya ko. Pero hindi ako gumagalaw nakatingin lang ako sa kanya hindi ko maexplain yung nararamdaman ko that time kung totoo ba o panaginip lang talaga yung nang yayari na yon  tapos bigla syang sumigaw, nabasag yung salamin sa panaginip ko. Pag gising ko kinabukasan nakita ko yung salamin ko na basag talaga. Hindi ko na sinabi sa mama ko yung nangyari ang sabi ko nalang nasagi ko yung salamin kaya nabasag. Dinispose ko yung salamin kasama ng St. Benedict medallion.

Nung bumalik ako sa mnl nagka kwentuhan kami ng ate ko habang nag ddinner kami, nakwento ko sa kanya yung about sa panaginip ko na babaeng humihingi ng tulong. Bigla syang napatigil sa pag kain tapos yung tingin nya sakin shock na shock kasi yun din daw yung babae na humihingi sa kanya ng tulong noong sa bahay pa sya nag sstay. Binigay pa raw nung babae yung address ng pamilya nya kasi gusto nya iparating sa pamilya nya yung nangyari sa kanya. Pero hindi sya natulungan ng ate ko kasi natakot din daw sya noon na baka pag tinulungan nya yung babae mag sunod sunod yung iba pa na gusto rin humingi ng tulong.
6 years na lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan yung na experience namin pareho ng sister ko. At hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng awa sa babae na humihingi samin ng tulong hindi rin namin alam kung ano yung nangyari sa kanya kasi nabili lang ng parents namin yung lugar na tinutuluyan namin sa province ng papa ko and hindi namin alam yung history ng place.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon