GALIT NA GALIT ANG LANGIT PART 2.
I. https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1737866949714238/
*SUKOB SA BUWAN*
Hello guys, namiss ko kayo. Si FAith po from Pampanga. 2 days din
akong di nakapag-send ng story, busy kasi pag weekends. Eto na ang part 2 na pinangako ko sa inyo. BTW, hello kina Ms. Gemma Mc Eachren Aguirre, Ms. Midori Murasaki, Ms. Camille Joyce and Ms. Leila Ronquillo Santos. Kay Ms. Angie Apales Ramirez, hindi po si Fatima ang sender. Siya po ang nasa kuwento. Shout out kay Ms. Fatima Botin Velasquez na palaging nakasubaybay sa mga stories ko, pasensiya na girl kung kapangalan mo yung babae sa kwento kong Babaeng Pinaanak Ang Sarili. Hello rin kay Rona Alvarina na kapanngalan ng Bff ko. Lastly kay Gretch, na miss ko ang comments mo sa mga stories ko. Siyempre sa aking mga CABALEN, na walang sawang magbasa sa mga kwento ko, salamat kekayu neh.O eto na ang kuwento.
Tumuloy na kaming umuwi ni Sam, (ng baby ko) sa Angeles City ng makapagpalit kami ng damit, humiram na lang kami. Kasi pati damit sa loob ng bag namin nabasa ang laman. Palabas na kami ng pinto nun ng tinawag ako ni Ate Donna at niyakap ako, nagpasalamat siya sa akin. Ang sabi nya ay pasyalan ko daw siya minsan. Sabi ko naman oo.
Ng gabing yun ay malungkot ang lahat,(magkatext kami ni Sarah)yung iba kong mga kapatid at pamangkin dun na natulog, pati si Sarah. Ganun talaga sa isang pamilya, pag may nawala yung mga naiwan parang ayaw maghiwa-hiwalay. Para bang gusto nilang bigyan ng lakas at tapang ang isa't-isa.
Bigla nalang daw nangamoy ng kandila at ang mga bata ay natakot. Tapos nakasindi ang ilaw sa kwarto ni ate, nakahiga na siya nun at masakit ang ulo. Nainis siya ang akala nya may naglalaro sa switch ng ilaw, pinapatay sindi. Nairita na daw siya nun pero sabi ng mga kasama nya walang gumagalaw sa switch. Walang anu-ano ay bigla na lang umihip ang hangin sa kuwarto nya at pumasok sa kaibuturan ng kanyang laman. Bigla siyang nanginginig na parang giniginaw (gagalunggong sa kapampangan), hindi naman siya nilalagnat at wala namang bukas na bentilador. Napaiyak ang ate ko at nagsalita siya, sabi nya,
Papa alam mo naman na duwag ako noon pa man, huwag mo sana akong tinatakot na ganito kung ikaw man yan 😢. Iniwan mo ako ng biglaan at hindi pa ako handa sa lahat ng ito. Kung may mangyayari sa akin at mawawala ako paano na ang mga anak natin? Ang bata pa ni Brent" Bigla daw nawala yung lamig hanggang sa nakatulog si ate.
Kinabukasan madilim pa ay naalimpungatan si ate at may naririnig na kalansing ng sandok na parang nagluluto. Tapos may naghuhugas sa lababo. Pinakinggan nya ito ng husto may nagpatay ng stove. Panaginip ba ito sabi nya, naalala nya 4am yun usually gising ng kuya Jester dahil nagluluto ng almusal at ihahatid si Brent sa school nya sa Basa Air Base. Sabi ng ate ko imahinasyon lang to, ayaw nyang matakot kasi nerbyosa talaga siya. Kaya palagi siyang nagpe-pray. Ng mag-umaga tinanong nya ang mga kasama kung may nagutom ba at nagluto ng maaga, wala daw.
Lumipas ang mga araw malungkot pa rin sila but life must go on. Si Ate palagi pa rin nyang nararamdaman ang mga gesture ni kuya. Minsan nanonood ng tv si ate at nakatulog sa sofa, naramdaman nyang may humahaplos sa kanyang buhok at may humalik daw sa kanyang pisngi. At minsan naliligo siya sa banyo, magbubuhos nalang siya ng may kumalabit sa kanyang pigi. Kwento ni ate madalas daw kasi sabay sila maligo dati, baka daw biniro siya.
Sa bahay naman ng parents namin, kwento ni Kuya Norbert (si kuya Norbert at Kuya Jester ay sobrang close) gabi daw nagsha-shot sila sa gilid ng bahay. Apat sila. Gusto daw nyang jumingle nun at dahil una madatnan ang puno ng saging kaysa sa cr, tapos may tao din nun sa cr, dun siya pumwesto. May tumabi daw sa kanya, na iihi din katabi nya. Tapos sabi ni Kuya Norbert una na ako nyan baka magalit si lalabz ko pag umuwi ako ng lasing. masasabon na naman ako. Tiyak outside de kulambo ako pag nagkataon Pakisabi nalang sa kanila ah dito nako sa likod dadaan(may gate sa likod). Sabay tapik sa balikat. Ngeng ng isasara na daw ni Kuya ang zipper, dun nya naisip kung sino ang kausap nya. Nakaramdam siya ng kakaiba.Kinilabutan siya mula ulo hanggang paa kasi ng paglingon ay wala na ang tinapik. Muntik pa daw naipit sa zipper 😂. Kilalang-kilala nya ang aurang yun. Lalaking matangkad, maskulado at long hair... Kinabukasan kinwento nya yun sa mga kasama nya at sabi, ng mga kainuman nya, yan kasi iniwan mo kami hahaha.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.