Dream about YOU II

23 0 0
                                    

Dream about YOU II

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=519976255410649&id=218238752251069

HI mga kaSIGAW,  in my previous story na dream about you  sa mga nakabasa po non alam nyo po ung about sa co-worker ko na sinabi nya na nagdream sya about sa akin way back 2013 pa kahit di ko pa siya kilala.

So here is the second part.  Unang mga buwan na pag stay ko sa work ok naman kahit medyo awkward na dahil sakanya.  Lalo na sa mga titig nya at creepy na ngiti sa akin everytime na nasa work ako. Akala ko sa work place lang mangyayari yon but I am wrong.  Kasi noong mga sumunod na weeks na nakikita ko sya malapit sa bukana ng subdivision namin.  Akala ko taga doon sya malapit kaya hinayaan ko lang kasi di nya naman ako tinitignan.  Pero mali pala ako kasi nagprepretend lang sya na di ako na kikita.  Hanggang umabot sa punto na nakikita ko na sya sa tapat namin nakatambay sa tindahan.  Nag freak out ako kasi pakiramdam ko stalker na sya,  at ang weird weird na so nag decide ako na magresign na sa work. Immediate resignation ang ginawa ko kasi kinabukasan di na ako pumasok at tanging boss ko lang nakaka alam na nagresign na ako. Sinabi ko din sa mommy ko na sa kuya ko muna ako uuwi. 
Ok naman ang ilang linggo kong pag stay sa kuya ko.  Wala pa syang asawa so kapag Napasok sya sa work naiiwan ako sa bahay kasama maid nya.  Around 4pm may nagdoorbell,  tinignan ni yaya may babae daw sa labas hinahanap ako. So ako kinabahan,  at pag silip ko sya nga.  Di ko alam ka sigaw paano nya ako nasundan eh malayo ang bahay ng kuya ko.  Nakaramdam ako ng awa sakanya kasi bumagsak ang pangangatawan nya.  May eyebags nadin sya,  she look miserable.  Di ko alam gagawin ko that time kasi natatakot ako.  Kaya kinausap ko lang sya sa gate,  di ko sya pinapasok.  She cried, bakit daw ako umalis bakit ko daw sya iniwan bakit ko daw sya nilayuan.  Sa dami ng bakit nya wala akong nasagot.  Sabi ko lang umuwi na sya at magpahinga,  she just smiled at me at sabi nya "masaya ko kapag nakikita kita". Kinilabutan ako sa sinabi nya,  akmang ilulusot nya kamay nya sa gate para mahawakan ako lumayo ako. Tapos non medyo nawala ngiti nya at umalis na sya. 
Ilang linggo din natahimik ang buhay ko kala ko nga back to normal na kaso mali ako.  Kasi sumunod na araw may nagpadala ng rosas sa bahay,  akala ni kuya may nanliligaw sakin. Ako una palang di ako kampante,  tinatapon ko un lahat.  Till isang araw may bulaklak nanaman pero mga tuyo at patay na flowers. Kinabahan na ako , lalo na nung may nagpadala ng bulaklak ng patay.  My brother freaked out kasi bakit ganon. Ikinuwento ko sakanya lahat kaya napag desisyunan na umuwi ako sa main house namin.
Akala ko secured na ako kasi hindi pede ang stranger sa lugar namin.  At may alarm kame sa bahay.  But everything went wrong, hindi nya ako tinigilan even sa work place ko. 
Halos di ako makakain,  i got an anxiety worst pa napaparanoid ako even sa small movements. 
Lahat ng lumalapit sakin na papahamak.  One of my friend,  ka squad ko she got a car accident due to break failure.  Ramdam ko intentional un. Ung kuya ko,  na food poison sya. 5silang bumili ng food pero sya lang ang na dali take note iisang food un.  Tinapay un g binili nila. Then all my 3 dogs died at same time due to poisoning.  Ung cctv namin wala naman nakita sa malapit samin. 
Till one day,  nasa parking lot ako ng isang mall malapit samin ng may mag back hug sakin.  Sagulat ko nasiko ko sya sa mukha, and to my surprise si camille. I apologize even i know hindi dapat.  She cried again,  this time she keep on begging me to help her.  Pakiramdam nya daw may nacontrol skanya,  ung na control sakanya is gustong gusto kong lapitan. Gustong gusto daw ako.  Nakikinig lang ako sakanya,  till nanahimik sya.  Sbi nya sakin pumasok na ako sa kotse at umalis hanggat matino pa sya. Sa takot ko as in ipaharurot ko sa bilis ang kotse. 
Minsan nakikita ko sya sa labas ng work place ko,  minsan naman sa park,  minsan sa mall at minsan sa cafe na hilig ko puntahan. 
Now,  nagdecide ang abuela ko na sumama ko sakanya mag out of the country.  Para nadin makalayo at magpagaling.  Those times kasi natriggered yung sakit ko sa puso at asthma.  At sana lubayan nya na ako once na umalis na ako ng pinas. 

Di ko alam kasigaw,  pero parang may mental disorder siya.  Di ko lang ma point out kung ano.  Feel free to comment down kung ano sa tingin nyo ang nangyayari sakanya..  Gracias!

-LUNA



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon