Sasama ka ba?

4 1 0
                                    

Sasama ka ba?

Kung sakaling magkasalubong
At gaya sa mga kuwento ay mahulog ang mga hawak kong libro
Yuyuko ka ba at pupulutin ang mga ito upang tulungan ako?
Magiging kuryuso ka ba kung saan ako pupunta?
Kung sakaling matagpuan akong tinatahak ang daan patungo sa kabilang mundo ay sasama ka ba?

Sasama ka ba?

Paano kung matagpuan mo akong kausap ang sarili sa isang madilim na pasilyo?
O sa paglalakad sa eskinitang patay sindi ang mga ilaw
Lalapitan mo ba ako?
Sasabay ka ba?
Sasama ba sa akin?

Sapagkat kung ako ang tatanungin ay aayain kita
Kung hindi nais sumama ay pipilitin pa
Sapagkat tulad ko ay nais kong sa 'yo mismo ipakita
Kung gaano ka ganda ang mundong binuo ko nang ikaw ang kasama

—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon