Wala nang mas nakakatakot pa,
Kaysa sa dahan-dahang pagkawala ng kislap sa iyong mga mata,
Paano nangyaring ang dating masigla,
Ay mas matamlay pa sa natuyong dahon sa basang kalsada?Natatakot ka ba?
Bakit mangyayari iyon?
Kung gayung ikaw ang naunang nagpaliyab at tumupok sa pag-asang pinanghahawakan ko noon?Natatakot ka ba?
O 'di kaya'y napapagod?
Kung tatakas ka'y huwag mong kakalimutan kung paano mo ako nilunod—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...