Nais ko nang makalimot ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro
Habang inaalis ang iyong maamong mukha sa isip
Ay dumalaw ka nang bigla sa aking panaginip at nakangiting naglalaroPanaginip
Animo'y isang bitag
Kung kailan nais nang tumahan
Ay saka pa sa problema'y daragdagIkaw na yata ang pinakamagandang problema na aking natanggap sa pagsisimula ng bagong taon
Ang inaka ko'y mauuwi sa paglimot ay hindi nagawa nang lumaonMadaya
Nais ko'y makalimot na
Sapagkat ang pinakainiingat-ingatang pag-asa'y naglaho naPanaginip
Dalawang magkasunod na gabi'y ikaw ay naroon
Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ka magagawang limutin gayong
Paborito akong paglaruan ng panahon?—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...