MGA KARAKTER...
Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi?
_______
ANG NILALAMAN...
Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
Viewer discretion is advised: Dugyot moments. Note: Profile pictures are taken from Pinterest. This chapter is split into two parts since I've reached my picture limit. 🥹 Let me know if there are any missing convo/pics 🥰
_______
Nakadapa si Tala sa kaniyang higaan at nakasalo ang unan sa kaniyang baba. Nakasiksik naman si Hxllo kitty sa kaniyang tabi na parang isang testigo sa itinitipa niyang mensahe.
Nakabukas ang kanilang GC na magkakapatid. Ang huling mensahe ay galing pa noong Undas.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
'Masiyado namang tipid at negative pakinggan. Baka mataranta sila.
Ano ba magandang sabihin?
Gusto kong sabihin 'yung tungkol sa'min ni Mayumi, pero... pa'no?'
Namawis ang kaniyang mga palad na kaagad niyang kinuskos sa kobrekama.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sabado ngayon, ngunit tanda niya abala naman ang kaniyang mga kapatid sa kani-kanilang gagawin.
Sinandal ni Tala ang kaniyang ulo sa unan at humugot ng hininga.
Hinayaan niya ang mensahe.
Haharapin ang sagot nila mamaya.
Basta ngayon, pokus siya sa practice.
_______
Kasabay nila ang cheerleading squad. At sa swerteng pagkakataon, nagkasabay sila ng lunch break.
Malayo ang mga kainan sa lugar na pinagpa-practicean nila. Looban pa kasi ito, kaya mahaba pa ang lakarin nila para lamang makapunta sa kahit na anong fast food chain restaurant o convenience store.
Kani-kanila tuloy sila ng baon na ulam at kanin. Ang iba naman, nagpapa-order ng pagkain online.
"Sinabi ko na sa mga kapatid ko," bahagi ni Tala.
Magkaharap silang dalawa ni Mayumi habang kumakain. Nakaupo sila sa bleachers at nakapatong ang kanilang baunan sa kanilang kandungan.
"'Di pa eksaktong tungkol sa'tin. Pero nasabi ko na sasabihin ako sa kanila bukas." wika ni Tala. "Pero si lola, ayun. Alam niya na nakikipagkita ako sa isang tao. 'Di nga lang niya alam na ikaw 'yun."