Chapter 60. Santiago

23 3 2
                                        

Tiningnan ni Ryan ang maps sa kaniyang selpon tapos ang lugar.

'Tama naman. Ito nga 'yung binigay ni Mayumi sa GC...'

Ngunit paglapit nila sa guwardiya, nakakatakot ang kaniyang tingin.

"Good afternoon po, sino ang bibisitahin nila?" wika niya.

"Kaklase po namin, Seerr. Si Mayumi Santos po."

Napatingin tuoy sila kay Julian. Ang bilis niya nagsalita, walang hesitasyon. Nag-iisip pa lamang si Ryan ng sasabihin, nagsasalita na sya.

"Ay, gano'n po ba? Hingi po muna kayo ng request bago namin kayo papasukin."

'Ngih, may pa-gano'n?

Kaya pala sabi ni Mayumi sabihin sa kaniya 'pag nandito na kami.'

Binuksan ni Ryan ang kaniyang selpon at nagtipa sa GC nila.

Ngunit habang nagtitipa siya, napatunghay ang kaniyang mga kasama noong mayroong bisikleta na palapit. Rumorolyo at kumakaskas ang mga maliit na bato sa kaniyang gulong.

"Huy! Bossing!!" ngiti ni Julian.

Napa-angat tuloy ng tingin si Ryan mula sa kaniyang selpon kung saan niya hinihintay si Mayumi magseen.

Nandito si Tala. Nakabisekleta at kumakaway kay Julian.

Tapos noong tumingin sa kaniya....

Bumelat siya.

Halos mahulog ang panga ni Ryan noong dumiretso siya patungo sa guwardiya at hindi man lamang siya kinuwestiyon. Pinagbuksan siya kaagad ng harang.

Napatitig na lamang silang lahat sa kaniya. Nakaupo sa sidewalk habang hinihintay si Mayumi.

'Ba't siya pwede??!!'

_______

"Mayumi!"

Napalingon si Mayumi mula sa lamesa na kaniyang inaayos. Naroon si Tala sa labas ng greenhouse at kumakaway nang malaki ang ngiti.

"Hinihintay ka nila!"

"Oh, shoot!"

Hindi malaman ni Mayumi kung tatapusin niya ang kaniyang inaayos na mga platito o tatakbo papunta kay Tala. Mabuti na lamang kinuha ito ng kaniyang Papa at tumango sa kaniya.

Binigyan siya ng mabilis na ngiti ni Mayumi bago tumakbo.

Umangkas siya sa bisekleta ni Tala at kumapit sa kaniya. Noong una kumapit siya sa kaniyang damit. Tapos sa upuan. Nalilito at nahihiya kung saan siya kakapit. Kaya't tumawa si Tala at pinalupot ang braso ni Mayumi sa kaniyang baywang.

_______

Wala pang sampung minuto, napa-angat muli ng tingin mga dalaga at binata noong mayroon na namang bisekleta na palapit.

Nagsulyapan sina Chelsea at Franchesca pagkatapos makita ang braso ni Mayumi na nakayakap sa baywang ni Tala. Hindi ito nagtagal sapagkat kaagad siyang bumaba ng bisekleta upang dumiretso sa guwardiya.

Kaagad naman silang pinapasok ng guwardiya pagkatapos makita ang letter.

Naglakad silang lahat papunta sa bahay ni Mayumi. Malawak ang sidewalk at puro sasakyan at e-bike ang mga lumalagpas sa kanila.

Hatak-hatak naman ni Tala ang kaniyang bisekleta sa tabi. Nakasunod sa kaniya sina Ryan at ang iba. Habang si Mayumi naman ang nangunguna na mayroong malayong distansya sa kanila sa bilis niya na maglakad.

Kaya't binilisan din nina Chelsea at Franchesca ang kanilang lakad. Kaagad na lumingkis si Chelsea sa braso ni Mayumi nang malaki ang ngiti. Mahina at matinis ang kaniyang boses.

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now