Chapter 68. Sacred Angels

27 3 2
                                        

Note: I recommend listening to Lizzy McAlpine's music, "Ceilings", while reading this chapter. Its meaning isn't connected to this chapter, but how the emotion shifts in the song does.

Viewer discretion is advised: verbal harassment

_______

Hinimay ni Mayumi ang kaldereta gamit ang kaniyang kutsara at tinidor, kahit na ang kaniyang buong atensyon ay nakatuon sa kabilang dako ng canteen. Kay Tala, na kasama sina Ryan at Hana, at abala pa rin sa paggawa ng Chapter I.

Yayain niya sana siya, ngunit busy sila sa Practical Research.

Binalik ni Mayumi ang kaniyang tingin sa kaniyang lilang baunan at tinusok ng tinidor ang hugas bulaklak na karot. Sinama niya ito sa kanin at karne bago isubo.

Lahat sila, hindi pa tapos sa Chapter I.

Kaniya-kaniya naman sila ng diskarte kung paano ito tatapusin. Basta sabi ni Sir. Marcelino, deadline na nito sa Diseymbre 18-- pagkatapos na ng kanilang third preliminary examination.

...Kaso nga lamang, kasabay din nito ang project nila sa Filipino, Mathematics, ESP, TLE, at AP.

'Activities first, then vacation later... December 20... December 20... No more school on December 20. I can sleep all day.' pumikit nang marahan si Mayumi. Naiiyak na sa loob-loob niya. 'Oh god, if English, Computer, and Science weren't merged... We'd have a lot more than this pala.'

Napagdesisyonan nila nina Chelsea at Franchesca na paghati-hatian ang parte ng Chapter I at ituloy na lamang ito bukas o mamayang gabi. Basta may free time.

Marami man ang kanilang mga responsibilidad, ngunit hindi nila gustong i-pressure at pahirapan ang isa't isa.

Tiningnan ni Mayumi sina Tala na nagkukumpulan sa lamesa. Salita nang salita si Ryan na nagtuturo sa kanila.

'Tala, Ryan, and Hana are working really hard. They probably want to finish theirs already... Ang sipag naman.' isip ni Mayumi nang mayroong sumisilay na maliit na ngiti.

Uwian na noong nakausap niya si Tala.

Sapagkat kung hindi siya hatak-hatak nila Ryan at Hana para sa Practical Research, kasama naman niya sng mga teammates niya sa varsity team. Hindi tuloy malaman ni Mayumi kung paano siya sisingit sa usapan o hahatakin si Tala.

Ayaw naman niyang maki-excuse sa kanila. Baka ma-awkwardan siya at titigan na lamang niya sila!

Noong pagbaba nila ng dyip at nakahanap si Mayumi ng tiyempo habang naglalakad papunta sa public sports complex, binilisan niya ang kaniyang paglalakad. At mabilis na tumabi kay Tala na nasa likod ng kaniyang mga teammates.

Hawak-hawak ni Tala ang kaniyang duffel bag na nakasukbit sa kaniyang balikat at mukhang tulala sa kawalan. Ngunit napalingon siya sa presensya ni Mayumi at kaagad na umaliwalas ang mukha.

"Mayumi," bungad ni Tala.

Habang kanina pa nakatingin si Mayumi sa kaniya at minamata naman ang kaniyang ekspresyon.

"Why are you frowning?"

Medyo kumunot nang ang noo ni Tala roon at kumiling patagilid ang ulo.

"I mean, bakit..." turo ni Mayumi sa mukha niya. "Parang malungkot ka?"

"Ahh, wala. Si Ryan kasi. Ang gulo." tugon ni Tala at napakamot sa kaniyang ulo. Sumasama pa ang mukha na parang nakanguya ng luya. "Gets ko naman ba't madaling madali siya gumawa ng research, pero gusto niya tig-dalawa kaming lahat ng paragraph sa Introduction, gano'n. Ako daw sa dalawang huling paragraph, tapos deadline bukas daw. Okay lang naman, eh kaso pa'no ko isususlat 'yon kung 'di pa sila tapos, 'di ba? Ayun, tatanungin ko pa siya mamaya."

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now