Chapter 66. Cheerdance

39 3 5
                                        

MEANWHILE...

"-twenty seven, twenty eight, twenty nine," wika ni Chelsea habang iniiss-isa ang mga nakataas ang kamay. "Aaaaand kapos ng isa. Mayro'n pa ba na gusto?" taas niya pa ng kamay. Ineengganyo sila. "Wala..?

Marahan na nagtaas ng kamay si Mayumi. Kaagad naman na napukaw ang atensyon ni Chelsea.

"Thirty!! Yey!! Kasali ka sa'min!"

"Magtatanong lang ako."

Napakurap si Chelsea.

"Weh ba?"

"Just kidding." ngiti naman ni Mayumi bago mapakamot ng leeg. "But I did want to ask if the dance steps will be... difficult..?" nag-aalinlangan niyang sabi.

"'Di naman! Don't cha worry. Mag-eenjoy kayo du'n! We'll make sure." Kindat pa ni Chelsea. "Since seryoso ka naman, then that makes us thirty dancers! Final na! Theeeen the rest, propsmen."

Tumango si Franchesca at isinulat ito sa kaniyang notebook.

Naglakad si Chelsea sa harapan upang kumuha ng chalk at nagliya ng isang column na mayroong anim na rows.

Sa taas nito, nilagyan niya ng pangalan na;

THEME.

"Since blue 'yung kulay ng school natin, kailangan natin ng theme na blue din." paliwanag niya at nagsulat. "Last year, "Royalty" ang theme. Tapos, 'yung "water" naman... Syempre gasgas na 'yun. Ilang taon nang nirerecycle 'yung theme na 'yun kaya pagpahingahin na."

Sinulat niya ang mga salitang "royals", "ocean", at "surfing" nang magkakasunod sa rows. Tapos inekisan.

"Kaya ang poblema natin ngayon ano 'yung pwede pang theme? Mermaids? Mag-Jesebel tayo, mga sis?" komento niya sabay giling ng baywang na parang sirenang lumalangoy.

Natawa tuloy ang mga hayskuler.

"Maliban sa mga nabanggit ko, baka may naiisip pa kayo?"

Nagtinginan ang mga hayskuler. Kumukunot nang bahagya ang noo. Nag-uusap. Hanggang sa humarap muli sa kaniya nang biguan sabay iling.

"Hirap, noh?" ngiti ni Chelsea sabay hawi sa ere. "Ganiyan din kami nu'ng mga nakaraang linggo, eh. 'Buti nalang talaga! 'Buti na lang talga," palakpak pa ni Chelsea sabay turo sa kaniyang utak. "Advanced kami mag isip, kaya maaga pa lang pinasakit na namin ulo namin kakaisip diyan."

Nagsulat siya sa pisara.

"First na naisip namin, electronic. Kasi 'di ba, blue 'yung electronic?" wika niya at humarap na sa kaniya. "Kaya kung may steps man 'to parang robot. Enggg, enggg, enggg," sambit niya sabay apak at galaw nang braso nang mabagal at paputol-putol. Imbes na mukhang robot, para siyang si Annxbelle na sinasaniban. "Tapos damit natin may parang metal. Pero foil lang talaga kasi wala naman tayong million-million dollar-dollar peso-peso. 'Di ba, gaiz?"

Kaagad na tumango ang lahat. Nakaipit pa ang labi ng iba. Nagpipigil ng tawa. Habang napatakip naman si Franchesca ng bibig sa gilid.

"That's the spirit! Sunod naman, syempre: Ice. Kasi ice ice baby, hoooyeahhh..." kanta niya pa habang nagsusulat. "'Eto naman, naiisip namin mas palaban sa isa. Malamig kasi." humarap siya sa kanila sabay taas ng hintuturo. "Pero! Palaban-- ay nasabi ko na pala. Basta, sa sobrang lamig niya nanununtok. Nakakakilabot! Daig pa putok, pero walang amoy. Tapos dito 'yung steps natin maangas, tapos may beads at sequins damit natin para makinang at mukhang ice---- hoy ba't kayo tumatawa? 'Lam ko nakakatawa 'ko pero pay attention to what I'm saying ha," malumanay niyang pangaral. "But if you're a rich kid, pay me in cash."

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now