Chapter 65. Bulalakaw

41 3 1
                                        

2020

4:30 ang simula ng volleyball tryouts. 30 minutes pagkatapos ng klase ng mga hayskuler.

Inaasahan na ni Coach Silvano na makakapag-warm up na sila, sapagkat sapat nang oras ito para makapag-ayos sila. Makapagpalit ng damit. Maging ready. Physically at mentally.

Kaya't noong pagpunta niya sa court. Napakurap siya noong makita ang mga estudyante na nakaupo sa benches. Walang bahid ng pawis sa noo. Bagong dating base sa nakasukbit pa na bag at hawak-hawak na tubigan.

Tumingin sila sa kaniya at nagtanong.

"Mag-wawarm up na po?"

Habang ang mga kilala niyang atleta na matagal na niyang kinukuha, nasa court. Pinagpapawisan at nakayuko nang hawak-hawak ang kanilang mga tuhod. Nagpapahinga nang nakatayo upang hindi pulikatin.

Baguhan pa lamang ang mga atleta na nasa bangko, kaya't naiintidihan niya na hindi pa nila alam ang routine ng mga volleyball players. Wala namang pa-orientation bago mag-try outs.

Expected lamang ni Coach Silvano na common knowledge na ito.

Kaya't tumango siya at sinenyasan ang nagtanong sa kaniya,

"15 minutes. Dapat bago magcall time ready na kayong lahat."

"Yes coach, sorry coach!" Tugon nila at kani-kanila nang pwesto sa may gilid ng court.

Hinayaan sila ni Coach Silvano na gawin ang warm-up na alam nila. Hindi pa simula ng totoong tryouts ngunit kahit dito, inoobserbahan na niya sila. Ang kilos nila. Body language. Pag-aayos ng gear.

Tama ba ang warm-up exercise na ginagawa nila? Alam ba nila ang epekto at benepisyo ng exercise nila sa katawan nila? Nakakatulong ba ito upang maging ready sila? O may ma-warm-up lang ba ito?

Lahat ng iyon importante para sa isang atleta.

Lahat sila bago. Bagong mga mukha. Bagong mga paraan ng paglalaro na aaralin niya pa.

Matangkad sila. Kaya't halos hindi na niya mapansin ang tao sa may dulo nila. Nasa gilid din siya ng court, ngunit malapit sa may poste.

Hindi siya sumama sa mga nagwawarm-up, sapagkat kumikinang na ang kaniyang noo at mga braso sa pawis. Makintab ang buhok na nakapusod nang maayos.

Maliit siya. Kung tatansyahin niya ay nasa five flat.

Hindi naman nagbabase sa height si Coach Silvano sa pagkuha ng manlalaro. Oo, mahalaga ito, lalo na sa volleyball. Ngunit mayroon namang mga role na ayos lamang para sa maliit na height katulad ng libero. Nakakatulong pa nga ang maiksi nilang binti at braso upang makakilos nang mas mabilis sa mga matangkad.

Pinapatama ng maliit na atleta ang bola sa poste at nire-receive ito.

'Okay. Good.'

Maayos ang pagreceive niya. Hindi ito iyong kadalasang ginagawa ng mga baguhan kung saan ginagalaw lamang nila ang braso nila.

Sa pagbaba ng bola ay sumasama siya sa pagbaba, at hindi rin niya ito biglang hinahampas pataas gamit ang pulsuhan. Bagkus inaangat niya ito kasama ang kaniyang katawan at iginigiya ang bola upang maging kontrolado ang pagtaas.

Kaya't tumama muli ang bola sa manipis na poste.

Tumunog na ang watch ni Coach Silvano, kaya't kaagad siyang pumito.

Napatingin ang mga baguhan sa kaniya nang mayroong pagkabigla, kaya't sinenyasan sila ni Coach Silvano na lumapit sa kaniya. Agap naman silang sumunod.

"Let's begin with the evaluation. So, we have four drills. Serving drills, receiving drills, passing drills, and scrimmages." paliwanag niya. "Since we only have ten players, the scrimmage will be five-on-five."

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now