Chapter 57: Naroon Ang Mga Pader at Multo (Part 2)

65 4 4
                                        

Viewer discretion is advised: Verbal abuse, physical violence, emotional neglect, child abuse, bullying, harassment, and self-destruction.

I hope you're doing well mentally and physically before reading. This chapter is emotionally draining, triggering, and disturbing.

Read with care. 🧸❤️‍🩹

_______

'Umuwi na si Papa nu'ng magstart ulit ako magschool. Sayang! Papakita ko sana siya sa mga kaklase ko. Astiiiiig talaga ni Papa!'

Nakapangalumbaba si Tala habang tinitingnan ang lumalago niyang tanim. Marami nang mga dilaw na bulaklak ang sumulpot sa likod ng makapal nitong dahon.

'Dilaw na gumamela pala sila! Ilang beses na nga sila naalay sa santo, eh. 'Di mo rin pala sila nakita, Papa.'

Hindi naman siya galit... medyo malungkot lang. Sapagkat kulang pa rin ang halos dalawang buwan na magkasama silang lahat.

Noong umalis ang kanilang Papa, naging abala na ang kanilang Mama. Gabi na siya madalas umuwi, kaya't mga kapatid na ni Tala ang nag-aasikaso sa kaniya.

Kahit sa karenderya may ginagawa rin siya! Magkatabi nga silang gumagawa ng homework, ngunit higit na mas marami ang papel ng kaniyang Mama.

Dumalas na rin ang pagtawag ng kanilang Papa, at masaya naman siyang dinadaldal ni Tala hanggang magpaalam siya.

Lumago ang dilaw na gumamela sa hardin. Tumataas ang tangkay nito at tumitibay. Katulad din niya.

Tiningnan ni Tala ang kaniyang sarili sa salamin.

Maliit pa rin siya, ngunit sakto na ang dating maluluwag niya na t-shirt.

"Aw... gusto ko maluwag." bulong niya at binutones ang kaniyang uniporme. Inayos niya ang kwelyo nito at tinanggal ang pagkabuhol ng bowtie upang hayaan na nakalaylay ito sa magkabilang gilid ng kaniyang kwelyo.

Ngumiti siya salamin.

'Nakauniform na rin ako!'

Hindi nagtagal, nakita na rin niya ang kaniyang Mama na nag-eempake ng malaking bag na mayroong mga gulong.

Muli na namang nakita ni Tala ang kaniyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse at tinatanaw ang mga mataas na building sa bintana.

Alam na niya ang kahulugan nito.

Pupunta na naman sila sa lugar na mayroong maraming eroplano. Iyong lugar na malaki ang bintana at mataas ang kisame.

Aalis na rin siya, katulad ng Papa niya.

Tumingala si Tala sa kaniyang Mama nang nakakapit sa kaniyang iilan na daliri na kaya niyang hawakan. Binabagtas nila ang pamilyar na daan na taliwas sa dinaraanan ng mga abalang tao sa paligid nila.

Hindi na tumutunog at umiilaw ang mga sapatos ni Tala.

Pinaintindi naman ng kaniyang Mama sa kaniya na aalis siya. Na hindi niya siya makikita at sa simpleng tawag na lamang sila magkakausap.

Oo lamang siya nang oo. Masaya pa nga para sa kaniya.

Ngunit iba na pala sa pakiramdam kapag nandito na siya sa pagkakataon na iyon. Magpapaalam, kakaway, at panonoorin siyang umalis.

Doon tuluyan niyang napagtanto na hindi niya alam kung kailan niya siya ulit makikita. O kung makikita niya pa ba siya. Lahat... hindi sigurado.

Unti-unti, naramdaman niya ang pagbitaw ng kaniyang Mama sa kaniyang kamay. Pinanood niya siya na umupo sa kaniyang harapan upang pagtagpuin ang kanilang tangkad at ngumiti nang maliit.

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now