Marahan na iginiya ni Mayumi ang piping bag na tila ba nagpipinta ng cake gamit ang frosting. Sunod naman niyang nilagyan ng hiniwang peach at mangga ang taas, bago tuluyang lumayo upang tingnan ang kabuuang hitsura nito.
Tumabi siya sa kaniyang Papa, na kanina pa siya pinapanood sa gilid ng kusina. Nag-oobserba sa likha niya.
Alam ni Mayumi na hindi niya hilig manghusga, ngunit pakiramdam niya hinuhusgahan niya ang gawa niya! Lalo na ang paglagay niya ng icing!
Nagiging paling tuloy sa paningin niya ang icing habang tinitingnan niya ito nang matagal...
"Does it look okay?"
"Oo naman," tugon ng Papa niya. "Medyo plain lang sa baba ng cake. Tingin ko maganda kung i-try mo 'yung lace nozzle doon."
"That's kinda tricky po..." pag-aalala ni Mayumi.
"Gabayan kita." ngiti naman ng Papa niya.
Kumuha siya ng panibagong piping bag at isinilid ang lace nozzle. Nilagyan niya ito ng laman, bago maingat na ilagay sa kamay ni Mayumi at ituro sa kaniya ang babang gilid ng cake.
"Start ka muna dito."
Nilapit dito ni Mayumi ang nozzle. Nanginginig ang mga kamay, kaya't natawa ang kaniyang Papa at marahan na hinawakan ang mga kamay ni Mayumi upang i-steady ito.
"Huwag mong isipin na papaling. Isipin mo... para ka lamang nagdo-drawing. Kagaya ng ginagawa mo sa mga damit mo." paalala niya.
Tumango si Mayumi at huminga nang malalim bago maglagay ng icing. Iginigiya niya ang nozzle na parang pinsel, habang ang puting cake ang kaniyang kanbas.
Kanina pa siya kinakabahan sa araw na ito. Kaya rin kanina pa siya gising at kung ano-ano ang ginagawa para lamang mapatahimik at maibsan ang bilis ng pagtibok ng puso niya.
Naghahalo ang galak at pangamba na bagyo sa kaniyang isipan.
"Maayroon bang okasyon sa kanila?" kuryosong mungkahi ng kaniyang Papa.
Umiling si Mayumi at ngumiti nang bahagya. Naka-pokus siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sumusulyap pa rin siya sa kaniyang Papa nang mayroong galak.
"Papakilala niya po ako sa mga kapatid niya," simula niya. "Na... Kami na po."
"Kayo na? Girlfriend and girlfriend?" K
kurap naman ng Papa niya.
"Yeah."
Napapikit naman si Mayumi noong pisilin ng kaniyang Papa ang kaniyang pisngi. Pinanggigilan siya.
"Hindi mo muna kami sinabihan!" tawa ng kaniyang Papa. "Akala namin nagliligawan pa lang kayo."
"I thought alam niyo na! I'm sorry!" tawa ni Mayumi at napakunot ang ilong. "Owww!! Papa!"
Binitawan naman siya ng Papa niya at niyakap nang mahigpit.
"Masaya ako para sa inyo," ngiti naman ng Papa niya. "Sa susunod, dito naman kayo pumunta. Hm?"
Ngumiti nang malaki si Mayumi at niyakap siya pabalik.
_______
Naglakad si Mayumi nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang higaan.
Nakapatong dito ang kaniyang mga damit na nakahanger pa. Napahawak siya saglit sa kaniyang ulo bago kuhanin ang isa at humarap sa salamin.
Paiba-iba ang itinatapat na blusa ni Mayumi sa kaniyang sarili sa harap ng salamin.
"Is this one better..? Or this? Or this??" Hinablot niya ang panibagong hanger at tinaas ito. "Wait how about this?"
Para namang hostage ang kaniyang Dad na nakatayo sa may pintuan.
YOU ARE READING
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
