Maingat na iginiya ni Kayla ang brush ng mascara sa kaniyang pilikmata at banayad na inilapat ang itim rito, habang nakatayo naman ang kaniyang mga kaibigan malapit sa kaniya.
Nilingon ni Sophie ang labas ng pinto bago it maingat na isara at i-lock. Lumapit siya sa kanila nang umuukit ang inis.
"'Di naman talaga dapat malalaman ng lahat kung 'di dahil sa kaniya!" asik ni Sophie at itinulak pa ang nakaharang na bukas na pinto ng stall. "Pakielamera!"
Kumalabog ang pinto sa lakas ng pwersa, ngunit patuloy lamang si Kayla sa pagpantay ng kaniyang mascara.
"Alam na nila..." Hinga ni Cierra. Nakayuko, nangangatog ang mga kamay. Malikot ang mga mata. "Malalaman na rin ng parents ko..."
"Subukan lang nila." singhal ni Raymond. Palaban. "Kailangan may gawin tayo, getchie? Kahit ano-- uh..-- 'yung-- 'yung alam natin sa kanila. Leak natin. Para matakot sila sa'tin."
Tumingin si Raymond kay Kayla. At ganoon na rin si Sophie at Cierra. Iba't iba ang emosyon na nangunguna sa kanila, ngunit pare-parehas na naka-abang at hinihintay ang opinyon niya.
Ngunit mas abala lamang si Kayla sa pagtingin sa kaniyang repleksyon. Mabagal ang pag-anggulo niya ng mukha habang sinisigurado na pantay lahat. Perpekto.
Kumibot ang mukha ni Sophie sa iritasyon at lumapit siya sa kaniya. Tumayo siya sa kaniyang tabi sa harap ng salamin nang nakaharap sa kaniya.
"Ang kalmado mo naman para sa taong kinaiinisan na ng lahat ngayon. 'Di ka manlang ba nagagalit kay Mayumi--... o sa kanila?"
Hindi kaagad na sumagot si Kayla. Binuksan lamang niya ang tubig. Dumaing naman ang lumang gripo bago umagos ang tubig. Malakas ang pagdaloy ng tubig sa tahimik na silid.
"What do you want me to do? Gantihan siya... siraan... pagkalat 'yung mga tinatago niya..." sambit niya habang hinuhugasan ang marka ng mascara sa kaniyang kamay.
"Oo!"
Winisik ni Kayla ang kaniyang mga kamay bago bumunot ng tissue. Tinutuyo ang mga ito.
"That's useless."
Napakurap sina Sophie, Raymond, at Cierra. Napatitig sa kaniya.
"A-Anong useless?" hinga ni Sophie bago siya tingnan nang maigi. Nanlalaki ang mga mata sa sobrang hindi makapaniwala. "Yla. 'Di mo ba naiintindihan ung sitwasyon?"
Iginilid lamang ni Kayla ang kaniyang mukha sa kaniya. Tinitingnan siya nang direkta.
"Are you questioning my decision?"
Gumuhit ang takot kay Sophie sa panandalian na pagkakataon. Ngunit hinarap pa rin niya si Kayla.
"Oo." tugon niya, matatag. "Kalmado ka lang naman kasi walang mawawala sa'yo dito. Kami--!" turo niya pa sa kaniyang sarili at kela Raymond at Cierra. "Marami! Kaya kailangan nating ibalik lahat sa dati. Kailangan nilang matakot ulit sa'tin. Kahit wala na tayong local's-- basta malinis lang 'yung pangalan natin sa pamilya natin."
Tinitigan lamang siya ni Kayla.
"I already lost everything when I lost my title, Sophie." pahayag niya. Blangko. "Do whatever you wanna do. I don't care. I just wanna finish this circus of a school and get the hell out of here."
Nilagpasan siya ni Kayla. Natigilan sina Sophie at Raymond sa kaniyang binitawan na salita at ginawa. Habang si Cierra naman ay mas nanginig na sa taranta.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi nakahanap ka ng katapat kay Mayumi." sambit ni Sophie nang sinasaksak ng masamang tingin si Kayla. Idinura niya ang mga salita nang hindi natatakot.
YOU ARE READING
Spring Onions
RomansaMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
