Viewer discretion is advised: The content might be uncomfortable to read due to injections, and graphic description of wound cleaning.
CONTINUATION SA KASALUKUYAN...
Naging mabigat ang pagkakahawak ni Mayumi sa mouse. Mahirap i-angat.
Kapag ba kumurap siya mawawala ito? Katulad na lamang ng pinira-pirasong selpon sa lapag?
Ngunit noong maramdaman ang malamyos na kamay sa kaniyang ulo, binaklas niya ang kaniyang tingin dito.
Maliit lamang ang malumanay na ngiti ng kaniyang Dad, ngunit kaya nitong tunawin ang bagyo ng niyebe niyang damdamin, kahit gaano pa ito katindi.
Dahan-dahan, gumaan ang pagkakahawak ni Mayumi sa mouse at hinayaan siya na pumalit dito, ganoon din sa pang-opisinang upuan.
Lumipat si Mayumi sa tabi ng kaniyang Papa, ngunit hindi pa rin maalis ang kaniyang tingin sa mga ebidensya na inililipat na sa USB.
"Bakit?" anas ng kaniyang Papa.
Maingat at dahan-dahan na rumerehistro ang kaniyang boses sa magulong isipan ni Mayumi.
"Can really win this, Papa?" wika ni Mayumi. "I did everything I could... but what if it's still not enough? What if they won't even consider it?"
Hinawakan ng kaniyang Papa ang kaniyang mukha. Maingat ito upang hindi madampian ang naka-bandaid na mga sugat. Hinarap niya siya sa kaniya.
"Iba ngayon, 'Umi." tugon niya. "Sisiguraduhin namin iyon."
Tiningnan siya ni Mayumi sa mata. Nagpapapalit palit ito mula sa isa papunta sa kabila upang matunton ang mga emosyon sa likod nito. Mayroon bang pangamba? Pagaalinlangan? Pag-aalala?
Ngunit kalmado lamang siya.
Matatag.
Sigurado, katulad ng ipinapangako niya.
At nagsilbi iyong matibay na alo na maaring panghawakan at sandalan ni Mayumi.
"Nakakabigla ang nangyari sa'yo. Pero kahit ganoon tiniis mo iyon para makatulong." paalala niya nang sumusulyap sa mga sugat niya. "Sapat na 'yon. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Siguro kung lumaban ka baka baligtarin ka lamang niya."
"I didn't want to hurt her, Papa. It felt like we would be no different." tugon ni Mayumi, kumukuyom ang mga palad. "And... I wanted her to hurt me too. If the evidence is gone at least there would still be me."
Lumihis ang tingin ni Mayumi sa kaniyang Papa at tiningnan na lamang ang kaniyang mga kamay.
"I don't know why I'm like this. Is it a bad thing?"
"Hindi," iling ng kaniyang Papa. "Ang labis-labis lamang, 'nak. Hindi mo nilabanan ang apoy gamit ang apoy, at mabuti iyon. Ngunit minsan kailangan mo din namang tumakbo kapag masiyado nang malakas ang apoy."
"Walang masamang isipin mo ang mararamdaman ng iba, pero..." tinaas niya ang mukha ni Mayumi upang muli niya siyang makita. "Ikaw, Mayumi, 'nak?"
Tiningnan siya nang maigi ni Mayumi, umuukit ang pagtataka.
"Inisip mo ba ang sarili mo noong oras na 'yon?"
Umawang ang mga labi ni Mayumi roon. Naudlot ang mga salita sa kaniyang bibig kaya't sinara niyana lamang ito. Natutop ang mga ito at nakita niya ang kaniyang repleksyon sa mga mata ng kaniyang Papa. Kahit ang konsensiya na nanunuot sa kaniyang mukha.
"I'm.."
'Sorry? To who?'
Yumuko si Mayumi.
Mapakla ito sa kaniyang dila. Parang bubog na nanatili at mahirap alisin.
YOU ARE READING
Spring Onions
Storie d'amoreMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
