Kenneth's POV
Pagkaalis ni Jenny, umalis na din ako... Pumunta ako sa isang restaurant... Pero di pagkain ang pinunta ko.. Yung pinunta ko dun ay yung peaceful na lake sa tabi.
Tahimik ang side nung lugar, tanging maririnig mo lang ay yung alon ng tubig.
Masarap ang hangin.. Dito kami pumupunta ni Jen pag galit kami sa mundo o pag nalulungkot kami..
Pero since mukhang uulan.. Sa bahay na ako magmu-mukmok..
Agaw moment. Tsk.
On the way nung pauwi ako, dumaan ako sa isang store. Bumili ako ng ilang cans na alak..
Alam ko kung malalaman ni Jen na iinom ako, magagalit yun... Sigurado pagsasabihan ako, at sesermonan... Pero wala siya.. Kaya bahala na.
------
Pagkapasok ko palang ng bahay, sumalubong si Manang..
"Sir, may sulat po kayo..."
"Galing po kanino?" Tanong ko
"Kay Jenny po Sir.. Dumaan siya kanina.. Pagkalabas ko ng gate nakita ko siyang tumakbo paalis.. Basang basa nga po sa ulan eh." Sagot ni Manang
"Sige Manang.. Akyat lang na po ako." At naglock na ako sa kwarto.
Linabas ko sa plastic yung mga alak.. Pero bago yun.. Binasa ko yung letter...
Wag lang ako paiiyakin nun.. Alam na alam niya ang weakness ko eh..
Dear Kenneth,
Oy, wag kang iiyak.. Babalik ako no! Sorry na, dahil biglaan ang pagalis ko.. Sorry dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos.. Pero tandaan mo, andito lang ako para sa'yo.. Wag na wag mo akong kalilimutan, kung hindi humanda ka... Alam kong malapit ka ng umiyak, okay lang.. Sino nga ba ang hindi masasaktan kung iiwanan ulit siya.. For the third time.. Odiba? Bilib ako sa'yo dude.. Ang lakas mo, hindi ka agad bumabagsak. Ikaw nga yung knight and shining armor ni ClumpsyJenny dba? Sana maintindihan mo na kailangan kong umalis... Sorry and thank you for everything.. Mahal kita, alam mo yun... Be strong, babalik ako..
Love,
Your Best Friend <3Put4! Jenny, babalik ka ba talaga?
Bakit ba kasi biglaan? Tapos di mo man sinabi kung anong rason? How would I fvcking understand that?! How?!
At sabi mo na malakas ako at hindi agad bumabagsak.. Pwes, mali ka Jenny.. Hindi ako bumabagsak agad kase andiyan ka.. Nakasandal ako sayo.. Ikaw na nga lang ang nagiging lakas ko sa mga bagay. Ikaw ang kashare ko sa problema.. Pero putik! Iiwan mo din ako!
T@ngIn4! Gustong gusto kitang sumbatan na iniwan mo din ako kagaya ni Kristal!
Pero di ko magawa... Para na tuloy akong ano na naiiyak nalang...
This isn't me. Hindi ako iyakin. Hindi malambot ang puso ko. Hindi ako naapektuhan agad. HINDI.
Ughhh... Bahala na..
Iinom ako.. Walang makikiealam...
WALA.. Kase buhay ko to..
••••••
Maya's POV...
Kinabukasan, napagisipan kong lapitan at maging friends kay Kenneth. Para kay Jenny, gagawin ko yung favor.
Please, makisama ka naman destiny.. Napaka cold kaya ni Ken sa ibang tao..
Maaga akong pumasok para abangan ko si Ken sa bandang gate.. Mag g-goodmorning ako.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?