Jen's POV
Nagising ako ng maaga, ewan ko kung bakit pero, nagising nalang talaga ako.
Tumayo ako at pumunta sa washroom, para mag hilamos at mag mumog, tsaka gawin ang iba kong rituals.
Pagkatapos nun, bumalik ako sa kwarto, pero wala na si Maya.
Wait, kanina pa ba siya wala?
Bakit ngayon ko lang napansin?
Eh, hindi naman mahilig mag sleep walk yun. Asan na kaya siya?
Bumaba ako tsaka pumunta sa kusina, wala naman siya dun. Pumunta naman ako sa backyard namin, and there I saw her siting on the mini table set.
Kanina pa siya ganito ah..
Ang layo ng tingin, tapos tulala.
Tinabihan ko siya, tsaka ko siya tinitigan.
She looks bothered. May gumugulo sa kanya. And whatever or whoever that is, its really messing around with her head. Or maybe..... With her heart.
"Wuy." Tawag ko sakanya pero di niya yata ako naririnig.
Malamang lang, kase lutang na lutang siya.
"Maya." Sabay poke ko balikat niya.
"Haaay, buti naman at napansin mo na din ako." Sabi ko naman sakanya nung sa wakas ay napansin niya ang presence ko.
"Oh Jen? Gising kana?" Wow ha. Lutang nga to. Walangya naman oh. Ganda ng tanong eh.
"Malamang gising na ako." Alangan namang nag sleep walk ako. Tsaka, isama mo pa ang sleep talk. Aisssh!
"Kanina ka pa andyan?" Tanong niya sakin, kaya tumango lang ako.
I really want to talk to her about the thing thats bothering her, pero parang ayaw ko muna maki-alam.
But she's my best friend... Kailangan alam ko kung ano ang problema niya. Dahil ang mag kaibigan nag dadamayan.
"May problema ka ba?" Agad siyang tumingin sakin tsaka umiling.
"Stop lying Maya. Kilala kita, at alam ko kung may problema ka, kung malungkot ka, kung masaya ka, at kung nag sisinungaling ka." She exhaled deeply tsaka niya ako tinignan ng seryoso.
"If you were given a second chance to love him... Would you?" Nata-meme nalang ako sa tanong niya. Hindi ko alam.
"Wait... Iisipin ko muna yung sagot ko." Dahil sa naging sagot ko, tinignan niya ako ng masama. She even rolled her eyes on me.
Kaya napangiti nalang ako. Taray niya pa din, hanggang ngayon.
"Oo, I would still love him. Wala eh, ganun talaga. Siya yung tinitibok ng puso ko. Kahit masaktan ulit ako, mamahalin ko pa rin siya. Kukunin ko ulit yung opportunity na yun, pero kahit walang second chance... Kase tignan mo ngayon, siya pa rin ang andito." Sabay turo ko sa puso ko. "Kung babalik siya sakin ngayon, tatangappin ko siya. Tanga man pakinggan, wala eh. Siya talaga."
Wala naman akong magagawa kung siya talaga yung tinitibok ng puso ko. Kase kung pwede naman turuan ang puso ko na iba nalang ang mahalin, edi sana matagal ko nang ginawa.
But it doesn't work that way...
"Paano mo nalaman na siya ang mahal mo?" Tanong naman niya ulit sakin kaya ngumiti ako. I think, she's falling for someone. Or yet, she has fallen for someone already.
"Ewan ko.. Basta isang araw, I just had this certain feeling towards him. Yung para bang, makita mo lang siya, sapat na, masaya kana. Tapos pag ngumingiti siya, pati ikaw nahahawa. Every time na tinitignan ka niya, para kang matutunaw.. Tsaka comfortable ka pag naguusap kayo, parang safe na safe ka. At masaya ka tuwing kayo ay mag kasama." Sagot ko naman sakanya kaya tumango tango lang siya.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?