Jeff's POV
A day before operasyon ni Jen... Inaayos ko ang kwarto ko dahil someday pag wala na ako, gusto kong pumunta siya dito.
Kase andito lahat ng kasagutan sa mga tanong niya. Dito ko din iniwan yung mga alaala namin. Simula nung nakilala ko siya, hanggang sa linigawan ko siya at naging kami.
Matagal tagal ko nang ginagawa at inaayos lahat ng ito. Hinanda ko talaga ito para sakanya.. Baka kung gusto niyang balikan yung dati, pwede siyang pumunta dito. Paniguradong mararamdaman niya na andito pa din ako para sakanya. At malaman niya kung gaano ko siya kamahal.
"Handa kana ba?" Napalingon ako dun sa boses na narinig ko.
"Pasok ka Abby." Pumasok siya sa kwarto ko at inikot niya ang tingin sa buong lugar.
"Wow." Mukhang manghang-mangha siya. Sana ganyan din si Jen. Gusto kong magustuhan niya ito.
"Kayo na ni Maya ang bahala dito ha. Gusto ko kayong dalawa ang magdala sakanya dito. Gagawin niyo lang yon, pag sa tingin niyo ay yun ang tamang panahon para malaman niya." Lumapit siya saken at yinakap ako. Nag maramdaman ko na umiiyak na siya, mas hinigpitan ko yung yakap.
I owe her a lot. I thank her for being there for me when I needed someone. Hindi ko siya rebound, at hindi ko rin siya ginamit. Dahil we both know kung ano ang relasyon namin. Magkaibigan. We're friends, at hanggang dun lang yon.
"Mamimiss kita." Sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha niya. "Osige na, magpahinga kana. May lakad pa ako, aayusin ko pa yung libingan mo." Sinamaan ko siya ng tingin tapos tumawa siya. "Joke lang, sila Tita na ang gumawa non. Mahal ka ng mga foster parents mo. You're very lucky."
I smiled back at her. "Mag behave ka pa din. Mumultuhin kita pag nalaman kong nagrebelde ka. Mahirap na By."
"Stop calling me By, baka pag narinig ka ng iba, ano pa isipin. Plus, my name is easy to pronounce, kaya wag kang tamad. Isama mo na yung Ab sa bhie. Para Abby." She walked past me and said "Goodbye Jeff, pakabait ka kung saan ka man mapadpad."
Tumakbo siya palabas ng kwarto ko at malamang ay umuwi na yon. Hinahanap na siya panigurado sa bahay. Strict parents non eh. Bantay sarado sa one and only daughter nila.
Napatingin ako sa kwarto ko.. At dun ko na realize na andami kong maiiwan dito. Andami kong mamimiss.
-----
Hapon na at andito lang ako sa bahay naghahanap ng pwede gawin. Kaso wala talaga.
Biglang nag ring ang phone ko.
"Hello?" Bungad ko
"Punta ka sa Resort ko, hintayin ka namin don." Si Ken... Pinapapunta ako sa resort niya? Anong meron?
"Itetext ko sayo yung address." Greg? Magkasama sila? Anong gusto ng mga to? Wait, kasama ba nila si Jen?
Magtatanong na sana ako nang magsalita ulit si Ken. "Wag ka na muna magtanong. Sumunod ka nalang please. Ingat ka, hintayin ka namin. ASAP ha."
Umakyat ako at kumuha ng mga damit tapos dumiretso sa banyo. Naligo ako at ginawa ang ibang routines tapos umalis na. Tinignan ko yung address na tinext sakin ni Greg at medyo malayo layo pala yon.
Binilisan ko yung pagpatakbo ng sasakyan ko habang nag j-jam sa music. Pero nung narealize ko na sobra na pala ako sa speed limit, binagalan ko.
Its better to be safe.
Lalo na kung may importante pa akong gagawin bukas. Hindi ako pwedeng maaksidente or mapahamak. Ibibigay ko pa ang puso ko dun sa taong mahal ko.
Pagdating ko dun, tinext ko si Greg na andito nako. Nag reply naman siya at sinalubong niya ako. Sinabihan ako ni Ken at Greg tungkol sa plano nila.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Dla nastolatkówThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?