Maya's POV
Nang makarating ako sa rooftop, umupo ako dun sa sulok, at nagmukmok..
Nagplay din ako ng music at pumikit..
[Someone's Always Saying Goodbye]
'Why do people fall in love and then, ends up crying...
Why do lovers walk away from themselves, when their hearts are breaking...
Why does love can never stay long?
Why does kissing this time, mean you'll be gone?
Why does gladness, become sadness?
Things that I don't get...
Someone's always saying goodbye.
I believe it hurts when we cry..
Don't they know, parting's never so easy..
And with all the aching inside,
I believe some hearts will survive.....'
Di ko na namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko kahit nakapikit ako..
Pinunasan ko agad yung mga luha ko, at idinilat ang mga mata ko..
Pero pagkabukas ng mata ko, bumungad sakin si Kenneth.. Nakatingin lang siya ng seryoso sa malayo.
"Sorry, sige alis na ako." Tumayo na ako at ipinagpag yung palda ko, kase baka may alikabok... Dire-diretso lang akong naglakad, at linagpasan siya..
"Di ko naman sinabi na umalis ka.. I don't own this place. Pwede kang mag stay." Ang gulo nito.. Bipolar nga! Sabi niya kanina, ayaw niya akong nakikita sa paligid kung nasan siya.
"No, okay lang.. Aalis na din naman ako." Ngumiti ako sakanya at tumalikod, pero hinila niya yung braso ko, kaya napaatras ako.
Ang bait bait kanina, tapos ngayon manghihila ng biglaan.
"Ano ba?!" Pasigaw kong tanong. "Di mo ba alam na sa mga ginagawa at sinasabi mo, ay may nasasaktan ka?" Di ko na napigilan yung bibig ko, kase sumosobra na siya.. Talagang hindi ko na kayang pag tyagaan yung ugali niya.
"Gusto ko lang mag sorry." Mahina niya sabi.. Kaya hindi ko alam kung totoo yung narinig ko.. "Mag usap muna tayo.."
Wala na akong nagawa kung hindi ang mag stay.. Umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina.. Tapos kaharap ko siya..
Walang nagsasalita saamin, kaya ang tahimik.. Halos mabingi na ako.
"Look.. Sorry. Pasensya na kung nasigawan kita, tsaka kung napagsalitaan kita ng masama at masasakit.. Sorry din kung nasaktan kita kanina sa hall nung nabangga kita. Mainit lang talaga ang ulo ko. Basta, magulo. Pag pasensyahan mo na ako. And I apologize for all of my stupid actions." Tuloy tuloy niyang sabi.. Wow! Kenneth Guzman nagso-sorry sakin, without the influence of Jenny or hindi napipilitan.. Speechless ako.
Mukha naman siyang sincere, kaya ayun.. Di ko na pinalaki yung usapan. I don't wanna make it a big deal. At least alam niya na nagkamali siya.
"Apology accepted." Sagot ko.
"Salamat." Aniya naman niya..
Tapos again.. Katahimikan na naman ang bumalot saamin.
"Bakit ka umiiyak kanina?" Biglaang tanong niya..
Um.. Bakit nga ba? Di ko din alam eh.
"Ah.. Eh, wala. Tagos sa puso lang yung kanta na pinakinggan ko." Yun nalang ang sinabi ko.. Wala naman kase akong matinding pinagdadaanan eh.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?