Jen's POV
Nung natapos kong kausapin si Kev, pinatawag ko si John.
"May sakit ka pala, di mo man sinabi saamin." Yan ang pambungad niya sakin nung makapasok siya sa kwarto ko.
"Ayaw ko na mag alala kayo. Okay lang ako. Kaya ko." Umiling siya tsaka niya ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya. Alam niyang ayaw na ayaw ko ang may gumugulo sa buhok ko.
"John, kailan mo liligawan si Hannah?" Agad naman siyang napangiti. Asus.
"Kami na." Natira ko siya sa unan ko nung sinabi niya yun. Bakit wala akong alam? Paano? Kailan?
"Jonathan Ezkiel Alvarez, bakit hindi ako updated?!" Natawa naman siya dahil sa naging reaction ko. Kaya binatukan ko pa siya. "Pakyu ka. Bakit di mo ako sinabihan?" Ayan tuloy napapamura na ako.
Pagbigyan.. Minsan lang to.
"Jenny Lee Dominguez, kumalma ka. Nagbibiro lang ako." Pinikit ko naman siya sa tenga dahil sa sinabi niya. Putek, paasa to. Akala ko sila na talaga!
"Pakyu ka ulit.. Paasa!" Tumawa ulit siya kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Nako, konti nalang itatapon ko na to sa labas.
Panay pa din siya sa pagtawa kaya hinampas ko ulit siya ng unan. "Manahimik ka, baka hindi kita matancha."
Paking tape kase! Napaniwala niya ako.
"Tinotorpe ako. Di ako makapag confess." This time, ako naman ang tumawa. Sheeet, laughtrip!
Torpe pala eh.
Wahahahaha!
"Oy Jen, wag mo nga akong pagtawanan." Mas lalo pa akong natawa dahil sa reaction niya.
Pulang pula na siya at halos lumuha na ang mga mata niya. Nahihiya pa to. Ako lang naman ang kausap niya!
"Epic dre! Torpe pala si Jonathan Ezkiel Alvarez.. Isang Alvarez ha!" Pang aasar ko pa sakanya tsaka ako tumawa ulit.
"Ganyanan Jen.. Sige, aalis nalang ako." Tumayo siya tsaka niya binuksan ang pintuan.
"Oy John. Wag kang magdrama, ikaw nga itong paasa eh. Bumalik ka dito, may sa---" Napahinto ako sa pagsasalita ng makarinig ako ng nag sisigawan.
Mga pamilyar na boses pa.
"Sila Zac ba yon?" Tatayo dapat ako kaso bumalik siya at pinigilan ako.
"Opss.. Saan ka pupunta?" Pinalo ko siya tsaka ko tinanggal yung naka-kabit sa kamay ko. Kahit masakit, pinilit ko.
"Jen, ang tigas ng ulo mo. Wag nga sabi eh. Hayaan mo muna sila." Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan dahil gusto kong malaman kung anong pinagtatalunan nila. Dahil nagsisigawan na sila, malapit nalang siguro kung mag bugbugan sila.
"John, hayaan mo ako. Baka nag aaway na sila." Lumabas ako at hindi ko na pinansin si John kahit anong pilit niyang pagpipigil sakin.
At pag labas ko, agad bumuo ang mga luha sa mga mata ko..
What are they doing?
Bakit sila nag sasakitan at nagsisigawan?
"Mga sira ulo ba kayo? Ano? Hinahayaan niyong masaktan si Jen dahil sa lalaking to?" Sigaw na mga tanong ni Zac kaya nagulat ako. Bakit kailangan niyang sumigaw?
Lumapit naman sakanya si Ken, tsaka binigyan siya ng masamang tingin at nagsalita.
"Paki ulit nga ang sinabi mo.'' Panghamon ni Ken sakanya. Naglakad ako pero ilang hakbang lang ay naramdaman ko yung kamay ni John sa kamay ko.
"Jen wag ka na munang lumapit. Mainit ang ulo nilang dalawa. Maiipit ka lang."
Kahit gustuhin ko man silang pigilan, ay hindi ko magawa. Kaya pinagmamasdan ko lang silang magkagulo.
"Sabi ko, sira ulo ba kayo. Hinahayaan niyong masaktan si Jen." Pagkasabi lang ni Zac nun, ay sinuntok siya ni Ken.
Ayaw kong makita silang ganito, pero anong magagawa ko?
"Gago ka ba?!" Pasigaw na tanong ni Ken kay Zac. "Sa tingin mo, hahayaan naming masaktan si Jen? Sa tingin mo, pababayaan ko siya?"
Ano? Nag aaway sila dahil sakin na naman?
"Oo! Dahil kung ayaw mo siyang masaktan, papaalisin mo si Jeff. Ilalayo ninyo ang taong ito kay Jen." Kaming dalawa na naman ba ni Jeff ang dahilan kung bakit nag kakagulo?
All I want is for everyone to be okay. Yung walang gulo. Is that too much to ask for?
Nagtulakan sila na halos ikatumba nila. Inawat sila nila Greg, pero wala pa rin.
Kaya napasigaw ako.
"Tumigil na nga kayo!"
Lahat sila napatingin sakin... Mukhang gulat na gulat sila.
Ako din. Gulat na gulat sa mga actions nila. They were never like that. Hindi sila nagkakasakitan. Not physically. Kung magkakasakitan at laitan man sila, panigurado nagbibiro at naglolokohan lang.
Hindi ganito.
Lumapit sakin si Drew para alalayan ako pero umilag ako. Not to be mean, pero kaya ko na. Ayokong magmukhang mahina.
Bigla naman dumating si Maya at nagulat na andito ako at wala sa kwarto.
See. They are so worried of me that hindi na nila napapansin na nagkakagulo na sila.
Bigla naman nagsalita si Zac at biglaang umalis. Tinawag ko siya pero ni hindi siya lumingon. Tuloy tuloy lang siya.
Ughh.. Bakit kailangan mangyare to?
Hindi dapat ganito ang pakikitungo nila sa isa't isa. Dapat magkaayos sila.
I need to do something about this. I just can't stand to watch them fight.
Kailangan kong gumawa ng paraan....
•••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?