Maya's POV
Nalingat ako pero wala pa si Jen, kaya lumabas ako sa kwarto at hinanap siya.
At nakita ko siya na kausap niya si Ken.
Nadurog yung puso ko nung sabihin ni Jen na mama-matay na siya, kung hindi mapalitan yung puso niya.
To be honest, gustong gusto ko nang sabihin kay Jen yung tungkol sa nalaman ko. Pero hindi ko magawa. Nangako ako kay Jeff.
Babalik na sana ako sa kwarto kaso pag lingon ko, nakatayo sa gilid si Greg.
"Alam na ni Ken?" Tanong niya sakin kaya tumango ako.
"Geh, babalik na ako sa kwarto."
Umalis ako nang hindi hinihintay ang sagot niya.
Humiga ako at sinubukan matulog ulit, pero di ko magawa.
Nakokonsyensya ako.
Pero wala naman akong choice.
But theres one thing that I don't want to happen.
Ang mawala ang isa sakanila, dahil alam kong masasaktan sila ng sobra.
Nakarinig akong footsteps, kaya pinikit ko agad ang mga mata ko.
Pumasok si Jen at humiga sa tabi ko.
Alam kong umiiyak siya dahil naririnig ko ang paghikbi niya.
"Bakit ang unfair?" Biglaan niyang tanong. Kinakausap niya ang sarili niya.
"Hindi ko pa kayang magpaalam sa mga kaibigan ko. Sa mga taong mahal ko. Ayoko pa silang iwan." Hindi ko na napigilan at yinakap ko siya.
Mukhang nagulat siya pero I just smiled at her without saying anything.
"Bakit gising ka pa?" Umupo siya at pinunasan ang mga luha niya.
Umiling ako tsaka ko siya yinakap ulit. "Wag kang bibitaw." Sabi ko sakanya tsaka siya tumango.
"Thank you."
-----
Maya's POV
Nagising ako nung makarinig ako ng katok sa pintuan.
"Maya, Jen.. Gising na." Boses ni Fhey.
"Susunod na.. Gigisingin ko lang si Jen."
"Bilisan niyo, strawberry picking daw."
Sinubukan kong gisingin at alugin pero ayaw niya magising.
Hinawakan ko yung pulso niya, at halos wala akong naramdaman na beat.
Hinawakan ko yung pisngi niya, at ang lamig. Lalo na yung mga kamay niya.
Wala akong alam gawin kaya sumigaw nalang ako.
"TULOOONG!"
Agad silang pumunta sa kwarto at mukhang gulat na gulat.
"Anong problema?" Agad na tanong ni Drew.
"Si Jen.." Agad naman nilang nagets kaya sinubukan nilang gisingin si Jen.
Inalog alog namin siya pero wala talaga.
"Kev, yung kotse mo. Pahiram.." Binuhat ni Ken si Jen tsaka lumabas kaagad. "Kevin, bilisan mo!" Sigaw ni Ken, at halata sa boses niya na nag papanic siya.
"Zac, ikaw muna bahala dyan." Sabi ko sakanya tsaka sumunod kila Drew.
-----
Andito kami ngayon sa labas ng emergency room at nag hihintay ng update. Sinugod kase namin si Jen dito sa pinaka malapit na hospital sa Baguio.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?