Maya's POV
Nung pumasok kami sa kwarto ni Jen, agad akong lumabas dahil hindi ko napigilan masaktan at makonsensya.
Nakita ko kung paano nagkita ang mga mata nila. Kung paano ngumiti si Jen. Yung ngiti na puno nang saya. At si Jeff naman... Nakita ko kung paano niya gustong mayakap at makasama si Jen. Pero wala siyang magawa.
Bakit napaka komplikado?
Why can't they just be together again?
"Maya." Pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sakin. Lumingon ako at nung na-confirm ko na siya nga, linapitan ko siya at yinakap.
"Bakit kailangan nilang mahirapan? Ako ang nasasaktan para sakanila. Bakit hindi nalang sila maging masaya katulad ng dati kasama ang isa't isa?"
Hindi ko na napigilan maging emosyonal dahil nahihirapan ako. Nahihirapan at nasasaktan akong makita ang kaibigan ko na nagpipigil kahit mahal pa rin nila ang isa't isa.
"Tahan na. Ma-aayos din ang lahat." Kumawala ako sa yakap, tsaka ako umupo. Sakto namang dumating sila Zac kaya pinunasan ko yung mga luha ko.
"Asan si Jen?" Agad na tanong saamin ni Zac at sakto namang dumating sila Drew pero hindi nila kasama si Kev.
"Kausap niya si Kevin sa loob." Sagot ni Ken sakanya tsaka umupo sa tabi ko.
Out of nowhere niyang tinapik ang ulo ko tsaka nagsalita. "Nag bibilin na siya."
Ilang minuto pa kaming naghintay ng lumabas si Kev at tinawag niya si John.
"Tawag ka ni Jen." Sumunod naman agad si John at naiwan na naman kami dito sa labas.
Hindi ko kaya to.
"Magpapahangin lang ako sa labas." Paalam ko sakanila tsaka ako umalis.
-----
Zac's POV
Nung pagdating namin sa hospital, nakita namin agad si Maya at Greg sa labas ng isang kwarto. Where probably Jen is.
Sakto naman lumabas sila Ken pero kulang sila.. Wala si Kev.
Pero maya maya lang, tinawag ni Kev si John. Tapos nag paalam si Maya na magpapahangin lang muna sa labas.
"Bakit andito si Jeff?" Agad akong napatingin sakanila and there I saw him. Kanina kase hindi ko siya napansin, dahil ang agad na nasa isip ko ay si Jen.
Bakit nga ba andito to?
Linapitan ko siya at tinignan ng masama. Yung tipong tingin na nakakapatay.
"Bakit ka nga ba andito?"
Sinabihan naman nila ako na tumigil pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Asan ang Abby mo? Bakit hindi mo siya kasama?" Inaawat ako nila Greg pero mas lalong umiinit ang ulo ko. "Bakit andito ka?!" Pasigaw na tanong ko.
Bakit andito siya? Sasaktan na naman niya si Jen? Papaasahin, ihuhulog, tapos ano?
Kalokohan.
"Zac tama na yan." Sabi ni Fhey pero di ko siya pinakinggan.
"Ano ha?! Bakit hindi ka makasagot?" Habang tumatagal parang mas lalong kumukulo ang dugo ko sakanya.
"Zac, kumalma ka nga." Sabi naman ni Hannah pero gaya kanina, di ko kayang kumalma.
"Kayo, bakit hindi niyo siya paalisin?" Ngayon naman ay nakatingin ako kila Drew, Ken, Greg, at Kev. Pero ni isa sakanila ang sumagot sa tanong ko. Tahimik lang sila.
"Jeff, umalis kana." Tinignan niya lang ako pero hindi siya gumalaw o nagsalita. "Alis na!"
Kailangan ko lang pala siyang sigawan para gumalaw siya.
"No, stay." Nagulat ako nung nagsalita si Drew.
What the heck is he thinking?
Sinaktan ng loko ito, si Jen. Ang pinsan niya.
"Kailangan ka ni Jen." Dagdag pa ni Greg. Kaya mas lalo akong naguluhan.
The last time I checked ayaw nila kay Jeff dahil sa ginawa at ginagawa niya.
"Mga sira ulo ba kayo? Ano? Hinahayaan niyong masaktan si Jen dahil sa lalaking to?" Tumayo si Ken tsaka siya lumapit sakin. Tinignan niya ako gamit ang killer look niya. Yung tipong kikilabutan ka. Pero ngayon, walang epekto. Dahil hindi ako natatakot sakanya.
"Paki ulit nga ang sinabi mo.'' Dahil sa sinabi niya, inulit ko nga ang sinabi ko.
"Sabi ko, sira ulo ba kayo. Hinahayaan niyong masaktan si Jen." Pagkasabi ko nun, agad kong naramdaman ang kamao niya sa pisngi ko.
At agad kong naramdaman ang hapdi nito, at ang pagka manhid.
"Gago ka ba?!" Pasigaw na tanong niya sakin. "Sa tingin mo, hahayaan naming masaktan si Jen? Sa tingin mo, pababayaan ko siya?"
"Oo! Dahil kung ayaw mo siyang masaktan, papaalisin mo si Jeff. Ilalayo ninyo ang taong ito kay Jen." Dahil yata sa sinabi ko, mas lalo akong linapitan ni Ken at tinulak ako. Pero gumanti ako. Tinulak ko din siya.
Inaawat kami nila Greg, pero panay pa rin ang tulak ko kay Ken dahil ganun din ang ginagawa niya sakin.
"Tumigil nga kayo!" Napatingin kaming lahat kay Jen na ngayon ay lumuluha. Habang si John ay napapa-iling nalang sa likod niya.
Kanina pa ba siya andito?
Nakita niya ba kaming nag aaway?
"Jen..." Tawag ni Fhey at Hannah sakanya.
"Bakit tumayo kana? Hindi ka pa malakas." Lumapit si Drew sakanya para alalayan siya pero umilag siya.
"Kuya, hayaan mo ako. Kaya ko na." Naglakad siya papalapit saamin tsaka tinignan kami isa isa at maya maya lang.. Dumating na din si Maya. Sakto lang siya.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong niya saamin. "Jen? Bat lumabas ka na sa kwarto?" Napailing lang si Jen at hanggang ngayon patuloy lang ang pag agos ng mga luha niya kahit pinupunasan pa niya ito. "Bakit ka umiiyak?" Tanong pa ni Maya.
"Tanungin mo sila."
Fvck this.
Wala akong laban sakanila. Kung gusto nila na andito si Jeff, edi wag siyang aalis. Ako nalang. Dahil hindi ko kayang makita siya sa paligid ko.
"Sorry Jen. Magpagaling ka. Aalis na ako." Tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.
"Zac..." Tawag ni Jen sakin pero di na ako lumingon..
Not now...
Paalam muna.
••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?