Forever 11

39 3 0
                                    

Jenny's POV

"Tell me, if you don't feel great.. I'll take you home, baka mapano ka pa."

Aww, my cousin is so sweet. Di pa rin niya ako matiis. Alam naman niya na gusto ko makita si Lolo.

"Yes Kuya.. Thank you."

Ang tanging sinagot niya sakin ay yung tingin na parang 'whatever' look.

Ilang minuto pa, nakarating na kami dun sa pinag rent nila Tita at Papa, para dun sa viewing ni Lolo..

"Lets go."

Pagpasok namin, nakita ko si Papa, at Tita na may kausap. Tapos si Lola, nandun sa harap ng kabaong ni Lolo.. Miss na niya si Lolo, panigurado.

Si Riza at Mama, nagaayos ng mga pagkain, para sa mga ibang tao.. Na hindi naman sila pamilyar sakin..

Lumapit ako sa kabaong ni Lolo, at kinausap si Lola..

"La, wag na po kayong umiyak.. Ayaw ni Lolo yan, dba?" Tapos sinamahan ko siya papunta sa harapan para umupo. "Magpahinga po muna kayo.."

"Atee...." Tumakbo papunta sakin ang kapatid ko at yumakap habang umiiyak..

Pati ako, naiiyak na din.. Ayokong nakikita na umiiyak o nasasaktan ang mga taong mahal ko at importante saken.

"Shhh.. Tahan na."

Nakatulog na si Riza, habang si Lola naman mukhang inaantok na.. Si Mama din, mukhang pagod na.

"Jen.. Iuuwi muna namin si Lola, kasama si Riza at yung Mama mo.. Si Tita Rachel mo naman, may aasikasuhin sa business. Gusto mo na din bang umuwi?" Sunod sunod na sinabi ni Papa..

"Pa, dito po muna ako.."

"Sige, kasama mo naman yung pinsan mo.. Kayo muna magbantay dito.." Sabay kiss sa forehead ko ni Papa..

"Ingat po kayo.."

"Tawag lang kayo if you need anything." Pahabol na sabi ni Tita Rachel at sumakay na sila sa sasakyan...

---------

Andrew's POV

I know na gustong gusto ni Jenny na pumunta sa viewing ni Lolo, kaya in the end, di ko siya natiis..

I told her na aalis kami, pero she needs to tell me kung iba na yung pakiramdam niya..

But since, matigas ang ulo niya. Hindi pa rin niya ipapakita yung nararamdaman niya. She likes to keep things to herself.

Tumabi ako sakanya sa upuan and whispered something, but she heard it..

"Stubbornness.. Tsk."

"Oy.. Anong binubulong mo?" Masungit na pagtatanong niya.

"Sabi ko, maganda ka.. But you're deaf."

Dahil sa sinabi ko, tinignan niya ako ng masama..

"Isusumbong kita." Pananakot niya sakin..

"To whom are you gonna tell on me?"

"Manahimik ka sa english.. Nosebleed ako." Pagrereklamo niya na mismong ikinatawa ko.

Maya maya ay natahimik kami... Until hindi na naman napansin na nakatulog na..

Nakasandal siya sa balikat ko habang ako naman ay nakasandal dun sa corner nung upuan..

"Couz.." Tawag niya sakin

"Oh?"

Umupo siya ng maayos as she rubbed her eyes..

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon