Forever 27

35 2 0
                                    

Maya's POV

Nung pumasok si Jen sa bahay nila para kumuha ng pagkain, sumunod sakanya si Kev. Tapos pati din si Greg, susunod pero pinigilan ko nalang..

Parang may seryoso silang paguusapan eh. But I know for a fact na its about Ken.

"Si Ken ba sinabihan niyo?" Dinig kong tanong ni Fhey kila John.

Tumango naman sila.. Oo, sinabihan nila ang magaling na best friend ni Jen, pero dahil sa pride niya, hindi siya pumunta.

"Busy siguro.." Sabi naman ni Hannah. Kaya napailing ako.

Maya maya lang, bumalik na din si Kev dito sa backyard at umupo sa tabi ko.

"Aalis si Jen, pupuntahan niya si Ken." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.. Ang sarap ng niluto ni Manang eh.

"May I borrow that?" Napatingin ako kay Drew na pinsan ni Jen, na tinuturo yung gitara na hawak ni John.

Inabot naman ni John yun, kaya nag simula siya sa pag s-strum.. I know this song!

Maya maya lang, huminto siya sa pag gi-gitara at ngumiti..

"I can see that you guys makes my cousin happy.. For two months that I've been with her, ngayon ko lang talaga siya nakitang masaya. I know she's happy being with us in another place. But, I guess this is really her home. I just want to ask you guys one thing." 0__O wow, speechless ako. English yun! Nakaka nosebleed. Pero on a serious note, I can see that he really care about his cousin. "Do everything to make her happy. Hanggang may oras pa." Tumayo siya at nagpaalam na papasok na sa loob. Mag aayos pa daw siya ng gamit.

Pero hanggang ngayon nakatulala pa din ako.. Anong ibig niyang sabihan na 'hanggang may oras pa'.. May hindi ba ako alam? May hindi ba KAMI alam?

"Ano yun?" Pabulong na tanong ni Kevin sakin..

"Hindi ko din alam..." Pero iisa lang ang nasa isip ko. Aalis siya ulit.

Wait... Bakit wala pa din sila ni Ken?

Hinila ko si Kev sa side para itanong kung sinundo lang ni Jen si Ken, kase ang tagal na simula nung nakaalis siya.

"Di ko din alam.. Baka nag solo na yung mga yun." Sagot naman niya sakin.. He does have a point, pero alam ko naman na hindi aalis si Jen nang hindi kami sasabihan. Or ni isa saamin ang nakakaalam. Tsaka I don't think na mag so-solo talk or bonding sila ni Ken habang alam niya hinihintay namin siya dito.

"Sundan natin si Jen.." Nagtaka siya sa sinabi ko pero hinila ko lang siya pabalik kila Greg..

"Gusto niyo ng ice cream?" Tanong ko sakanila.. "Or Starbucks?"

Ngumiti naman sila which means gusto nga nila.

"Bibili lang kami ni Kevin.. Babalik kami. Diyan lang kayo!"

Paglabas namin sa bahay nila Jen, tinext ko si Greg, na pupuntahan namin si Jen atchaka Ken. Nag reply naman siya na i-update ko nalang siya.

Habang naglalakad kami, biglang bumuhos ang ulan.. Patay! Wala kaming dalang payong.

"Wrong timing." Komento ko

"Takbo nalang.. Malapit na eh." So no choice.. Tumakbo nga kami.

Pero nagulat ako ng nakita ko si Jen na walang malay sa daan. Sh*t!

"Anong nangyare?" Sabay kaming pumunta ni Kev kay Jen na ngayon ay nakahiga lang.

"Kev, dalhin mo siya sa ospital. Tawagan mo si Greg. Baka inatake siya ng sakit niya. Ako nang bahala kay Ken. G@gO yun!" Pipigilan niya dapat ako, kaso tinignan ko siya ng masama.

Iniwan ko si Kev na ngayon ay buhat buhat si Jen.. Fvck! Anong nangyare?

Ang putla niya.. Tapos halata sa mukha niya yung luha at namumugto ang mga mata niya. Tapos may bakas ng dugo ang ilong niya.

Tumakbo ako sa bahay ni Ken at nagtuloy tuloy lang ako sa bahay niya.

"Manang, si Ken po?" Tinuro niya yung backyard nila and there I saw him playing basketball..

"Hoy g@g0! Anong ginawa mo kay Jen?" Humarap siya sakin and he just shrugged his shoulders.

"Magsalita ka! Pipi ka ba? Bingi?" Naglakad siya papalapit sakin pero linagpasan niya ako. Kaya hinila ko siya at hinarap sakin.

"You're a fvcking jerk! I hope you won't regret what you did. Jen doesn't deserve you." Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko din siya. Nakakaasar lang kase.. Inuna siya ni Jen. Kahit pagod siya sa byahe, kahit andun kami sa bahay nila, pumunta pa din siya dito para sakanya.

"She left me. Bakit pa siya babalik? Ang selfish niya." Dahil sa sinabi niya, lalong nag init ang ulo ko.

"Hindi siya selfish! At kailan man hindi siya naging ganun. She asked me and Greg to look after you, simula nung umalis siya. Lagi siyang nanghihingi ng update tungkol sayo. She always texts you, pero di ka nagrereply. Tinatawagan ka niya, pero di mo siya pinapansin. Kahit iniwan ka niya, kahit malayo siya, hindi siya tumigil iparamdam sayo na lagi siyang andyan. You're the one shutting her off. You're the one who's pushing her away. You're selfish! You're a jerk! And I bet, hindi mo man pinakinggan ang paliwanag niya. Umalis siya para sa lolo niya. Yung lolo niya, 50-50 yung case sa States. After a day or two, namatay din yung lolo niya. Kung itatanong mo naman kung bakit nagtagal pa siya dun, yun ay kailangan siya ng pamilya niya, especially yung lola niya. But too bad, wala kang ka alam alam. Ni hindi mo siya inintindi." Pagkatapos ko sabihin yun sakanya ng tuloy tuloy, huminga ako ng malalim, dahil hiningal ako. "Kung gusto mong maging magisa ng tuluyan, keep doing what you're doing." Tsaka ako nag walkout.

Dumiretso ako sa bahay nila Jen, at sinabihan sila Ryan na umuwi muna.. Nagtaka sila pero sumunod din. Alam kong ayaw ipaalam ni Jen ang nangyayare sakanila ngayon, kaya i'll keep it that way.

Pagkaalis nila, hinanap ko sila Tita.. Ang tanging nakita ko lang ay si Drew.

"Sila Tito, asan sila?"

"They're all sleeping.. Napagod sa byahe. Why?" Sasabihin ko ba sakanya?

"What happened?"

Sorry Jen, pero dapat may makaalam. "Si Jen, sinugod namin sa ospital."

"Lets go.." Ako na ang nag drive, dahil sasakyan ko naman ang ginamit. At for sure, hindi pa niya alam ang daan dito.

Bigla naman nag ring ang phone ko, kaya sinagot ko. Naka bluetooth naman ako.

"Nasan na kayo?" Bungad na tanong ko sakanila

"Sa ******* Hospital.. Bilisan mo, hindi kami mapakali. Wala pang balita."

"On the way na ako. Geh." Binilisan ko yung takbo ng kotse ko, at wala akong pakialam kung over speed na ako. Kailangan ako ni Jen ngayon..

"Slow down... Baka tayo ang ma-aksidente." Hindi yata siya sanay sa pagpapatakbo ng sasakyan na hindi sumusunod sa speed limit.

"Sorry.." May point nga siya.. Pero kailangan na naming makita si Jen. Kaya binilisan ko ulit ang takbo.

"We're here..."

Jen, hold on.. Andito na kami.

Walang hiya yung best friend mo.

What a true jerk.

••••••

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon