Maya's POV
Since hindi ako makapaglaro ng volleyball, trip kong tumambay lang sa bahay.
Pero naisipan kong tawagan si Jen, pero nag ri-ring lang. Baka busy o kaya may lakad.
Buti pa siya, may pinagkaka-abalahan.
Tinggg!
1 message received.
From Hannah:
'Psst! Wer ka?'
Wow naman.. Kung maka-psst. Tsk.
To Hannah:
'Bahay. Y?'
Nag reply naman siya agad, kaso nakakatamad mag type.. Matawagan na nga lang.
"Bakit nasa bahay ka?" Bungad na tanong niya sakin nung sinagot niya yung tawag ko.
"Long story. Bakit mo ako hinahanap?"
"Walang prof, may meeting yata sila. Papunta kaming mall, hahanap ng gift para sa Ate ni Ryan.. Sama ka?" Ayy! Oo nga pala.. Mamaya yung birthday party nila. 18th birthday ng Ate niya pero ayaw niya ng malaking celebration kaya, sa bahay nalang ang gathering.
"Sige.. Meet ko nalang kayo dun."
"Sunduin ka na namin diyan.. On the way na kami sa bahay niyo."
"Sige. Bilisan niyo, ayaw kong naghihintay."
"Eto na po kamahalan.. Malapit na kami."
Di na ako nag respond, pinatay ko na yung call..
Ako ako lang... Gets? Ako=Maya.. Kaya maya (ako) maya (ako) lang.
Ha. Ha. Ha.. Nakakatawa no? Gulo ko!
As expected, dunating sila after 15 minutes.. Wow ha! Malapit na pala sila nun. Expected ko, 5 minutes.
Lumabas na ako sa bahay at dumiretso sa sasakyan ni Fhey.. Siya ang designated driver namin ngayon.
"Ready?" Tanong ni Fhey kaya tumango lang ako.
Sa byahe tahimik lang kami. Wala kaming mapagusapan eh. Tsaka bad trip ako. Mahirap na baka mapaglabasan ko sila ng galit.
Ang tanging naririnig lang namin ay ang radio na tumutunog.
[Without You - AJ Rafael]
'Bucket full of tears,
Baby know I'm here...
I'm here waiting.
Close your precious eyes,
And just realize that I'm still fighting..
For you to be with me,
And sit under this tree,
Baby we can watch the sunrise.
We can watch the sunrise....
Wake up, feel the air that I'm breathing.
I can't explain.. This feeling that I'm feeling.
I won't go another day without you....
Without you..'
"Andito na tayo." Pag a-anounce ni Fhey, kaya bumaba na kami at dumiretso sa pinaka malapit na entrance.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?