Jen's POV
I chose to stay.
Hindi rin naman ako mapapalagay kung aalis nalang ako.
I looked around and I can't say anything. I'm speechless.
Sa ceiling, may mga strings tapos naka lagay ang mga pictures namin. Pina develop niya yung mga pictures pati yung nakuhanan sa cellphone. Tapos sa wall may mga iba ibang lights. At hindi lang yon, yung isang side ng wall may mga nakadikit na picture forming a heart shape. Tapos meron stick notes kung saan saan.
Very touching. Very romantic.
I saw his laptop on his bed and on top of it was a note saying...
'Open... Use your birthday for pass'
Ginawa ko yun.. Linagay ko yung birthdate ko. And it opened. Again naman bumungad sakin ang picture namin..
Tears fell from my eyes.
I remember his wallpaper. That was the time when I finally agreed to be his girl friend. We were on a ferris wheel. Muntikan pa ngang mahulog yung phone niya dahil pilit namin sinasama yung sunset sa background ng picture.
Bigla naman bumungad sakin ang isang video clip. Nagtaka ako dahil wala pa naman akong pinipindot.
Pagkatapos mag load.. I pressed the play button. Bumungad naman saken ang mukha niya.
"Nagulat ka no? Bago ang lahat, hello. By now, alam kong alam mo na. Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Bibigyan ko na ng kasagutan ang mga tanong mo. Pero bago ang lahat, gusto kong kunin mo yung box sa ilalim ng kama ko. Thats for you too." Pinause ko muna yung video at tinignan yung sinasabi niyang box sa ilalim ng kama niya. And I found it. Bubuksan ko na sana kaso naalala ko yung video.
I played it.
"I'm sorry for hurting you. I'm sorry for breaking your heart. I'm sorry for leaving you all of the sudden. I'm sorry for everything. I didn't mean to hurt you. Although, I know I still did. At kahit ano pang gawin o sabihin ko, hindi ko na ma ia-alis yung sakit na nararamdaman mo. Pero wag mo sanang isipin na pinagpalit kita. I still love you. I still do. It has been you. Just you. Only you. And please don't cry. Wag ka nang umiyak, lalo na pag ako ang rason. Im no longer worth your tears, so please... Don't cry. It hurts me a lot to see you like that."
Sa sobrang pag iyak ko bigla nalang akong nakaramdam ng yakap.
Habang yakap ako ni Maya, pilit ko pa rin pinapakinggan si Jeff sa video.
"Alam kong nagtatanong ka kung bakit ako nakipag break. Its because I want you to be mad at me. Mas madali kitang maitutulak palayo. I didn't want to, but I had to. Ayokong iwan ka knowing na tayo pa. Ayokong ikulong mo ang sarili mo sa relasyon natin kahit wala na ako. I want you to move on. Open your heart to someone else thats more worthy than me. And please, take care of your new heart. Take care of my heart, after all matagal ng sayo yan, matagal nang ikaw ang nag mamay-ari. Tsaka yung laman ng box na hawak mo ngayon, tsaka yung isa pang susi... Sila ang magpapatuloy ng explanation ko. Andun yung mga ibang kasagutan sa mga tanong mo. Hanggang dito nalang, I love you. Always have. And I will always do."
Bigla nalang naglaho si Jeff sa video and its over. Tapos na. Wala na. Wala na siya. Iniwan na niya ako.
Patuloy ang pag iyak ko habang pilit naman akong pinapatahan ni Maya. Hindi ko lang mapigilan umiyak. Masyadong masakit. Mahirap tanggapin.
Kinuha ko yung box na nakuha ko sa ilalim ng kama at yung mga susi ay linagay ko sa purse ko. Tapos tumakbo ako pababa at tinawag sila Greg at Ken. Sumunod naman silang tatlo saken palabas ng bahay ni Jeff.
"Dalhin niyo ako kung saan niyo linibing si Jeff." Umupo lang ako sa likod ng sasakyan habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko. But it doesn't seem to work. Hindi maubos ubos ang mga luha ko. Patuloy lang sila. Daig pa ang ulan pag may bagyo.
Biglang nag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Drew. Pero di ko sinagot. Ang tanging ginawa ko lang ay pinatay ang phone ko. Ayoko muna makipag usap na kahit kanino. Tsaka ayoko malaman nila na nagkakaganito ako. Ayoko silang mag alala.
"Andito na tayo." Bumaba kami at naglakad lakad. Hanggang huminto sila.
Napatingin ako sa lapida na nasa harapan ko. At mas lalo akong naiyak. Pwede na siguro akong umiyak ng dugo sa sobrang hapdi at sakit ng mga mata ko.
"Iwan niyo muna ako." Nagtinginan sila sa sinabi ko. "Please gusto kong mapag isa." Tinanguan nila ako at tuluyan lumayo. Just a few steps away.
Umupo ako dun sa damuhan at hinawakan ang stone kung saan naka curved yung pangalan niya, birthdate, and date of death.
The same date ng pagkamatay niya ang operasyon ko. Same date ng pagka wala niya sa pagkakaroon ko ng bagong puso at bagong pag asang mabuhay ng malaya.
"Kung alam ko lang sana, hindi na ako pumayag sa operasyon. Kung alam ko lang sana... Sorry. Sorry. Sorry." Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sadyang masakit lang talaga. Ang hirap iprocess lahat sa utak. Ang hirap isipin na dahil sakin, nawala ang taong mahal ko.
"Nakakaasar ka, alam mo ba yon? Nangiiwan ka nalang bigla. Ang sakit eh. Pero mas naa-asar ako sa sarili ko. Kung naging kontento lang sana ako sa puso ko. Edi sana andito ka pa. Kung sanang tiniis ko nalang yung sakit ko, hindi ka mawawala. Hindi mo maiisip na ibigay ang puso mo sakin."
Patuloy lang akong nagsasalita, baka sakaling naririnig niya ako. Baka sakaling andito pa siya.
"Jen, tara na. Mukhang uulan." Tumingin ako sa langit at nag babadya nga ang ulan. Ang lungkot ng langit, parang walang buhay. Parang ako lang...
"Mahahabol tayo ng ulan. Tara na."
"Mauna na kayo sa kotse, susunod ako." Nag simula silang maglakad palayo kaya tumayo na din ako. Gustuhin ko man, na mag stay dito ngayon ay hindi ko magawa. Titignan ko pa kase yung mga nasa loob ng box at yung susi, kung para saan man yon. Gusto at kailangan ko ng mga kasagutan para sa mga ibang katanungan ko. Gusto kong luminaw ang lahat. Paano nangyare at bakit kailangan pang humantong sa ganito.
"Babalik ako.. Wait for me. I love you." Pagtalikod ko, bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin. Pagkatapos ay bigla nalang din bumagsak ang malakas na ulan.
I ran towards Ken's car, kung nasan sila... but before I knew it.. Everything was getting blurry until I lost my sight.
"Fvck!"
"Sh't!"
"Jen!"
Eto na ba ang sign or chance na makakasama ko na si Jeff?
•••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?