Jen's POV
Pagkatapos naming mag usap ni Zac, pumasok na kami sa rest house. Dumating na din si Kuya Manuel (driver) kaya andito kami ngayon naglalagay na ng mga gamit sa mga sasakyan.
"Uuwi na po ba?" Tanong niya saken pero umiling ako.
"May pupuntahan lang po sandali.."
Sinabi ko din sakanya kung saan talaga yung plano ko, kase malamang, kailangan niyang malaman.
"Tara na!"
Ilang oras na din kami buma-byahe kasi naman, sobrang hassle ng traffic.
Putek. Di na yata kami makaka abot dun. Baka pagdating naman dun, malapit na magsarado.
Haaaayy.
Wag na nga.
"Kuya Manuel (driver), punta nalang po tayo sa bahay."
"Sige po."
-----
Sa wakas ay nakauwi na din kami.. Ang haba ng byahe eh.
"Kain muna or laro?" Tanong ko sakanila...
"Laro."
"Kain."
"Kain."
"Laro."
Yan ang mga narinig ko kaya napag decisyonan ko na maglalaro muna kami tapos kakain nalang.
"Laro muna tayo basketball dun.. Tapos kain."
Pumayag naman sila kaya eto kami ngayon papunta na sa basketball court. Malapit lapit lang naman, kaya naglakad nalang kami.
Anong meron? Bat andaming tao?
Meron din nagtitindang fishball, kikyam, kwek kwek, ice scrabble, popsicle ice cream, at madami pang iba. May isaw pa yata eh.
Pero 5 something palang. May kaganapan ba?
"Wooo!"
Puro sigawan ang naririnig namin.
"May laban yata." Komento ni Kev kaya nakipag siksikan kami hanggang makakita kami ng open space.
"Pano to? May naglalaro, di na tayo makakapag laro niyan." Komento ni Ryan.
"Manood nalang tayo." Sagot ni Fhey kaya ayun at umupo kami at nanood.
Pero nagutom ako.. At sakto naman na madaming nagbebenta ng street foods.
"Wait lang... May pupuntahan lang ako." Tumayo naman ako nagpaalam sakanila kaso sumama si Maya saken.
Si Ken dapat kaso, pinigilan ko siya dahil mukhang seryoso siya sa panonood.
"San ka ba pupunta?" Nagtatakang tanong ni Maya saken.
"Bibili ng pagkaen." Nakangiting sagot ko sakanya kaya nabatukan ako. "Mesheket bhe." Pinitik naman niya yung noo ko atsaka ako natawa sa sinabi niya.
"Wag kang pabebe. Di mo bagay." Tignan mo to, ang taray talaga kahit kailan. "Bumili ka na nga lang. Bilis."
Aba, meron yata siya. Pinag iinitan niya ako.
Pinitik naman niya ulit ang noo ko, at sinabing "Alam ko ang nasa isip mo.. At FYI, wala ako."
Aray ko po. Pitik pa more! Pero wew, nabasa niya yung nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?