Forever 53

33 1 0
                                    

Jeff's POV

Theres no way in hell that mapupunta si Jen sa gagong yon.

Not a fvcking chance.

Kahit kanino.... Kahit kay Zac, or kay Ken. Wag lang kay-----

"Timeout!"

Agad kaming bumalik sa bench at kumain ng konti. Nakakagutom.

Maya maya lang, nagsalita si Jen at tuluyan ng naiyak.

Fvck dis sh!t.

Makakatikim talaga yung mga asungot na yon. Mga gago sila.

Ayaw na ayaw kong umiiyak at nasasaktan si Jen. Tapos eto ang gagawin nila?

Heck no!

Humanda sila.

Lintik lang ang walang ganti.

~~~

Maya's POV

Nagsimula na ulit ang laro nila. 5 minutes nalang. Matatapos na to.

44-51

Eto na...

Pass, dribble, pass, cross over, pass, layup.

Woo! Scored!

46-51 na! Malapit na.

Nasa kalaban ang bola nang maagaw ni Jeff yung bola sakanila at agad itong ipinasa kay Ken. Si Ken at tumakbo at pumunta sa 3 point line. And boom! Pasok!

49-51 na at konti palang ang nababawas sa oras. Ang saya!

I know where this is going.

Hahah! Magiging tambak. Because every single one of them are on fire. At mas determinado sila na manalo.

------

Eto na!

Bumaliktad na ang mundo!

Tikman niyo ang kamandag ng barkada namin.

58-53

Lamang na kami ng lima! Tapos ayun pa! Nag 3 point si Jeff.

Putek wew! Galing nilaa!

Tapos ayun sa kabila na ang bola pero agad na na block ni Kev yung shot. Kaya ayan, samin na ulit. Tumakbo sila sa kabilang side ng court at pinaglaruan ang kalaban.

Pasa dito, pasa doon. Dribble back n forth. Atras, sulong.. Tapos ayun! Nag 3 point si Zac!

61-53!

"TOOOOT TOOOOT"

Tapos na!!

Panalo kami!

"YEHEEEEYY!" Sigaw nila Fhey at Hannah at tumakbo sila sa court at nag apir sakanila.

Hinihintay kong tumayo si Jen kaso andito lang siya sa bench. Kaya dito nalang muna ako.

"Wah! Galing niyooo!" Komento pa ni Fhey sakanila. Mukha siyang bata na nakakuha ng human size teddy bear sa arcade.

"Tara na sa bahay." Yaya ni Jen kaya sumunod kami.

"Celebration ba?" Paulit ulit na tanong ni Ryan. At nabatukan siya kay Kev.

"Ryan, manahimik ka muna." Komento ng lahat sakanya at lahat na ay natawa.

Pagdating namin sa bahay nila Jen, dumiretso kami sa kusina. At andun sila Tita, and yung Mama ni Jeff, pati si Riza andito.

"Hi Ateeee!" Salubong niya kay Jen tapos nag hi siya samen. "Hiiii mga Ate at Kuyaaa. San kayo galing?"

"Gumala lang." Sagot ko sakanya tsaka ginulo ko ang buhok niya.

"Jen, may pagkain diyan.. Pwede na kayong kumain. Kayo na muna bahala ha, may lakad kami ng Tita Rachel mo." Tumayo si Tita at kumuha ng mga plato at baso, tapos linabas niya yung juice at soft drinks. "May carbonarra diyan tsaka barbecue. Tapos may ice cream sa freezer, cake sa ref." Ang bait talaga ni Tita. Napaka maalaga niya. Tinuturing niya kaming lahat na parang anak niya. "Iiwan namin si Riza dito, ikaw na din bahala sakanya ha. Ayaw niya sumama."

"Sige po Ma, ingat kayo."

Umalis na sila Tita at ngayon ay umupo na kami sa kitchen.. Naghanda si Jen at tinulungan siya ni Andrew. Sabi namin tutulong kami kaso ayaw naman niya.

"Kain na."

----

Jen's POV

Andito kami ngayon at kumakain habang nag ku-kwentuhan. Kaso napansin ko si Riza na nakaupo sa lap ni Jeff.

Haaysss. Ginugulo niya yung tao, kumakain pa siya.

"Kuya Jeff, laro tayo dolls mamaya. Tapos dun tayo sa doll house ko. May tea party!" Excited na sabi ni Riza kaya pinat lang ni Jeff sa ulo at ginulo ang buhok tapos tumango.

Walang choice yung tao. Yung kapatid ko kase ang kulit.

"Riza, pano ako?" Nag pout naman si Ken sa kapatid ko pero tumawa lang silang lahat.

"Ang sagwa."

"Panget."

"Wag na wag mo nang uulitin yan."

Yan ang nakuha niyang kantyaw sa grupo. Habang ang kapatid ko ay dinedma lang kase may pinag uusapan sila ni Jeff.

"Tara videoke tayo!" Yaya nila. Kaya nag ayos muna kami, kaso dumating sila manang at sinabing sila na ang magtutuloy.

Pagdating namin sa sala, naka set na.

"Oh, sinong mauuna?" tanong nila sa isa't isa, at nagkaturuan pa sila sa mic.

"Akin na. Ako na muuna." kinuha naman ni Fhey ang mic kay Zac, at linagay ang kantang Siguro..

Siguro by Yeng Constantino

"Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo

Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako

Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko

Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho

Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising

Ayaw ko
Ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang
tanga sa'yo

Pero nalilito
Nalilito
Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko-----"

Tumigil siya at tumayo... Mag w-washroom muna daw siya, pero pagdaan niya saken, may nakita akong luha sa pisngi niya.

Huh? Anyare don?

Tatayo na dapat ako kaso tumayo si Kev.

"Ako na."

Tinignan ko siya at nag thumbs up siya.

"Dont worry, ako na bahala."

Nginitian ko siya at tinapik ko ang shoulder niya.

•••••

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon