Forever 5

63 2 0
                                    

Jenny's POV

Ngayon, on the way na kami sa ospital kung nasan si Lolo. Medyo malayo daw yung biyahe papunta dun, galing sa bahay.

Umuwi kasi kami sa bahay nila lola't lolo.. Dun daw muna kami magstay, hanggang hindi mag recover si Lolo sa dating health condition niya. Tsaka para bawas gastos kung mag ho-hotel kami. Mahal ang bayad..

Ang tanging naalala ko ay, inatake sa puso si Lolo.. Tapos humihina na daw yung heart ni Lolo, kaya medyo unstable siya at madalas ma-atake.

'Tinggg!'

From Maya:

'Wuy! Musta kana? Balitaan mo ako soon. Ingat.'

Magrereply pa sana ako, kaso wala naman akong makuhang signal. Ayaw din masend ng text ko.

"Andito na tayo.." Pagkatingin ko sa labas, nakita ko na nga yung ospital.. Pero bigla akong kinabahan..

What if, hinihintay lang kami ni Lolo tapos tuluyan na siyang pagpapaalam?

What if, hindi kayanin ni Lolo, tapos wala na?

What if, pagdating namin dun, maging worse pa?

"Ate!"

"Ay pusa!"

Sa busy kong pagiisip ng kung ano ano, lumulutang na isip ko. Kaya hanggang ngayon, di pa ako nakakababa sa sasakyan..

Pero what if nga?

Haaayss.. Erase. Erase. Bawal ang negative charge. Dapat positive lang. Good thoughts!

"Ate! Bilisan mo!" Pagsigaw ulit ng kapatid ko.

"Tsk. Wag mo nga akong sigawan." Pagtataray ko sakanya na ikinalungkot niya.. "Wag kang magdrama, di bagay." Pahabol na pangasar ko.

Hahaha! Ang sarap inisin ng kapatid ko. Lalo na pag malapit na siyang maiyak, kase mamumula yung pisngi at tenga niya.

Parang si Neth. Pag kase gustong umiyak nun, mamumula din siya.

Kamusta na kaya siya?

Sa sobrang lutang ko.. May nakabanggaan pa ako. Tignan mo nga naman!

"I'm sorry." Sabi niya

"Ah, hindi.. Ok lang." Pagkasabi ko nun, hindi sumagot yung nagsorry..

Pero putcha! Napaka-tanga ko! Nasa ibang bansa pala ako.. Tapos mag t-tagalog ako sa taong hindi nakaka-intindi.

"I meant.. No, its alright." Pagcocorrect ko sa sarili ko.

"No worries.. I understand a bit tagalog. Btw, I'm Andrew." Tapos linahad niya yung kamay niya, na parang nakikipag handshake.

Since may manners ako, hinawakan ko yung kamay niya at sumagot. "I'm Jenny. Jen for short."

Pakshet, mapapasabak ako neto. Nosebleed.

Peroooo, asan na kaya sila Riza? Di ko na sila napansin kung saan sila pumasok.

Haaay! Lumilipad kase ang utak eh noh..

"Oh.. I think, hinihintay ka na nila.. They turned left then, first room." Tapos ngumiti siya sakin, at umalis na.

Huh? That was weird.

Nabasa niya ba yung nasa isip ko?

Pagkapasok ko sa room na yun.. Nakita ko agad si Lolo.. He look so weak. Tapos ang payat payat niya..

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon